“Save Literature” Your Face!

www.slideshare.net
11/1/2014 6:25:14 PM

Nakakaloka lang. Save literature? Seryoso kayo d’yan?

Sa panahon ngayon na dumarami ang mga manunulat at mga nalilimbag na libro, save literature pa rin ang panawagan niyo?

Anong kagulahan ito ha?

Siguro, dahil ba ito sa mga mga naglipanang mala-pocketbook dala ng Wattpad? Dahil bas a mga librong panay one-liner lang ang nilalaman kada pahina?

Ito ang problema: literature is dead nga ba? Saan nga ba binase ng mga ‘to ang kanilang pananaw na i-save ang lieraturang hindi naman talaga patay in the first place? Sa sales ba? E bumebenta naman ang mga libro ngayon ah. In fairness.

Siguro nagkakatalo sa taste o preference ng tao. Dahil siyempre, isang basic “wants-versus-needs” ang mala-theroetical na usapan na ito. Siyempre, gisto mo magbasa ng libro para maliban. Gusto, o wants. Maliban na lamang kung sa mga seryosong bagay ang interes mo; mga bagay na kailangan mong malaman. Mga detalye at impormasyon na tila magpapakain sa iyong utak, puso, kaluluwa at kamalayan.

Dyan siguro tayo natatalo. Siyempre, gusto ng tao ang kiligin. Dahil nga naman, mabenta ito. Romance sells, kaya nga lagi madalas kayong (oo, huwag niyo ko idamay; madalang lang akong pumatol sa ganyan) nauuto sa mga telenovela, rom-com at mga kwento sa Wattpad, o kung makaluma ka man, yung pocketbook na gaya ng Precious Hearts Romance.

Save literature? Sigurado ba kayong patay ang bagay na ginagalawan niyo?

O sadyang hindi lang tayo marunong mag-appreciate ng mga bagay-bagay? Yan ang napapala natin kapag masyado tayong nagpofocus sa mga mababaw na bagay.

Save literature ba kamo? Eh kung gayahin niyo kaya yung ibang mga bata (o sabihin na nating mga bookworm) na magbasa rin kayo ng mga seryosong libro.

Click here to continue reading.

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!