#SimpleWishesChallenge: Let kindness become viral!

Ang alamat ng challenge na ito ay nagsimula sa nakaka-touch na story ng buhay ng PWD na si Kuya Nonong na magpapandesal. Sa edad na 32 ay hindi pa siya nakararanas ng birthday celebration. Nag-wish siyang magcelebrate kasama ng pamilya at mga kaibigan.

Natupad naman noong October 25! Ito’y mababasa sa DF: “Ang Wish ni Kuya Nonong, ang magpapandesal

Si Kuya Nonong

Napakasaya namin ng dalawa kong kaibigan – sina Mommy Susan at Mommy Rose – pagkat nagtulong-tulong kami na tuparin ang simpleng wish ni Kuya Nonong.

May 2 cake, 5 bilao ng special palabok, bread at juices.

May pahabol pang gifts na sandals, 2 magarang shirts, bagong wallet at bag na magagamit niya sa pagbebenta ng pandesal at may tuwalya pa!

 

I-click ang imahe kung nais mapanood ang video

Naiyak sa tuwa si Kuya Nonong at labis labis ang kasiyahan niya.

Ang DF Iskolar na si Crozita

Nitong Nobyembre ay si DF Iskolar Crozita na anak ng tricycle driver naman ang tinupad namin ang wish para sa kanyang ika-10 kaarawan. Ang kaibigan kong si Lola Eden naman ang responsable sa wish granted na ito!

Ang nag-iisa kong anak na babae naman ang tumupad sa wish na sapatos.

 

Ang DF Iskolar na si Marie

Sumunod naman ang kuwento ng batang nangangalakal na si Marie na nagdiwang ng kanyang kaarawan nitong December lang. Isang batang ibinalik namin sa paaralan tatlong taon na ang nakararaan.

Ang simpleng wish niya ay binigyang-katuparan ni Mommy Leah.  Birthday cake, lobo na Hello Kitty, palabok at tinapay.

Kung tutuusin, para sa maraming nakaaangat sa buhay, ang mga bagay na iyan ay pangkaraniwan at nakakamit kahit anong araw. Ngunit para sa kanila, ang kabutihang natanggap mula sa mga taong  ni hindi pa nga nila nakikita nang personal – in other words, mga istranghero – ay kamangha-mangha na.

Other Wishes

Siguro, gaya namin ay magugulat rin kayo na malamang ang wish ng ibang bata ay napakasimple talaga.

Si Bardak na taga-isla sa Alibihaban ay “Fudgee Bar” ang wish…gusto raw niya ng marami.

Ang batang si Bernie na may club foot ay nais makatanggap ng maraming mansanas para sa Pasko. Mga isandosena siguro ay tatalon na iyun sa tuwa. Hindi naman kahon-kahon ang wish niya. hahaha

Sapatos na itim na pamalit naman sa sira niyang pamasok sa eskwela ang wish ni JV pagkat sumuko na sa repair ang gamit-gamit niya.

Isang bilao ng Spaghetti naman kay Tatay Ben na bulag sa may paradahan ng tricycle.

Kumot naman ang wish ng ilang bata na natutulog sa gilid ng tindahan sa kanto namin; mga homeless sila. Kaya nga aarangkadang muli ang #BlanketProject. 4th year na!

Atbp.

Kahanga-hanga ang mga kababayan natin na bukas ang puso upang mag-share ng blessings for the less fortunate ones. Huwag nang magtaka na pinagpe-pray ng mga iskolars ang kanilang mga sponsors at donors.  Bahala na kasi si Lord sa mga jolly givers na good samaritans.

Tandaan: Nakahahawa ang kabutihan.

Sabi nga dalawang bata nabiyayaan sa #SimpleWishesChallenge, “Paglaki ko tutulong rin ako sa ibang bata.”

The #SimpleWishesChallenge —–  This month, find someone with a simple wish that you can grant or help the person achieve that wish.  Then tell us about it! Let kindness become viral!

Kindness gives joy to the giver more than the receiver.  ^_^

 

” For God loves a cheerful giver.”  2 Corinthians 9:6-7

About Mommyjoyce

Isang simpleng nanay na adik magbasa, adik magsulat at adik sa anak! Idol ko si Mother Theresa, kaboses ako dati ni Ate Shawie Cuneta (joke); maawain sa mga madudungis, siga sa mga taong nang-aapi, at lifecoach sa mga kabataan at mga magulang na walang ibang makausap, Ang simpleng motto ko in life: Cherish everyday (not just because it could be my last); kundi kasi, bukas iba na naman ang flavor ng buhay! Kaya namnaming maigi!
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!