Sa Piling Ng Aking Bayaw

forbidden love

Nasa tamang edad na ako noong mag-asawa ako, isang responsableng lalaki at mabait naman ang aking Mister, mga katangain na nagustuhan ko at minahal ko sa kanya.

“I LOVE YOU PAPANG!”

Eto ang madalas kong sabi bago kami matulog at gumising sa umaga. Dahil nga sa hirap ng buhay kailangan namin na umuwi sa probinsya nila at doon muna manirahan. Nakituloy muna kami sa pamilya niya dahil bagong dating nga lang kami sa bayan nila at nagsisimula pa lang.

“ETO ANG ASAWA MO? AT BUNTIS NA PALA… ANG DALI NAMAN MAKABUO, WALA MAN LANG BA KAYONG PLANO SA BUHAY NINYO!?” Ito ang unang lumabas sa bibig ng aking biyenan nang makita ako! Sa hitsura pa lang, KONTRABIDA na talaga! Hindi nga ako nagkamali sa hinala ko dahil sobra kung magdakdak ito at ako lagi ang pinariringgan ng mga banat nyang masasakit na salita. Pero hindi ko pinatulan dahil Ina siya ng Mister ko at mataas ang respeto ko sa kanya.

“ATE! INTINDIHIN MO NA LANG SI MAMA NABIGLA LANG KASI SIYA NA MAY DALANG ASAWA SI KUYA!”

Eto ang naging linya ng kapatid ng Mister ko, ang bunso sa apat na magkakapatid. Madalang lang itong makipag-usap  sa akin at paiwas kung makatingin!

forbidden love

Isang araw, nagpaalam ang aking asawa upang mangibang bansa para maahon kami sa kahirapan at magkaroon ng sariling tahanan. Masakit man sa akin pero kailangan kong payagan siya dahil gusto ko na rin makawala sa bahay nila. Isang linggo, lumuwas ang aking mister kasama ang aking biyenan at kami lang ang naiwan ng aking bayaw. Para sa akin balewala lang na dalawa kami dahil tinuring ko na rin siyang kapatid, pero di ko halos matanggap nang sabihin niyang.

“ATE MAHAL NA MAHAL KITA! MATAGAL NA, NATAKOT AKO KAY KUYA KAYA DI AKO SA IYO MAKATINGIN NG DIRETSO!”

Isang malakas na sampal ang kanyang natanggap mula sa akin nang pinagtapat niya ang kanyang nararamdaman! Isang malaking kabastusan sa akin yun bilang asawa ng kapatid niya! Umiyak siya sa harapan ko at humingi ng tawad, sisikapin daw niyang patayin ang kanyang nararamdaman para sa akin at sinabi ko naman:

“RESPETUHIN MO KO NA ASAWA NG KAPATID MO!”

Lumipas ang mga buwan at taon, wala akong natanggap na balita galing sa Mister ko kung nasaan siya; ni sulat o tawag ay wala talaga at pati biyenan ko ay walang sinabi sa akin tungkol sa Mister ko! Ang aking bayaw ang nag-aasikaso sa akin. Mula sa pagkapanganak ko, siya ang nag-alaga at nag-aruga sa akin. Isang araw di ko namalayan ang isang damdaming di ko maintindihan. Bigla akong may naramdaman  para sa kanya pero pilit kong binalewala dahil alam kong mali!

Pag tukso pala ang lumapit, kay hirap tanggihan sa tulad ko na basta na lang iniwan na walang dahilan! Aaminin kong may nangyari sa aming dalawa at mismo sa loob ng pamamahay ng aking biyenan! Di ko alam kung bakit ako nagpatangay sa tukso o dahil ba NAMAPAMAHAL na ako sa aking bayaw! Sa kanya ko naramdaman ang isang damdaming di ko nakita sa asawa ko… isang pagmamahal na handa niyang ipaglaban kahit bawal.

At ang isang masakit na katotohanan ay aking nalaman nang sinabihan ako ng aking biyenan na di totoo na nagpunta sa ibang bansa ang aking asawa kundi may ibang pamilya na ito! Kaya pala sabay silang lumuwas ng Manila noong araw na yun! Binuhos ko ang sama ng loob sa aking bayaw.

“MAGTANAN TAYO AKO ANG BUBUHAY SA IYO AT MAGIGING AMA NG ANAK NI KUYA!”

Di ako nagdalawang isip pa… sumang-ayon ako sa plano niya! At nagsama kami…nagpakalayo sa mga taong humadlang sa pagmamahalan namin! Mali man ang ginawa ko pero sinunod ko lang ang aking naramdaman. Sa PILING NG AKING BAYAW natagpuan ko ang tunay na pagmamahal.

Photo credit: knightchills.blogspot.com

Enhanced by Zemanta

About jovelyn

Im not a good writer but i love to 🙂 Masaya din, Malungkot din (Karanasan ng OFW) this is my first book under my name as a writer and Sindi Ng Lampara OFW stories book with Raquel D. Padilla and DFBI writers, columnist in Pilipino Star Ngayon Middle East [email protected] Super kulit at kalog..proud bisdak at tamad na masipag na yaya:)
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!