Sino Ang Tunay na BADING?

BADING.BAKLA.BINABAE.SHOKLA.

Anong unang pumapasok sa isip mo sa tuwing naririnig mo ang mga bansag na ‘to?

Marahil isang parloristang bihis-babae o kaya naman mga stand-up comedians ng Klownz na pilit pinagmumukhang tanga ang mga sarili makapagpatawa lamang ng mga manunuod. Naiintindihan kita. Ito kasi ang tinatawag na stereotype at ito ang nag-uudyok sa mga taong mapanghusga na isara ang kanilang mga kaisipan sa mga konseptong umiinog sa salitang ‘BADING’.

Sino ba ang tunay na BADING?

Bukod sa mga kinagisnan nating imahe ng mga bading, marami na ring nagkalat na miyembro ng third sex sa iba’t-bang propesyon at bahagi ng ating populasyon. Nariyan ang mga bading na nurse, call center agent, guro, manunulat, aktor, inhinyero, doktor, abugado, at kung anu-ano pa. Name the industry at malamang sa malamang ay may bading na  nakatago dyan. Wala akong kilalang pulis o sundalong bading ngunit hindi nangangahulugang walang bading na nag-exist sa buong kasaysayan ng militar. Totoong hindi lang sa mga industriya ng fashion at entertainment nabibilang ang mga lalaking pusong-babae. Sa modernong panahong ito, hindi na mahirap makakita ng bading in all forms and sizes.

Ngayon, makatarungan bang sabihing ang mga taong ito ay HINDI mga TUNAY NA LALAKI?

Ang kahulugan ng ‘lalaki’ at ‘bading’ ay subjective at depende sa taong magbibigay-kahulugan sa mga ito. Kung ikaw ay isang ordinaryong mamamayang Pilipino na lumaki sa konserbatibong pamilya, hindi na ako magtataka kung ang paniniwala mo ay “ang mga bading ay mga lalake pero ayaw lang magpakalalake”. Tanggap nating ang mga bading ay hindi kailanman mahahagkan ng buo ng Simbahang Katoliko, ngunit ang isyu dito ay hindi kung masusunog ba sa dagat-dagatang apoy ang mga kaluluwa ng mga bading kundi kung ano nga ba talaga ang sukatan ng tunay na PAGKALALAKE ng isang LALAKI?

Tunay na lalaki bang maituturing ang kapit-bahay naming  kaliwa’t-kanan kung mambabae at manloko ng asawa?

Eh ang isang lalaking ginawang almusal, tanghalian, at hapunan ang pambubugbog ng asawa?

Ito ba ang sinasabi nilang “lakas” at “tikas” ng isang tunay na lalaki?

Tunay din bang maituturing ang mga matitipunong kalalakihang walang ginawa buong maghapon kundi tumambay, bumarkada, maghanap ng chicks, magsunog ng baga, lumaklak ng beer at magpalaki ng katawan habang ang pamilya’y patuloy na nalulugmok sa kahirapan?

Ito ba ang ‘astig’ at ‘cool’ na tinutukoy ng mga lalaki?

Sa kabilang banda, marami akong kilalang bading na hindi man pinanganak na ‘astig’ at ‘lalaking-lalaki’ ay buong-pusong ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa buhay.

Sila ang mga bading na kayod-kabayo sa pagiging breadwinners….

Mga baklang nagsusunog ng kilay sa pag-aaral at nagtityaga sa pagtatrabaho mapatunayan lamng sa pamilya nila at sa lipunang umaalipusta sa kanila na ang pagiging bakla ay hindi lamang humihinto sa pagpaparlor, pagkendeng, pagmemake-up at pagbibihis babae….

Mga binabaeng career-oriented na wala mang sariling pamilya ay pilit nagtatagumpay sa larangang kanilang kinabibilangan….

At mga shokla na bagama’t mahina ang loob at katawan kumpara sa mga ‘straight’ ay ginagawa ang lahat upang maging makabuluhan ang kanilang buhay.

Sila and mga homosekswal na hindi nagpapatalo sa mga pagsubok ng buhay.

Sila, pra sa akin, ang mga TUNAY NA LALAKI at silang mga lalaking palamunin ng lipunan, walang sariling paninindigan, at naniniwalang ang ‘lakas’ at ‘dahas’ ay iisa ang mga TUNAY NA BADING.

