Sa panaginip ka na nga lang ba magiging akin?

(Photo Credit: lovequotesplus)

(Photo Credit:  lovequotesplus)
(Photo Credit: lovequotesplus)

SA PANAGINIP KA NGA LANG BA MAGIGING AKIN?

Literal na panaginip ang nagbigay daan kay Dannica upang makilala si Russel.

Ngunit laking gulat niya dahil isang Jake Berdin ang nakilala niya sa tunay na buhay.

Parehong-pareho ito sa Russel na nakilala niya sa panaginip.

Ang tanging pagkakaiba lang dahil may-asawa at anak na si Jake.

Handa kaya si Dannica na maging other woman o sasabihin niya na lamang sa sarili na “sa panaginip ka nga lang ba magiging akin”

 

 CHAPTER ONE

Ganap na alas- nuebe ng umaga, dumaong ang barkong  Superferry 12 galing sa maynila sa daungan nang Cebu.

Abala ang lahat sa paghahanda sa kani-kanilang bagahe para makababa ng barko.

      Ngunit sa isang sulok ng barko, may isang nilalang na parang walang balak bumaba, patuloy lamang ito sa pagmamasid ng dagat, na tila ba may malalim na iniisip.

“Bakit ikaw ang laging naalala ko
Kahit nagbago pa ngayon ang damdamin mo
Bakit ‘di ko malimot ang isang tulad mo
Kahit alam ko nasa puso mo’y ‘di ako
Sana’y naturuan ang puso ko na limutin ka
Na ang sakit ay ‘di na madama.

Batid naman ng puso kong meron ka ng iba
Heto ako’t naghihintay pa rin sa iyo sinta
Sadya kayang walang katulad mo
Bakit nga ba
Hanggang ngayo’y mahal pa rin kita”

Hanggang di na mamalayan ni Dannica na patuloy na pala sa pagbagsak ang mga luha niya, mula sa kanyang mga mata, habang pinapakinggan ang musika na pinapatutog sa loob ng barko,kasabay ng pagbalik tanaw sa kanyang nakaraan.

     “Dannica please makinig ka sa akin,hindi mo kailangang gawin ito, mai-tatama din natin ang lahat ng ito.”pagsusumamo ni Jake

Maitatama?sa paanong paraan?iiwan mo ang asawa mo para sa akin?Oh please, I don’t want,to be your mistress nor your  other woman!not even in my dreams!”bulalas ni Dannica na di na mapigil ang pag-iyak

“No,Hindi!hindi ka magiging isang kabit Love,bigyan mo lang ako ng pagkakataon para ayusin ito,”patuloy ni Jake

       “Tama na Jake,tigilan na natin ito, dahil wala din namang patutunguhan itong relasyon na ito!ayaw kong may masirang pamilya dahil sa akin”wika ni Dannica na patuloy pa rin ang pagdaloy ng kanyang mga luha.

“Please Dannica, makinig ka sa akin,bigyan mo ako ng konting panahon”pagmamakaawa ni   Jake habang niyayakap ang kasintahan

     “Bitiwan mo ako!”sabay tulak kay Jake papalayo
“Wala ka nang pwedeng sabihin na maari ko pang pakinggan,so please let me go!pagmamatigas ng dalaga

Mataman siyang tinitigan ni Jake

“Dannica,don’t you love me?”

Mas lalong lumakas ang paghagulhol ng dalaga”Jake please wag mo na akong pahirapan pa dahil alam mo naman kung  ano ang kasagutan sa katanungan mong iyan!”

“Kung ganoon bakit kailangan mong lumayo”Bakit kailangang iwan mo ako”?tanong ni Jake

Hindi mo ba talaga maintindihan!Hindi lang sarili ko ang iniisip ko dito, kundi ikaw at ang pamilyang masisira natin kung ipagpatuloy natin ang relasyong ito”dagdag ni Dannica

“Ilang beses ko rin bang sabihin sayo na bigyan mo ako ng tamang panahon para maitama ang lahat”pagpipilitan ni Jake

“Sorry Jake, ngunit nakapagdesisyon na ako”

at tuluyan na itong umalis papalayo

                “Dannica bumalik ka rito!”

Sa kabila nang pagtawag ni Jake ay hindi na lumingon pa si Dannica.

Habang naglalakad pauwi ay tila wala pa rin siya sa kanyang sarili.

Iyon na siguro ang pinakamasakit na desisyon na ginawa niya sa kanyang buong buhay, ganoon pa man para kay Dannica iyon ang tama.

Ayaw niya naman kasing may mga taong masasaktan dahil sa katigasan ng kanyang ulo at higit sa lahat hindi makasarili ang kanyang pagmamahal.

“Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin na kahit nagmamahalan pa
Puso’t isipa’y magkaiba
Maaring `di lang laan sa isa’t isa”

Kasabay ng kanyang pag-iyak ay ang pagtugtog naman ng awiting ito sa ferryboat na kanyang sinasakyan patungo sa kanila na tila ba nanadya.

     Nang makababa sa ferryboat ay hindi muna siya dumiritso pauwi nagtungo siya sa simbahan at doon ibinuhos ang lahat ng kanyang hinanakit, lahat ng kanyang sama ng loob.

Mga katagang kanina niya pa nais ibulalas.

“Panginoon, bakit mo hinayaang matagpuan ko ang lalaking, hindi ko naman pala pwedeng mahalin”bakit hinayaan mong masaktan ako ng ganito”Bakit Lord? Bakit?” Panunumbat ni Dannica habang nakaluhod sa harapan ng Virgin sa Regla, isang patron sa Lapu-lapu City.

Pagod na pagod na siya sa kakaiyak.

Pakiramdam niya siya lang mag-isa sa loob ng simbahang iyon kahit pa nga napakadaming tao doon at napansin ang kanyang situasyon.

“Malamang namatayan ng anak o asawa yan”sabi ng ilang mga tindira ng kandila habang tumitingin kay Dannica.

“Anong asawa?Eh ang bata pa niyan baka namatayan ng boyfriend !”sabi naman noong isa

Matagal ang inilagi niya roon,at nang

Umuwi siya sa bahay ng kanyang ate Vicky ay wala pa rin siya sa sarili at patuloy na namamaga ang kanyang mga mata dahil sa labis na pag-iyak.

“Ate anong nangyari sa iyo? Bakit ka umiiyak,?”salubong sa kanya ng pamangking si Warvi

Patuloy sa pagtatanong si Warvi, ngunit kahit isang sagot ay walang lumabas sa bibig ni Dannica.

Nagtataka ang pamangkin sa nangyari sa kanya Ngunit dahil nga patuloy sa pag-iyak si Danica,minabuti na lamang niyang manahimik.

Maya-maya napansin niya na parang hindi na makahinga si Dannica sa pag-iyak, nataranta siya ng husto at outomatikong tumayo , nagtungo sa kusina, at agad na kumuha ng tubig, mula sa refregirator.

Nang matapos agad niya itong dinala at pinainom kay Dannica.

Nang makainom, ay nahimasmasan na saka humarap ito  kay Warvi at yumakap ng mahigpit.

Batid ni Warvi na may kinalaman kay Jake ang pagluha ng kanyang ate.

“Ate, kung ano man yang problema mo, alam kong malalampasan mo yan.Nandito lang ako, kung kailangan mo nang tulong o makakausap, hindi kita pababayaan.”Pangako niya sa tiyahin

Hindi man sumagot si Dannica sa sinabi ng Warvi, rumesponde naman ito sa pamamagitan nang pagyakap nang mahigpit.

Hindi makatulog si Dannica sa gabing iyon, sariwa pa rin sa kanyang isipan ang ginawa niyang pag-iwan kay Jake.”Jake patawarin mo ako, ngunit ito ang tama”sigaw ng kanyang isip

Pinutol nang isang tawag sa celphone,ang pagbabalik tanaw ni Dannica,agad niyang dinampot ang Cellphone at pinindot ang answering button nito.

“Hello”

“Ate dannica,bumaba kana, kanina pa kaming nahihintay sayo dito sa baba ng barko!”boses iyon ni Warvi sa kabilang linya.

Pamangkin niya ito.Pero parang magkapatid lang ang turingan nila dahil sabay silang lumaki at tatlong taon lang ang tanda ni Dannica kay Warvi.

“Sige Warv bababa na ako,nag CR kasi ako kanina kaya medyo natagalan ako sa pagbaba.”Pagkasabi noon ay agad niyang binaba ang cellphone at nilagay ito sa kanyang shoulder bag.

Nagsuklay siya at naglagay nang konting face powder.

Kinuha niya ang kanyang maliit na salamin, at pinagmasdan ang sarili.

28 taong gulang na siya ngayon at malaki na nga talaga ang ipinagbago ni Dannica, makalipas ang sampung taong pamamalagi sa Maynila.

Maging  ang kanyang pisikal na kaanyuan ay nagbago na.

Masasabing isa na nga siyang ganap na babae ngayon.Hindi na siya ang dating 18 anyos na Dannica.

Mas lalong lumutang ngayon ang kanyang angking  kagandahan.

