Si Kolorete at Burloloy: Mga Kuwentong Loom Bands at Alahas

alahasFirst time kong makatanggap ng relo galing kay erpats nung nasa elementary pa lang ako. ‘Di ako sure kung anong grade na. Pinadalan kaming magkapatid ng relo na mas lamang ang kulay pula at manaka-nakang gold at silver. Parang kulay pamasko. Basta, pambata talaga yung itsura.

Nag-alangan pa ko kung talagang gumagana ‘yun dahil dalawa lang ang kamay. Missing in action yung para sa seconds. Kung isusuot mo ‘yun pagdating mo ng high school, baka magdalawangisip ka pang ipagyabang.

Hindi naman siya pangit, hindi rin naman ganun kaangas.  Simple na medyo hindi ako komportable. Hindi dahil sa mas maangas ang G-Shock ng katabi kong kaklase, kun’di dahil sa hindi ako sanay na may nakasabit na burloloy sa braso ko. Mas sanay pa yata ako sa mga goma na pilit pinagkakasya sa braso tuwing maglalaro ng dampa. Mas maraming goma, mas maangas.

 

Hindi rin nagtagal sa ’kin ang relo sa tatlong dahilan: nakakalimutan ko; nabasag nung isang beses ako sumubok mag-diablo habang naglalaro ng ‘follow the leader’, at hindi na pinalitan yung battery. Dun na siya nagtapos. Hindi ko na matandaan kung saan na siya napunta, pero sigurado akong malabong sinanla ‘yun ni ermats.

‘Yung sumunod na nagkaron ako ng relo (pero hindi naman talaga), galing sa lolo ko (RIP po). At dahil medyo may katandaan na at wala nang panahong pumorma at magpaka-gengsta, napagpasiyahan niyang ibigay sa ’kin ang isang relo na sigurado akong anytime e malalaglag sa ’kin. Pa’no ba naman, sa payat ko nun, malaki ang tsansang mahulog ‘yun nang walang kahirap-hirap sa haba ng brace (payat talaga ako, as in). Tatanggihan ko sana, pero para hindi sumama ang loob, tinanggap ko na rin (mamahalin yung relo!). May kasama pang pera yun. Akala ko pambili ng vitamins para tumaba-taba ako. Dumiretso na daw ako sa pagawaan ng relo para bawasan yung brace. Kinabukasan, hindi ko rin naman sinuot.

Sa totoo lang, hindi ako komportable na may burloloy sa katawan. Ayoko ng bling-bling. Ayoko ng may mga bato o bakal sa katawan ko para lang ipamporma. Dati pinilit kong magsuot ng mga kuwintas, hikaw at bracelet. Pero hindi talaga para sa ’kin ang mga ganung luho. Naiilang ako at ayoko rin namang magmukhang sosyal. Tama na sa ’kin na sa cellphone ako tumitingin ng oras, at ayaw ko din namang maya’t maya ko nililingon ang oras sa braso. Ang kinikilala ko lang naman na burloloy e itong limang anklet na tigbe-bente sa bangketa. Yun lang. Lagmas sampu na sana to kun’di lang talaga sumuko yung iba matapos mabasa ng ilang daang beses dahil sa araw-araw na paliligo at pagsugod sa baha. Hindi ko namamalayan, nababawasan na pala sila.

Ilang beses na nga ako naregaluhan ng iba’t ibang klase ng alahas, magmula sa singsing, kuwintas, bracelet at hikaw (naghikaw din ako para mag-level up ang pagiging rakers ko). Pero lahat sila, nakatambak lang sa cabinet. At kahit isa-isa na silang nawala, hindi naman ako nakaramdam ng pighati o panghihinayang.

Wala akong mapapala. Hindi ako sosyal. Pabigat at mainit sa katawan. Papansin. Agaw-atensyon. Takaw-gulo. Ilan lang yan sa mga sarili kong rason kung bakit hindi ko tinuturing na necessity ang pagsusuot ng alahas. PERO, hindi ako against sa gantong uri ng kultura KAHIT dumarami ang bilang ng krimen dahil dito. The more alahas you have, the more chances of…bahala ka na.

Walang direktang taon kung kailan at paano nagsimula ang trip ng mga tao na magsuot ng iba’t ibang klase ng bato o bakal sa katawan. Pinaniniwalaang nagsimula ang luho na’to sa Africa mga 75,000 taon na ang nakalipas sa Blombos Cave. Nagsimula ito sa pagsusuot ng mga shell jewelry na gawa sa sea snail shells. Nasundan naman ito ng pagkahumaling sa bato at bakal ng mga tao pagpasok ng metal ages. Maski ang mga Cro-Magnons ay nakaisip ding magsabit ng kuwintas at bracelets na gawa sa pinagtali-taling mga buto, ngipin, berries, at bato. Ginamit din nila ito sa pananamit kaya noon pa man ay uso na ang fashion statement.

Tao 1: Aba! Ang ganda naman ng batong ito!

Tao 2: Ay oo nga! Parang mamahalin!

Tao 3: Subukan mong lagyan ng tali at isabit mo sa leeg mo, tapos irampa mo sa tribu natin para magmukha kang maangas!

Tao 1: Pero teka, ano namang itatawag natin dito? (kasalukuyang nilalagyan ng tali ang bato saka dahan-dahan isusuot sa leeg)

Tao 2: (Biglang natakot ng makakakita ng ahas sa likod ni Tao 1) Hala! Ahas!

Tao 1: Ano kamo?

 Ta o 3: Hala-ahas daw, binge!

Tao: Ah…alahas. Puwede! Alahas ang itatawag natin dito!

Tao 1: (Kumaripas ng takbo) Epic faaaiiillll!

Ayon sa wiki, may mga dahilan kung bakit gumagamit ng alahas ang tao. Bukod sa…

(Click HERE to continue reading…)

About Juan Mandaraya

Dating gitarista ng iba-ibang banda. Nagdo-drawing kapag bagot sa trabaho at walang internet. Nagbabasa ng libro para antukin at para masabing nagbabasa din. Sabik sa tulog, adik sa kape at fried chicken. Nagsusulat dahil...hindi niya rin alam. Triip lang.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!