Si Manong

Salinas Trike Photo Credit: Municipality of Rosario

Kanina, papuntang opis, sumakay ako ng tricycle (as always). Nagulat ako kay Manong dahil umoo siya kaagad nung sinabi ko kung saan ako bababa kahit walang sakay ‘yung tricycle niya. Karaniwan kasi tumatanggi, kasi medyo malayo ‘to sa karaniwang ruta.

Habang nasa loob ako ng tricycle, nanalangin ako na sana may sumakay pa. Kasi baka tagain ako ni manong sa pamasahe, hahaha. ;p

Pero nakalampas na kami ng EPZA (normal na ruta ng mga nagta-tricycle dito sa aming bayan), walang ibang sumakay. So naisip ko, “di bale, dagdagan ko na lang bayad ko”. Since ganun naman talaga kalakaran pag ako lang ang sakay.

Nung nakarating na ako sa destinasyon ko, nag-abot ako P50. Oo naman, may sukli dapat ‘yun. Pero nagulat ako kay manong kasi susuklian niya ako ng P40. T.T Nadurog ang puso ko. ‘Yung iba nga naniningil pa ng P15 o P20 kahit 3 o apat na ‘yung sakay e. At saka, nagbabayad lang ako ng P10 kapag tatlo pataas kaming naisakay nung tricycle.

Ito pala ang gusto ipa-realize sa akin ni Lord kaya ‘di niya sinagot ang panalangin ko na sana may mga sumakay pa. Na-realize mo rin ba?

Anyway, kung hinahanap mo ang picture ni Manong o ‘yung plaka nung trike niya, hindi ko i-a-upload. Gusto ko bigyan kayo ng pag-asa na baka ‘yung paparahin ninyong sasakyan, e si Manong na tinutukoy ko dito sa post; baka ‘yung makasalubong n’yo sa daan, e si Manong pala.

Gusto ko sanang mabuhay ang pag-asa sa atin na may mga tao pa na katulad ni Manong.  Huwag nating lagyan ng mukha ang kabaitan, pag-asa at dangal. Puwede ding maging ikaw o ako si Manong na magpapatunay na hindi pa ganun kadungis ang kalakaran sa mundo, sa kabila ng mga kaguluhan dito.

Isa pa, hindi naman ‘yun ginawa ni manong para sumikat siya, ganun lang talaga siya.

About shell-a

I have this big passion for writing. And I use this talent as a medium to express my feelings and emotions. I love to write whether it's a short story, script, poem or just plain write-ups about anything under the sun. As an individual, I might appear snobbish at first, but if you'll only try to get along with me, you'll find out how enthusiastic and friendly I am. 🙂 Yet still, I admit that there's more deeper side in me, that shows how mysterious I am. 🙂
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!