Simple lang si Dannica noon at ngayon, ngunit ngayong nasa posisyon na siya ay mas matured siyang tignan.

Nasa 5-“2 lamang siya, ngunit nababagay naman ang kanyang height sa hubog nang kanyang katawan.

Hindi naman siya yong tipong pang miss Universe ang dating, ngunit hindi rin naman siya matatalbogan kung itsura lang din ang pag-uusapan.

Gayun paman kung nabago man ang kanyang kaanyuan ngayon nanatili naman ang kanyang dating siya.isang masayahing tao ngunit sa likod ng kanyang saya ang kalungkutang nadarama dahil sa nakaraang sa kanya’y patuloy na sumusugat.

Sa tulong ng kanyang kapatid,nakapagpatayo na rin siya nang sariling negosyo.

Mayroon na siyang apat na branches ngayon ng Dannica Resto bar.

Nag-umpisa lang siya noon sa isang maliit na restaurant at dahil nga sa tulong nang kanyang kapatid at sa sarili nitong pagsisikap naitaguyod at napaunlad niya ang kanyang negosyo.

Pagkatapos tignan sa salamin ang sarili, tumayo na siya at hinila ang maliit na maleta,at tinungo ang hagdan pababa ng barko.

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman sa sarili habang binabaybay niya ang daanan, papunta sa kinaroronan ni Warvi at nang ina nito na si Vicky.Ang pinsan niyang buo.Anak si Vicky sa kapatid ng nanay niya.

At kung gaano sila kaklose ni Warvi, ganoon din naman sila nang kanyang ate Vicky.

Palibhasay mula pagkabata kasa-kasama na niya ang mag-ina.

Nag-iisang anak lang kasi si Warvi at seaman naman ang ama nito, kaya noon halos silang tatlo lamang ang laging magkasama.

Masaya siya, dahil sa wakas makikita niya na ang mga taong may mahalagang papel sa buhay niya.

Ngunit sa kabila nang kasiyahang ito, nagkukubli ang isang damdaming,pilit niyang ibinaon sa limot.Damdaming pilit niyang pinapatay.

Palibhasa ang Cebu ang lugar, kung saan,unang tumibok ang kanyang puso,ngunit higit sa lahat ang lugar na iyon din, ang nagpaalala sa kanya, kung gaano kasakit ang magmahal, lalo na ang magmahal sa tamang tao ngunit sa maling pagkakataon.

“Ate Dan,”si Warvi iyon, habang tumatakbong papalapit sa kanya at kasunod naman ang kanyang ate Vicky.

Kitang-kita sa mga mukha nito, ang labis na kasiyahan sa muli nilang paghaharap.

Yumakap siya kay Warvi at Kay Vicky ng mahigpit.

Patunay sa labis na pangungulila nito.

“Warv,ang laki, mo na!, at kay ganda pa!

“Siyempre may pinagmanahan yata ako,ayan oh!”Magkasabay niyang tinuro si Vicky at Dannica.

“Hehe,” malakas na tawa ni Dannica.

“Si Warvi,talaga, walang pinagbago!”

“Oy, grabe kanaman ate,mayroon kaya!”

“Naku,Dannica,marami na yang pinagbago yang pamangkin mo,bukod sa isa na yang ganap na Pshycologist,marunong na rin yang lumandi!”

“Mama naman!,hindi ako malandi ah,sabihin nalang nating habulin lang talaga ako.”

“Siya, siya tama na yang kwentuhan, tara na sa sasakyan, para makauwi na tayo”ani Vicky

Habang bina-baybay nila ang daan papunta sa Lapu-lapu city, kung saan naroon ang bahay nila ni Vicky,walang tigil sa kumustahan ang mgapipinsan.

Ngunit habang sinasagot ni Dannica ang mga tanong nila, kasabay naman nang pagtakbo ng Pajerong minamaneho ni Vicky ay ang pagtakbo nang utak ni Dannica sa bawat pagmamasid sa lugar na dinadaanan nila.

Particular na ang halos lahat na Fast food chain na kanilang nadadaanan.

“Ano love, magdidrive thru nalang tayo?”ani Jake

“Sige love, burger at fries nalang ang i-order mo para sa akin.”

“Masusunod maam,”

Sabay sa pagtatawanan ang dalawa sa loob ng Honda City ni Jake.

Nakasanayan na ng dalawa ang dumaan sa  Drive thru sa tuwing nagugutom sila, mula sa kanilang mga lakad.

Hindi naman kasi sila maaring lumantad sa publiko kung magkasama kaya lagi na lamang itong nagtatago sa loob ng sasakyan ni Jake o kaya naman sa mga liblib na lugar na walang gaanong tao na nakakakita sa kanila.