Alam kong marami pa rin ang hindi bukas ang mga isip. At bilang isang Kristyanong bading, hindi lingid sa akin na patuloy pa rin ang panlilibak at pang-aalipusta sa mga bading na akala mo’y mga payasong ginagawang source of entertainment. Para sa akin, hindi kasalanan ang pagiging bading. Alam kong maraming bading ang gumagamit sa kapwa nila lalaki at pilit binababoy ang kanilang mga sarili. Ngunit ang sabihing imoral ang lahat ng bading ay para na ring pagsabing imoral lahat ng kababaihan dahil pokpok si Aling Bakekang. Enough of the stereotypes. Sabi nga ni Boy Abunda, ang mga bakla ay hindi humihingi ng equal rights kundi equal privileges sa trabaho, oportunidad, at kahit respeto man lang sa mga nakakaintindi. Oo, mga makasalanan at may mga sariling kahinaan din ang mga bakla ngunit ito ay katangian ng lahat ng tao regardless of sexual orientation. At ang kahinaang ito ang syang magbubuklod sa mga bading at sa Poong Maykapal na handang magmahal ano pa man ang ating oryentyasyong sekswal.

Ito na ang tamang oras upang wasakin ang mga mapanghusgang stereotypes ng lipunan.

BADING.BAKLA.BINABAE.SHOKLA.

Sana’y mag-ingat ka sa panghuhusga dahil hindi lahat ng lalaki ay tunay na lalaki at hindi lahat ng bading ay hindi tunay na lalaki.

Ngayon, sino sa tingin mo ang mga tunay na bading?


Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.


Send a private message to author Lui B.

  • alfonso

    Wala sa sinoman ang pwedeng mag-bigay ng kanyang opinion sa bawa’t taong nabubuhay dito sa mundo maging tunay ka mang lalaki or Beki, kung ano ang iyo at kanyang paniniwala irespeto na lang natin.

  • Jass

    to mr.tong, mukang ikaw yata ang may sakit sa utak, kasi d m naiintindihan ang mensahe ng writer…literal ka kung mag isip, ibig sabihin kabilang kapadin sa mga makikitid ang utak at nangsstereotype ng tao..at isa pa doctor kaba para sabihin na sakit ang pagiging bakla?anu credibility m para sabihin yun?sa totoo lang ikaw ang misleading, ikumpara ba ang pagiging bading sa isang rapist or psycho?paki explain kasi sinabi mo its hormonal defiency ang dahilan sa pagiging bading and then u shifted to psychological just to relate it sa rapist and psycho?huhhh???anu un???wag ka na lang magcomment kung wala ka basehan at d firm ang foundation ng reasoning mo.kung morality ang pagbabasehan oo tama ka, d tama makipagtalik sa kapwa lalaki, pero sino ba nagdidictate ng morality sa lipunan?ill give u an example, dati ang pagsusuot ng shorts o tumingin straight to the eye eh taboo, ngayon its normal na tanggap na…dati ang homosexuality ay taboo ngayon unti unti ng natatanggap.so ibig sabihin ang acceptance na sinabi natin eh hindi conditional acceptance, its the general thing about homosexuality. kaya contradicting ka nanaman sa mga sinabi mo na ok lang ang mga bakla pero kung nakipagtalik na sya sa kapwa lalaki eh d na ok, anu ba talaga ang stand mo?kung ang issue mo lang eh ung pakikipagtalik nya sa kapwa lalaki eh conditional ang acceptance mo dahil sexual intercourse with same gender is part and parcel of being gay..so there again stereotyping ka na naman…just a piece of advice, before u comment please read the article or any articles for that that matter, not with a single angle only. try to squeeze the very gist of the story. and that is possible only if u have a heart, an open mind, and emotional sensitivity to every subject u r reading…a moralist opinion is not needed po dito kung sa umpisa pa lang eh morality na ang pinapairal…

  • gayfairy

    very well said …

  • josh

    @jeff

    If you fully read the article, the author clearly states on the last paragraph that he is gay. 🙂

    • Oh! Thanks anyway. But DEFINITELY he is WRONG with his THINKING about the difference of being IRRESPONSIBLE and being GAY.

  • jess

    sa mga nangungutya s mga bading, tingnan nyo muna sarili nyo kung kayo ba eh matino, responsable, may pangarap sa buhay at may paninindigan…

    • Oo naman! Matino, Responsable, may Pangarap sa buhay at may paninindigan.

  • Magkaiba ang pagiging IRESPONABLE sa pagiging TUNAY na LALAKI. Ang TUNAY na LALAKI ay HINDI nahuhulog ang loob sa kapwa lalaki at ang RESPONSABLENG BADING ay HINDI nangangahulugang tunay syang Lalaki. Mukhang MALI ang Idolohiya ng sumulat ng Artikolo na ito sa PAGKAKAIBA ng Tunay na LALAKI at BADING.

    • additional comment.

      Isa lamang ang sukatang nag pagiging TUNAY na BADING yun ay KUNG nahuhulog and loob mo sa LALAKI iresponsable ka man o hindi.

      At ang sukatan ng isang tunay na LALAKI maging sya man ay responsable o hindi. Maging tapat sa asawa o hindi. ito ay kung hindi na nahuhulog sa kanyang kapwa lalaki.

      Malamang-lamang ang sumulat ng artikolong ito patungkol sa “Tunay na Lalaki o bading” ay isang TUNAY na BADING!

