#SaluteSoldiers: Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Pakamahalin!

Image credit: Waqar and Facebook Page

Bumalik sa aking alaala ang isang larawajn na nakita ko ilang taon na ang nakakaraan. Matindi ang hatak nito lalo na sa mga panahong may pinagdaraanan ang isang bansa gaya ng Pilipinas  — gaya ngayon.

Hinanap ko sa Google at hindi naman ako nahirapan.

Image credit: Waqar

‘A Sacrifice in the Name of Peace’

Napakalinaw ng mensahe ng artwork na ito, ‘di ba? Ito’y likha ng isang unknown artist na mula sa Pakistan  ayon sa Waqar.

Inihahatid ng likhang-sining na ito ang kontrobersyal na mensahe hinggil sa sakripisyo ng mga sundalo upang matiyak ang seguridad ng bansa at ng mga mamamayan nito.

Hahaplusin ka ng mensahe nito na ang mapayapang buhay ay may kaakibat na sakripisyo ng ating mga sundalo. Malakas nitong ipinaaalala sa atin na ating tignan, pahalagahan at bigyang-pugay ang pagkakaroon natin ng sandatahang lakas.

Sana nga lang, hindi tayo maubusan ng mga aplikante na patuloy na magnanais maging sundalo!

Napakahirap din kasing desisyunan, ‘di ba?

Kung ikaw ay isang ina, isang magulang, ‘di nga ba’t hindi madaling sabihin sa ating mga anak na “Magsundalo ka! ‘Yun ang gusto ko para sa iyo!”

Kung ikaw ay isang asawa ng sundalo, batid mong hindi ka natatapos magdasal sa bawat araw na hindi pa nakauuwi ang iyong esposo. Naroon ang takot na baka ang nakaraan n’yong pagkikita ay siyang huli na pala! Natatakot ka para sa inyong mag-iina.  Paano na kung…?

Mahirap. Napakahirap isipin ang mga posibilidad!

Image credit: politics.com.ph

Sa pagkukuwentuhan ng tatlong batang lalaki ay may isang sumingit; “Basta ako, gusto kong maging sundalo gaya ng Tatay ko!”

“Ha? Akala ko ba naiinis ka kasi laging wala ang tatay mo, lalo na pag birthday mo?” tanong ng kalarong bata.

“Hindi ka ba natatakot? Lumalaban ang mga sundalo sa mga terorista! Giyerahan lagi ang aksyon ng sundalo. Hindi ka takot mamatay?” sabat ng ikatlo.

“Ewan ko. Basta gusto kong maging magiting gaya ng tatay ko, lumalaban para sa bayan. Mga bandido ang kalaban, masasamang tao ang tinatarget nila, dapat naman talaga marami ring magsundalo para may magtatanggol sa bayan. ‘Yan sabi ng tatay ko,” paliwanag nito.

Image via Duterte Squad FB page

Paano nga ba kung wala nang magkakagusto na magsundalo? Lalo pa ngayon na tila hindi na mabilang ang nilulukuban ng masamang espiritu na gustong maghasik ng lagim at ginagawang libangan ang manggulo ng mga komunidad at pumatay ng mga inosenteng tao?

Nakatatakot, ‘di po ba?

Kaya sa bawat sundalong makikita natin, nawa’y maipaabot natin ang ating paggalang, ang ating mataas na pagtingin at pagmamalasakit sa kanila.

Salute, Soldiers!

 

 

About Mommyjoyce

Isang simpleng nanay na adik magbasa, adik magsulat at adik sa anak! Idol ko si Mother Theresa, kaboses ako dati ni Ate Shawie Cuneta (joke); maawain sa mga madudungis, siga sa mga taong nang-aapi, at lifecoach sa mga kabataan at mga magulang na walang ibang makausap, Ang simpleng motto ko in life: Cherish everyday (not just because it could be my last); kundi kasi, bukas iba na naman ang flavor ng buhay! Kaya namnaming maigi!
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!