“Sa tingin ba nila gagawa pa kami ng ganun?”

04/14/2016 09:09:37 AM

No to CCTV camera ang mga empleyado ng Bureau of Customs. Pinoportesta nila ang naturang kilos kay commissioner Alberto Lina.

Sinasabi raw kasi na isa sa mga pinakatiwaling ahensya ang Customs. Sabagay, ilang taon na rin pinupuntirya yan. At sa isang ekslusibong ulat ng GMA News, na tila umabot sa -55 ang trust rating nito, hindi na rin kataka-taka.

At pati yung mga kaliwa’t kanang alingawngaw ng mga tao sa social media ukol sa pagpataw ng nakakabuwisit na buwis? Hindi na rin nakapagtatataka. Sino ba naman ang hindi mauurat kung malaman mo na mas mahal pa yata sa tunay na halaga ng binili mong imported goods ang buwis na ipapataw sa ‘yo?

Aniya, paglabag sa karapatang-pantao raw ang hakbang na ito, ayon sa pangulo ng employees union nito na si Rommel Francisco.

(Philstar.com)

Ayos sana e. May pinupunto ang kuya mo. Bagamat obviously, kaya nga nasa opisina ka para magtrabaho eh. Gagawa ka ba ng kahina-hinala in the first place dun? Siguro kung sobrang higpit na ultimo ang paglagok ng tubig, baka maintindihan pa kita.

Tama si Atty. Burce Rivera dito: public office is a public trust that you should be living modest lives.

At nakakalimot yata kayo na kami mga boss niyo kaya wala kang karapatan na gumawa ng panlalamang. Oo, kahit patapos na ang termino ng kuya Pnoy mo, pero dahil isa rin kayong public servant gaya niya, sumunod kayo sa naayon. Sa totoo lang, maseswerte ang mga ahensyang gaya ng nasa Customs eh. Pareho sila ng salary grade sa ahensya gaya ng DSWD, pero ang pinagkaiba, way of life. Ilan sa inyo nakakotse na nga, may baril pa para may ganang manindak kapag may nagmamadali sa highway.

Tama si Kume Lina sa sainabi niyang “Bakit sila natatakot kung wala naman silang ginagawang di karapat-dapat?” Sa tipikal na lohika kasi, matatakot ka kung may kalokohan kang ginawa, which is tama rin nga naman.

Ito pa siguro ang nagpapatunay sa teorya na yan: “Subukan kaya nila itaas ang sahod namin. Ibigay sa aming ang tamang benepisyo. Sa tingin ba nila gagawa pa kami ng ganun?”

Naku po. Hindi ko tuloy alam kung nagkamali lang talaga siya ng salitang ginamit, o sadyang nadulas lang talaga siya?

Click here to continue reading

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!