 

CHAPTER TWO

          “Kumusta naman ang ate Mae mo?”

“Okey lang naman siya ate Vicky, Ayon, kahit nagkaka-edad na patuloy parin sa pangangasiwa nang kanyang mga negosyo.”

“Buti nga ang ate mo, may negosyong pangangasiwaan,ako,eto patuloy pa rin bilang isang resident Pshycologist sa aming community.Kung sabagay, sabi ko naman sa sarili ko, dito na ako mamatay sa trabaho ko,mahal ko ang trabaho ko, kasi marami akong natutulongang tao.Kaya nga, kahit pinapatigil na ako sa pages-serbisyo nang asawa ko,tuloy parin ako.”

“Kumusta na nga pala si kuya ate?”

“Ayon,nagtuturo nalang sa mga seaman na gustong umalis nang bansa.Ayaw ko na kasing payagang bumiyahe,alam mo na, tumatanda na rin kami.”

Habang patuloy sa pag-uusap ang magpi-pinsan, hindi namalayan ni Dannica na nasa harapan na pala  sila ng gate sa bahay ni Vicky.

Parang kialan lang, madalas, umaga at hapon, nakaparada ang sasakyan ni Jake sa harapan nila, para sunduin at ihatid siya sa pinapasokang trabaho, o kaya naman sa mga lakad nila.

Naiinis na siya sa sarili dahil, bawat sulok nang Cebu, ay patuloy na nagpa-alala sa kanya sa isang masaklap na nakaraan.

Akala niya, tuluyan na niyang nakalimutan, ang bahaging iyon ng buhay niya.

Nunit parang nagkamali siya sa kanyang akala.

Dahil ngayon, parang muling kumirot ang sugat na akala niya ay tuluyan  ng naghilom.

Pinaniwala niya ang sarili na “Time heals as it Goes”

 Pero mali siya, dahil sa loob ng sampung taon ay hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang nasasaktan.

Lalo na ngayon at nasa Cebu siya.

Pagkapasok sa sasakyan sa gate ng bahay.

Agad na bumaba si Dannica.

“Wow!ang laki na ng pinagbago sa bahay na ito!Mas lalong gumanda!At mas lumaki pa!”bulalas ni Dannica

“Alam mo naman ang kuya mo, walang ibang alam yan, kundi pagandahin ang bahay”ani Vicky

Ang dating dalawang palapag na bahay nina Vicky, ngayon ay tatlo na, nagbago din ang disenyo ng sala nila, at ang terrace nila na lalong nagpakaganda sa kabuu-an ng bahay.

 Masaya nilang pinagsaluhan ang kare-kare, at chopsuey na sadyang paborito ni Dannica.

At muli ang mga pagkaing ito, ay nagpa-alala sa kanya kay Jake.

Dahil kasi kay Jake natuto siyang kumain ng chopsuey at hanggang sa naging paborito na rin niya ito.

Inis na inis na siya sa sarili dahil lahat ng bagay ay nagpapa-alala lamang sa kanya sa lalaking iyon.

“O Jake,bakit ba hanggang ngayon, ay ikaw pa rin ang laman ng isip at puso ko,Bakit?”bulong na lamang niya sa sarili habang kumakain.

Matapos kumain ay agad siyang dinala ni Warvi, sa ikalawang palapag ng bahay,kung saan naroon ang dati niyang kwarto.

Nang buksan ni Warvi ang silid na iyon, ay nagulat siya sa nakita.

“Surprise!”bungad ni Warvi

Paano ba naman kasing hindi siya magulat, gayong doon sa kwartong iyon, ay nakaayos pa rin ang kanyang mga dating gamit, noong nag-aaral siya.

Maging ang cabinet na dating lagayan ng kanyang mga gamit ay nandoon pa rin at ang i-ilan niyang mga damit ay nandoon pa rin.

Hindi lamang iyon, kundi nilagyan pa ito ni Warvi nang; na “ MY TITA DANNICA’S ROOM WELCOME HOME ATE”

Hindi mapigilan ni Dannica ang pag-iyak, sobrang na touched siya sa kanyang nadatnan.

Ang buong akala niya kasi, kasabay ng pagpapaganda sa bahay nila ni Warvi ay kasabay ding itinapon ang kanyang mga dating gamit.

Ngunit sa pagkakataong ito, lumipas man ang sampng taon, ay nandoon pa rin ang lahat.

Sa pag-iyak ni Dannica,hindi na rin, napigilan ni Warvi ang maiyak.

Kung mayroon mang taong nakakaalam ng lahat-lahat tungkol sa kanya.Si Warvi iyon!

