Signs of an NBA Bandwagoner

collectivelifestyle.com
06/17/2015 04:52:35 PM 

Sa alinmang malalaking kaganapan sa larangan ng palakasan o sports, uso na rin ang makisali o makiuso sa mga bagay-bagay. Oo, mula Superbowl hanggang sa mga malalaking laban sa boxing hanggang sa matitinding bakbakan sa UFC at ultimo ang WrestleMania sa WWE.

At sa larangan ng basketball, maliban sa PBA, at maliban sa All-Star Game, ang NBA ay may malalaking serye na tinatawag na The Finals. Dito ang nagsisilbing hantungan sa mga naging matitibay na koponan sa Western at Eastern Conference. Isa sa kanila ang tatanghaling kampeon ng liga habang ang isa naman ay uuwing runner-up.

collectivelifestyle.com
collectivelifestyle.com

Sa kaso nitong araw na ito, ang Golden State Warriors ang team na nagwagi ng NBA Championship matapos dispatsahin ang Cleveland Cavaliers sa Game 6 nito sa Quicken Loans Arena, 105-97.

Si Andre Iguadola ang naging Finals MVP.

Pero hindi yun ang tatalakayin natin. Dahil sa bawat simula hanggang sa pagtatapos ng NBA Finals, maraming tao ang sumasakay sa isyu. Bandwagoner—o sa mas pormal na terminolohiya (kung masyado kang maarte sa spelling), bandwagon-rider—ika nga. Sa kaso ng taong ito, sila yung mga…

Nakiki-fan sa isang koponan dahil sa ilang mga sirkumstansiya gaya ng:

Yung kinampihan nila sa ngayon ay tinalo ang talagang manok nila; o

Gusto nilang gumanti sa team na tumalo sa kanilang bet.

Sa kasong ito, may mga ‘fan’ ng Cleveland dahil ang team nila ay tinalo ng Golden State; at mayroon din namang mga naging fan ng Warriors dahil ayaw nila sa Cavaliers—partikular kay LeBron James, na isa man sa mga batikang manlalaro sa liga ngayon ay kinamumuhian din ng halos karamihan.

Teka, ano bang ayaw nila kay LeBron? Maliban sa pumangit yata siya dahil sa wala na siyang headband?

Click here to continue reading.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions 
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!