Skype Date

Photo credit: Photobucket
Photo credit: Photobucket
Photo credit: Photobucket

FRIDAY.

OFF.

Madaling araw nang nakatulog.  Maaga pang nagising.  Kailangan eh.  Halatang excited na simulan ang araw.

Linis.  Laba.  Luto.  Ligo.  Kain.

Ting!  Ting!  Ting!  Ting!

Time check:  2:00 PM (Riyadh Time) + 5 Hours = 7:00 PM ( Pinas Time).

Oras na.

Facebook Chat:

Psssssttt… Yaj, nasaan na kayo?  Skype.  Now na.”

“Ate, excited ka masyado.  Wait lang, dinner muna kami.”

“Bilisan n’yo ha.  Dapat kanina pa ay kumain na kayo.  I’m giving you, guys, half an hour.”

“Abah.  At talagang may time limit kami?  Fine.  Fine.  Sasabihin ko kina parents na sabi ng pinakamamahal nilang panganay na anak, HUWAG SILANG BABAGAL-BAGAL KUMAIN.”

After 30 minutes:

Ate kong nagpapanggap na maganda,  we’re done.  Bilis na.”

“Bruha ka.  Mas maganda ako sa ’yo.”

“Hep.  Hep.  Hep.   Ate, settled na ang isyu na ito noon pa.  Ikaw na ang biniyayaan ng tangkad at magandang katawan.  Sa akin naman napunta ang kagandahan at kaputian.  Fair lang.”

“No comment.  Skype na tayo.”

“Ha ha ha ha.  Sapul!  Sige na nga.  Baka umiyak ka pa.  Game.”

SKYPE DATE:

Yow!  Wala kang video.  Ano ba ‘yan.  Ang pangit na naman ng signal n’yo.”

“Atat much?  Loading pa oh.”

“Ayan na.  Nakikita na kita.  Pero hindi ganun ka –clear.”

“Huwag ka nang masyadong demanding.  Pasalamat ka na lang at may nakikita kang image.”

“Gosh, Yaj.  What happened to you?  Mukhang haggard mo.  Stressed ka masyado?”

“Wow naman.  This is coming from someone na hindi na nawalan ng eyebags since the beginning of time?  Come on, Ate.”

“Loka-loka ka talaga.  Marunong ka nang sumagot.  Lume-level up na rin ang sarcasm mo.”

“Well, I learned from the best.  I’m your sister.  Kanino pa ba ako magmamana?”

“Good point.  Kumusta na nga pala ang review?”

“OOOOOOOOOOOOKEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY NAAAAAAAAMAAAAAAAAAAAAAAANNNNNNNNNNNN.”

“Ano ba yan?  Parang robot na parang alien ang boses.”

(Naputol ang connection)

(Tawag uit)

Sorry.  Pangit ang signal namin.”

“Always lang naman.  Sige, sige.  Before magloko ulit ang connection, can you call mother?”

(“Mother, ang anak mong maganda raw, pero maldita, tumatawag!”)

“Hello, ‘nak.  Maldita ka raw?”

“Hi, mother.  Hindi naman masyado.  Mas maldita ka pa rin.”

“Ha ha ha. Mabait ako.”

“Kumusta na?”

“Heto, ganoon pa rin.  Naghugas pa kasi ako ng plato at nagpakain sa mga babies mo.”

“Really?  Papasukin n’yo sila.  Ipa-skype n’yo rin sa akin.”

“Naku!  Huwag na.  Hindi puwede.  Gusto mo bang  biglang magwala ang dalawang iyon kapag nakita ka nila sa screen?  Boses mo pa nga lang ang naririnig, para na silang baliw sa kahahanap kung saan galing.  Alam mo naman ang mga aso mo.  Baka biglang mabasag itong laptop kapag nakita nila ang mukha mo.”

“Ang cute.  Miss na rin nila ako.”

“By the way, ‘nak.  Ang putla mo naman yata ngayon.  Bagong trend na naman?  Nahahalata na masyado ang eyebags mo.  Mukha kang bampira.  Puwede ka ring mapagkamalang batang sakitin sa gilid ng daan.”

“Ouch!  Mother, you’re so harsh.”

“I’m just being honest.  Matulog ka.  Kumain ka.  Sige ka, next time magmumukha kang adik.”

“Haaaayyyy.  I guess being brutally honest runs in our veins.”

“Oh, sige na.  May gagawin pa ako.  I love you, ‘nak.”

“I love you too, Mother.”

“Sisingit na ang Tatay mo.  Gusto raw niyang makausap ang panganay niya.”

“Hello, ‘nak.  How’s my baby?”

“Ayiiiieee!  Ang sweet naman.  Hello, Pops.  I’m fine.  I miss you.  Ang guwapo ah.”

“Siyempre.  Bagong gupit at bagong tina ang buhok eh.”

“Asus. Baka biglang dumami ang fans mo niyan?”

“Ha ha ha.  Don’t worry,’nak.  Hanggang tingin lang sila.  Kumain ka na?  Anong ulam mo?”

“Patay.  Alam ko na saan ang patutunguhan ng topic na ito.  Change topic na.”

“Ha ha ha.  Bakit naman?  Masama bang magtanong?”

“Sasama na naman ang loob ko nito eh.  Mang-aasar ka na naman.  Lagi ka na lang ganyan.”

“Lalo kang gumaganda kapag para ka nang magta-tantrums, ‘nak.  Sagot na.  Anong ulam mo?”

“Hmpppfftttt.  Pritong isda.”

“Tsk.  Tsk.  Kawawa ka naman diyan. Kung hindi manok, isda.  Kami, masarap ang ulam namin.  Estofado.  Sino na nga ba ang may paborito nito?  Ah, naalala ko na.  Paborito mo ito.  May tira pa dito.  Halika, susubuan kita.  Open your mouth, baby.”

“Waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh!!!  Sabi ko na nga ba.  Ayaw ko!  Nang-aasar ka na naman.  Change topic na.  Iiyak na ako oh.”

“Ha ha ha.  I love you!”

“Love daw.  Lagi ka namang ganyan.  Natutuwa ka kapag inaasar mo ako.”

“Sorry na.  Peace na tayo.  Ice cream, gusto mo?  Bibilhan kita pag-uwi mo.”

“Promise?  Sige,sige.  Gusto ko araw-araw may ice cream ako.  Mga half gallon, para sa akin lang.”

“Ha ha ha.  Sige na.  I love you, anak.  Bye!”

“I love you too, Pops! Mwah!”

Ganito kami lagi kapag pare-parehong may free time at nagkatugma ang mga oras.  For more than two years, ito ang nagsilbing gamot sa aming pagka-miss sa bawat isa.  SKYPE DATE.

Kahit malabo ang video; kahit parang robot ang mga boses; kahit nawawala ang internet connection; kahit putol-putol ang usapan, ayos lang (nakakairita nga lang minsan).  Somehow, we managed to bridge the distance between KSA and Philippines.

Friday na naman bukas.  Excited na naman ako sa susunod naming SKYPE DATE.

-April13 2/28/13-

About april13

Nurse na nakastuck sa Disyerto. Writer na naglalakbay sa iba't ibang mundo ( hangga't kayang marating ng utak ko).
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!