Si Ed at Si Jes

May dalawang magkaibigan mga friends..
Si Ed at si Jes.
BFF sila at nangako sa isa’t isa na magkasama sa hirap at ginhawa.

Isang araw…

Hindi dalawa ha!

Kundi isang araw.
Hehehehe!

Habang nasa kagubatan…

Nanghahunting sila ng Usa noon, ay may nakita silang isang lumang tulay na yari sa baging at ang daanan ay mga malalapad na sanga ng puno.
Tila ba gawa pa ng mga naunang katutubo ang tulay.
Kaya kung titignan ay parang nakakatakot tumawid kasi mukhang marupok na eh.
Tapos ang taas taas pa, naku, halos tatlong poste ng meralco yata ang lalim.

At hindi lang yan ha!
Natanaw pa nila na ang daaaaaaa-mi daming buwaya sa ibaba.
Ayeeeeeeeeeeih
Hahahahahahahahahahaha!

Pero nais pa rin ng magkaibigan na tumawid dahil iniisip nila na baka may Usa dun sa kabila.
Eh, hapon na kase wala pa silang hule.
Hek! Hek!

Sabi ni Jes: “Ako muna ang mauna, Pareng Ed. Mahirap na kung mahina na pala itong tulay, eh, dalawa pa tayong mapahamak.”

Ed: “Okey, Pre. Ingat.”

At tumawid na si Jes.
Nilakasan ni Jes ang loob niya kasi dama niya na marupok na ang hinahawakan niyang baging na siyang nag-uugnay at humahawak sa tulay buhat sa magkabilang dulo.

Para mawala ang kaba ay kumanta kanta pa siya habang tumatawid pa nga eh.

Ang mga ibown…
Na lumilipad….
Ay mahal ng Diyos….
Di kumukupasssssss…
Ang mga ibon na lumilipad ay mahal ng Diyos di kumukupas…
Huwag ka ng malungkot…
O Praise the, Lord.

Mga anim na Metro na lang ay dalawang kamay na humawak siya ng mahigpit sa tali at lumingon kay Edmon este Ed pala.
Hehehehehe!

Jes: “Preeeeee, Lika naaaaa! Tawid ka na bilesssss!”

Medyo kinakabahang humakbang si Ed at mahigpit din siyang nakahawak sa baging na gabay ng tulay.

Bigla ay nawala siya sa balanse ng umuga ang tulay at nalaglag sana siya kung hindi nakapaglambitin.

Ed: “Preeeeeeeeeee, tulungan mo kooooooo…”

Jes: “Kaya mo yannnnn! Gawan mo paraan maka angat kaaaaaa. Dalawa pa tayo mapapahamak kung babalik ako dyannnnnn. Bahala ka na dyannnn, ligtas mo sarili mo Preeeeeee.”

Nagpilit makaahon sa tulay si Ed, inangat ang isang paa, isinungkit sa tabla, at naka ahon.
Gawa ng naging takot at kaba ay tumubo ang galit nito kay Jes. Nagpatuloy sa paglakad habang si Jes ay hinihintay siya.

Jes: “Bilisan mo preeeee.”

Nang mapatapat si Ed kay Jes ay: “Wala kang kwentang kaibigan, Pre!”

Jes: Mauna ka na Pre, Kinakabahan ako kasi.”

Ng makarating sa dulo si Ed at nakatawid ay sumigaw si Jes: “Pre, Tulungan mo koooo.”

Ed: “Bahala ka rin sa buhay mo. Kaya mo yan! Kinaya ko ah!” sagot ni Ed na nakatalikod habang inaayos ang sarili.

Jes: “Preeeee, Helpppp.”

Galit na humarap si Ed: “WALA KANG KWENTANG….

Natanaw niyang iilang sinulid na lang ang natitira sa lubid na pilit na pinipigil ni Jes.
Kaya pala ito tumigil sa pagtawid ay dahil mapuputol na ang lubid at hinawakan ito ni Jess at pinigilan upang makatawid ang kaibigang si Ed.

Tatakbo na sana si Ed para tulungan ang kaibigan subalit….

PAREEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE KOOOOOOOOOO!!!!
PAREEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!

Umalingawngaw ang sigaw ni Ed sa buong kalangitan.12193539_1073639269343226_4342164390706783805_n

About mr clown

Hindi po ako writer. Trying hard lang po. Naglilibang lang at baka sakaling sa paglilibang ko ay malibang din kayo. Oh, e di everybody happy. Hek! Hek! ~ mr clown c")
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!