Sex Text

photo credit (costaricapages.com)
Photo Credit (Costaricapages

“Ipasok mo ang matigas na —- sa — ko”
“Isusubo ko ang — mo” at ako ang magtatrabaho.
“Mag-sex text tayo.”

Recite ng aking kasamahan sa trabaho, habang siya ay nagkukuwento ng kabulastugan ng kanyang asawa noong ito ay nasa kalakasan pa. Bata pa naman din siya, ngunit mas bata ang kanyang napangasawa kung saan hindi mabilang ang mga babaeng pumapatol at nagkakandarapa dito. Sasabihin siguro ng ina na normal iyon dahil sa nature ng trabaho ng asawa niya, kasi ito ay isang pulis. (Porke pulis ba, normal yun????)

Naisip ko tuloy, pagkahirap naman pala maging asawa ng pulis. Lapitin ng babae, buti kung hindi pinapatulan, ngunit dahil sa tawag ng laman kahit na nga alam na may asawa na kapit na kapit pa rin sila.

Hindi ko lubos-maisip na ang isang guro ay makapagsasalita ng mga salitang bulgar na halos sa aming pinagtatawanan. Ngunit tao din naman siya kahit sabihin pang dapat maging huwaran siya sa lipunan, ay nasasaktan din naman.

Ka++++……..”Yan nasasabi ko dahil totoo naman, mahilig sa sex ang asawa ko” sabi niya sa amin.

Mayron pa nga siyang kanta tungkol dito, pag sobrang sikip na daw ng dibdib niya at gusto niya lumabas ng sama ng loob sa kanyang asawa, dinadaan niya raw sa kanta.

Tinanong namin siya kung ano ang reaksyon nang kanyang asawa, sinasabihan daw siyang sira-ulo at dapat magpacheck-up sa mental hospital. Lahat daw iyon tinanggap niya. Isa lang naman daw ang inisip niya, pito ang anak niya at kahit ano ang gawin ng iba hinding-hindi niya bibitawan ang pamilya niya.

 Umuuwi ito na maraming kissmark, naghuhubad pa raw sa harap niya na tila hindi man lang nahihiya sa mga ginawa. At nang minsang ito ay natutulog, ninakaw niya ang cellphone at iyon nga voila!…Pagbasa niya, iyon ang nakita niya. naghabulan sila hanggang makarating siya sa labas ng kalsada, at doon nirecite niya ang bawat katagang nakita niya sa inbox. Hindi niya nga daw sukat akalaing may ganun pala. At namemorized niya ang baway kataga.

Taon na din nang nangyari ang insidenteng iyon, Ang kanyang asawa, na stroke na. Mas bata sa kanya, ngunit maagang siningil ng tadhana. Akala niya nga daw titigil na ang mga babae sa paghahabol sa asawa niya. Ngunit paisa-isa ay may nagtetext pa.

Minsan daw sinasagot niya na kung hindi titigilan ang kanyang asawa ito ay papatayin niya na lang. Hindi na nga raw nakatutulong sa pag-aalaga sa asawa, nakikigulo pa.

Tinitingnan ko ang reaksyon niya habang nagkukuwento siya, normal naman, bato na raw ang puso niya.

Ngayon nga  kapag  naririndi na siya sa sitwasyon nila  kung  pagod din siya  lalo’t inuutusan siya ng kanyang asawa para linisin ang dumi nito, bago niya raw ito sundin tumatayo siya sa silya at nirerecite ang mga katagang,

“Ipasok mo ang matigas na —- sa — ko”
“Isusubo ko ang — mo” at ako ang magtatrabaho.
“Mag-sex text tayo.”

Para ipaalala daw na noong malakas pa ito halos balewalain siya dahil sa maraming babae. Ngayon nawala ang mga babae dahil sa baldado na ito, siya na lang ang natitirang nag-aalaga sapagkat  wala namang babaeng umako nito.

Masarap ang lumipad sa maraming pugad, masayang ipakita kung ano ang iyong kayang ipagyabang, marami kang kayang gawin , ngunit ang mga ito ay lumilipas lang.

Iba-iba nga naman ang tao gaya ng pagkakaiba-iba ng hayop, ngunit tayo ay nilalang na may-isip at atin sanang gamitin sa tama.  Maraming napapahamak dahil sa mga modernong gadgets ngayon.  Maraming pamilya ang nawawasak, maraming buhay ang nasasayang at napapahamak.  Hindi naman masama ang pag-unlad, ngunit ito ay dapat ginagamit sa naaayon at dapat.  Mahirap nang magsalita pagkat wala rin naman akong puwedeng ipagmalaking nagawa kong tama, dahil minsan ako din ay biktima at naniwala sa mga nilalaman ng text galing sa ibang babae  kung kaya’t pamilya ay nasira.

About jessa maria

Proud to be a BICOLANA..a simple person who writes what's on her heart. Loves to laugh even in times of trouble..hopeless romantic and often times with a wild imagination.....friendly but shy....
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!