Si Ms. Pastillas

(Photo Credit: Youtube.com)

Isinulat ko ang artikulo na ito hindi para sa ikadadagdag ng kasikatan o purihin si Miss Pastillas. Ito ay kung paano ko ilalarawan ang isang babaeng katulad niya na puwede mo ring makita sa sarili mo.

“Sino ba si Miss Pastillas?…siya ba ay sumikat dahil sa pagiging viral sa youtube?….sumikat ba siya dahil sa trademark na Pastillas?..or sumikat siya dahil sa problema niyang hindi na iba sa atin?”

Naalala ko pa nung sinabi ni Madam Bertud sa kanya na hindi halatang may problema, lagi kasi nakangiti o nakatawa. Hindi mo aakalain na may mabigat palang problema ang isang tulad niya. Isang babae na dumaan din sa tinatawag na “broken hearted”,  at alam naman natin lahat kung paano mag-move on. Pero sa kakaibang paraan idinaan ni Miss Pastillas ang paglabas ng sama ng loob.

Marami ang nakapanood ng video niya sa youtube. Siyempre maraming nagreact, at isa na ako dun sa nakapanood.

Unang tingin ko pa lang, halata na may pinagdadaanan at may pinaghuhugutan ang bawat bitaw na salita niya sa video. Naging kontrobersyal lang ang ginawa niya dahil siya lang ang bukod tanging babae na nagmura sa harapan ng video. Pati si Madam bertud na isang henyo sa pagpapayo ay nakahalata din sa kung ano talaga ang tumbok ng ginawa ni Miss Pastillas.

(Photo Credit: Youtube.com)
(Photo Credit: Youtube.com)

Madam bertud:  “kasi may kanya-kanyang dahilan ang mga tao eh..!!..bakit gusto mo makilala ang tao?…bakit gusto mo umibig ulit?….bakit gusto mong sumaya?……gusto mo ba’ng makakilala ng tao di dahil sa may gusto kang pagtakpan? di ba? bakit gusto mo makakilala ng bagong Mr. pastillas?..para pagtakpan ang sakit na nararamdaman mo?…
Bakit gusto mong makakilala ng bagong mr.pastillas?..para makalimutan yung patuloy mo pa rin naaalala?…may naaalala ka rin ba? kasi yung video mo…nagsimula ito sa video mo..’nung pinanood namin ‘yung video..hindi ka namin kilala…nakakatawa di ba?..pero pag-inisip mo..itong taong ito..parang punong-puno ng galit…nagmura ka nga eh….sa video..
Pero hindi kita puwedeng husgahan….di ba?..alam natin lahat na hindi tama ‘yung pagmumura…pero hindi kita pwedeng husgahan dahil lang sa nagmura ka….dahil hindi naman ikaw..may mga taong pag nagagalit talaga….nakakapagmura….pero hindi natin sinasabing tama yun…
hindi natin pwedeng husgahan ang isang tao dahil lang sa isang salita na lumabas sa bibig n’ya……di ba?….puno ka ng galit nun….tama ba?…

Dito ako napaisip, may punto nga naman si Madam Bertud. Lahat naman tayo dumaan sa ganyan, ang masaktan at maglabas ng sama ng loob. ‘Yung iba nga, nakukuha pang magsuicide dahil sa tindi ng pinagdaanan. Pero iba si Ms. Pastillas. Makikita mo siyang tatawa, tapos iiyak, then tatawa ulit…’yung babae na akala mo nababaliw na, pero nasasaktan na pala nang sobra.

Pero ang tanong ng iba, bakit kailangan pang ipalabas sa showtime ang pribado niyang problema??…

Hindi ba, nagkataon lang na ang nilapitan niya ay si Madam bertud o sa katauhan ni Vice Ganda? isang character na binuo para makapagbigay ng payo o  moral support sa mga taong may problema. Kung ilalagay mo din naman kasi ang sarili mo sa katauhan ni Ms. pastillas, kahit ikaw siguro magagawa mong umakyat sa poste ng kuryente o di kaya maglasing at magwala na kahit tinitignan ka ng mga tao, hindi mo na iisipin kung pagtatawanan ka ba o dadamayan ka ng ibang taong nakakakita sa iyo. Ang mahalaga lang ay mailabas ang sakit na nararamdaman mo.

Hindi ko sinasabing gayahin din natin ang ginawa niya tulad sa video, para maglabas ng hinanakit. May kanya-kanya pa rin tayong paraan, kung paano makalagpas sa pagiging heart broken. Ipinakita lang ng isang babaeng tulad ni Ms. pastillas, na ang babae ay dapat nirerespeto at minamahal.

About selda_katorse

Isa lamang ako sa mga libo-libong tao na may malikot na isip, gumagamit ng letrang may kahulugan.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!