Single ka pa ba sa 2015?

 

selfie_ok_okSelfie. Isa. Single.

Selfie. Ito ang unang selfie post ko sa blog ko. Pero siyempre I purposely blur my pics here in DF 🙂  Hindi ako mahilig mag-selfie but since I am a blogger, this must be a skill to develop. Talaga? May ganoong skill? Oo. Meron. Kung may opening na trabaho na ang gagawin lang ay mag-selfie, for sure milyong mga Pilipino ang magpapasa ng resume para sa trabahong iyon! Ngayong 2015, I’ll develop this skill. 🙂 Selfie pa more!

Isa. Kung malinaw ang mata mo, mapapansin mo na ang tatak ng t-shirt ko ay ISA. Ito ang International Single Association! For 24 years of my life, I’ve been part of this association. One month lang akong tumiwalag sa grupo. LOL! 🙂 Seriously speaking, ang t-shirt na ito ay galing sa International Students Association sa UPLB. Maraming mga estudyante na galing sa ibang bansa at malalayong parte ng mundo ang nag-aaral dito sa UPLB para sa kanilang graduate studies. Proud to be Iskolar para sa Bayan! Hindi lang para sa bayan kundi para sa mundo! 🙂 Ngayong 2015, alam kong hindi ako nag-iisa. Nandiyan ang aking mga kapamilya, kaibigan at kabarkada. Cheers for a greater 2015!

Single. Siguro maraming mga tao na ang New Year’s resolution this 2015 ay iwanan na ang single life. Siguro lang naman. Pwede din kasing kabaligtaran. Maraming tao na galing sa isang relasyon na posibleng ang New Year’s resolution ay maging single ngayon 2015. Posible lang naman. Iba’t iba naman kasi ang experiences ng mga tao pagdating sa relationship. Ikaw, ano ang kwento mo? 🙂 Ngayong 2015, single ka pa ba? Let go or hold on to singleness?

Kung ano man ang status mo sa buhay – single or married, rich or poor, simple or complicated, bagito or dream dad, employed or unemployed or underemployed or employer, on-going or completed, graduate or waiting – hindi mahalaga kung single ka o hindi. Ang mahalaga ay masaya ka. Ang mahalaga ay nagagawa mo ang mga gusto mong gawin sa buhay. Bucket list. Ang mahalaga ay may mga taong gumagabay at tutulong sa iyo sa laban ng buhay. Ang mahalaga ay buo ang pananampalataya mo sa Diyos. Ang mahalaga ay may pamilya ka na maaring matawag. Biological family. Officemates. Barkada. Colleague. Ang mahalaga may purpose ka. 🙂

Purpose. Just recently, I watched the talk of Ms. Sabrina Ongkiko on TEDx ADMU (Ignite the Nation). Last year pa iyon pero ngayon lang ako na-reach ng social media about that. The title of her talk is “Our Return on Investment.” For sure sa mga business people alam na alam nila ang tinatawag na ROI. Pero noong napakinggan ko si Ms. Sabrina, mas naintindihan ko na hindi lang pala sa business applicable ang ROI. Magagamit ito sa iba’t ibang aspeto ng buhay. Nakakaantig ang mga binitiwan niyang mga salita. Panoorin niyo siya dito. Sana mapanood ito ng lahat ng guro at ng mga gustong maging guro. Sabi nga niya sa isa niyang talumpati, “In being aware of our differences, we would know how to help others.” I really admire her passion in teaching and making a difference. Making a difference, 50 students at a time.

Be proud you are a teacher the future depends on you. I’m sure familiar kayo sa motto na ito. Lahat ata ng mga buildings sa elementary at high schools may nakasulat na ganito. I really agree with that! Malaki ang parte ng mga guro sa paghubog ng kinabukasan ng mga kabataan at ng bansa. 🙂

Eh dito ba naniniwala ka? Be proud you are single, the future depends on you. Ang laki kaya ng tax sa sweldo ng mga single! Kung pwede lang i-declare na may sinusuportahan ako na kapatid at nagbibigay ako sa parents ko. Pero hindi parin accepted ng BIR ‘yun. Hanggang hindi ka kasal, single ka at yung tax mo malaki. See? May purpose ang pagiging single mo. 🙂 Malaki ang naiaambag mo sa pondo ng gobyerno. Mabuhay ang mga single! Mabuhay! Ang mga single ang susunod na magkakaroon ng pamilya. Pamilyang huhubog sa kanilang mga anak. Mga anak na mangangarap para sa kanilang sarili, pamilya at bayan. I’m proud being single. Single pa more!

Happy New Year to everyone! 🙂 Medyo hindi yata kita ‘yung nakalagay sa background noong selfie. Trust in the Lord with all your heart. Nawa’y maging gabay mo iyon ngayong 2015.

Dr. Eamer


About Doctor Eamer

Joseph is a simple man with big dreams. He is a dreamer and is willing to pursue his dreams at all cost. He knows that those dreams are from God and are worth pursuing. Check his personal blog at http://iamdoctoreamer.wordpress.com/ or facebook page at https://www.facebook.com/iamdoctoreamer
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!