      • g.i Joyce

        e no ngayon kung bading xa,..? bakit? kabilang ka ba sa mga lalaking iresponsable at kaliwat kanan ang babae kaya nagre react xa..? masarap ang may kaibigang bading,.. mas totoo sila kesa sa mga babae,. hindi sila plastic, kung ayaw nila ginagawa mo or may gusto silang isabi sayo sinasabi nilaagad,. at hard working sila,. tama ang author,..lahat ng sinab nya ay totoo,..

        • g.i Joyce

          *ka..

        • @g.i Joyce

          HINDI ako kabilang sa mga IRESPONSABLENG LALAKI o sa mga Kaliwa’t kanan ang BABAE. ang PINUPUNTO ko lang dito na MALI ang Author sa kaiisipan nya sa PAGKAKAIBA ng Iresponsableng LALAKI ang BADING!

          • g.i Joyce

            hmmm..?! bitter…?! LMFAO!!!!!

      • nash

        tama kayo sir, 100% bading nga ang nagsulat nito at bading din ang karamihan sa mga sumang-ayun sa nakasulat dito, wag mapikon opinyon ko lang ito.

        • Cat

          ang point lang naman dito eh kahit sila bading tao pa rin sila na dapat e respeto ng kapwa tao… may puso at nasasaktan din… mahirap ang pinagdadaanan nila at yun ay d maiintindihan ng isang lalaking sarado ang utak at mapanghusga…

  • crisdee

    you made a nice, stunning, wonderful write ups. everything you mentioned is true. Matanong ko lang bakit kaya sila ganun sa mga third sex at bakit san ka mag punta sa Pilipinas pag-nakita nang tao na kekendin-kinding ka eh para nang nanalo nang lotto sa kaka kutya sayo na kung suriin naman eh mas may natapos kapa kumpara sa kanila. Talagang may marka kolonyalismo pang utak nang mga tao, maliban sa iba ha, hindi naman kasi lahat nang lalait.

  • shattered

    very well said! kudos to the writer of these article…stereotyping is really one social attitude which we should learn to eliminate… be it racial, sexual or religion-based… each has their own individual taste and we should not judge people in general but individually. spell RESPECT and the world will be a more pleasant place to dwell in… 🙂 good day! keep shouting on the good thoughts… 😀

  • comment

    di nman lahat ng lalaki perfect at di rin lahat ng bading perfect 😀

  • taste_so_nice

    sa dami ng mga comments na ito, eh ano nga ba ang basehan ng isang tunay na lalaki? kailan o paano mo masasabing bakla ang isang lalaki? dahil ba sa panlabas na anyo at pagsasalita? dahil ba sa body language nya? maituturing na bang bakla yung spokeperson ng supreme court dahil sa naging reaction nya nung mahulog yung mic? na-emphasize sa blog ang mga tambay at mga nambubugbog ng asawa na tila ba sila ang tunay na bakla, eh pa’no naman yung mga lalaking nagbibihis babae with matching make-up pa tapos tambay lang naman din at walang trabaho? dahil ba pumatol sa kapwa lalaki bakla na? eh pa’no naman yung mga call boy na nag o-offer ng “service” sa ngalan ng pera? at yung iba sadyang malibog lang kaya kahit kapwa lalaki pinapatulan na makaraos lang ang init ng katawan nila? sino na nga ba ang tunay na bakla?

    • Read my post. Thanks!

  • Ang tunay na bading ay iyong mga lalaking takot o hindi umaako ng responsibilidad, walang sariling paninindigan. I have so much respect to the gay community as I have gay friends and co- workers who are successful at what they do. Men may be physically born with balls but that does not mean they are always bold and ballsy. Just saying.

  • smiley

    Ang masasabi ko lang ay mas madaming imoral na lalaki kesa sa bading, pero dahil tanga ang lipunang pinoy kaya tanggap na nila ang ganito…nakakalungkot pero totoo.

    • tong

      bading kasi ung writer kaya jinujustify ung kabadingan! dre, lalake ka padin un lang abnormal ka….ikaw ba naman makipagsex sa kapwa lalake mo kundi ka may tagas sa utak…hormone deficiency, peer-pressure, sakitttt padin yan! tanggap naman eh at proud kung malambot ka at responsable ka super proud kami pero behind that kung nakakapagsex ka na sa kapwa mo lalake isa kang faggot…GAY is just happy no problem with that! its really acceptable…icompare mo ang malambot na lalake sa iresponsableng tigasing lalake un ang pede…pero ung HOMO sa tarantadong lalake…ibang category ata un? wag ka nalang magsulat kung misleading ka rin lang sa mga readers mo…kasi ang kabadingan eh sakit na ngaun eh tinatanggap na ng lipunan…walang pinagkaiba yan sa rapist! or psycho…