Walang sekretong hindi alam si Warvi tungkol kay Dannica.

Saksi siya sa lahat na paghihirap nang ate Dannica niya, mula noon.

Sa mga sandaling iyon, batid rin ni Warvi, kung bakit ganoon na lamang makaiyak ang ate Dannica niya.

“Ate,Do you want to say something?” malambing na wika ni Warvi, sabay ang pagpahid sa panyong bitbit sa mga luhang pumapatak sa mga mata ni Dannica.

“Warv,Im still hurting!I still miss him and above all,I still love him!”

Hindi na mapigilan ni Dannica ang pagbulalas sa nararamdaman, mga luhang,kanina pa niyang pinigil.

Mga salitang kanina niya pa niya gustong isigaw.

“Sige ate, just cry!.Ubusin mo lahat ng luha mo, after all, isa yang mabisang paraan na pangpalinis ng mata.

Sa narinig kahit papano, napangiti si Dannica!

”Sira ka talaga!”

“Ate naman pinapatawa lang kita,alam mo namang mahal na mahal kita, at ayaw na ayaw kong makita kang umiiyak.Hanggang ngayon iyakin ka pa rin talaga ate!Common!Hindi kana basta si Dannica ngayon!Ikaw na si Dannica na tini-tingala ng lahat,”a successful and well-known business woman in town!”

“Ayan ha,binobola mo na naman ako,!”napangiti si Dannica sa tinuran ni Warvi

“Ate,Im not making you bola ha!Thats true!So cheer up!”

Nagtawanan ang magtiyahin sa naging pag-uusap nila.

Ngunit panandalian mang tumawa si Dannica, batid ni Warvi na nandoon pa rin ang bangongot ng nakaraan.

Dahil nga sa pagod si Dannica,lalo na ang kanyang isipan.

Ay di niya namalayan na nakatulog na pala siya.

Pagod na pagod na siya sa paglalakad, tiningnan ni Dannica, kung mayroon bang mga tao sa paligid, ngunit tahimik ang buong kapaligiran tanging mga punongkahoy lamang ang kanyang nakikita .

Maya-maya may narinig siyang tumawag sa kanyang pangalan.

Ngunit ng lumingon iya ay wala siyang makita.

“Hanapin mo ako!Hanapin mo ako,nang sa ganoon matagpuan mo ang habang buhay na kaligayahan.

Tunay ngang mahal mo siya kaya naman kaligayahan sa iyoy aking ipagkaloob.

Dannica sa darating na mga araw landas niyoy muling magtatagpo .”

Isang malamyos na boses ang kanyang narinig,subalit hindi niya alam kung saan nagmumula ang boses na iyon, patuloy siya sa paglalakad,hanggang nakarating siya sa tabi ng dagat.

Nararamdaman niya ang malakas na simoy ng hangin .Sa di kalayuaan, natanaw niya ang isang lalaking nakatayo,na tila ba may hinihintay.

Mabilis niyang tinungo ang kina-roroonan ng lalaki.

Ngunit noong malapit na siya sa lugar na kinatatayuan ng lalaki kanina,ay bigla itong tumakbo.

Kaya naman, mabilis niya itong hinabol,hanggang sa kanya ng maabutan.

Pamilyar sa kanya ang lalaki, bagamat nakatalikod ito, nararamdaman niyang kilala niya ang lalaking ito. Humarap sa kanya ang lalaki, at laking gulat niya, nang mapatunayan ang kanyang kutob.

“Jake,Ikaw ba yan!”Tinitigan niyang mabuti ang lalaki,ngunit tanging ngiti lamang ang ginawad nito sa kanya.

Hanggang biglang sumagi sa kanyang isipan si Russel,Si Russel na una niyang nakilala sa panaginip .Na walang pinagkaiba ang itsura kay Jake.

“Russel,” muli niyang sambit.

“Ako nga Dannica,Kay tagal kitang hinintay, ngunit di kana muling nagbalik.”

“Russel, sino kaba talaga?naguguluhan na ako,”

“Pakinggan mo ang sinasabi ng iyong puso ng sa ganoon, makikilala mo,kung sino talaga ako.Pakingan mo Danica, at ikaw na rin ang makakasagot sa sarili mong mga katanungan.”

Pagkasabi noon, ay humukbang na papalayo si Russel.

“Russel,Russel,!” sigaw ni Dannica..

“Ate Dannica, gumising ka!Nanaginip kana naman. “

“Warv,nagbalik siya”

Sino?

“Si Russel,muli ko na naman siyang napapanaginipan.Muli na naman siyang nagpkita sa  akin”

“Ano?anong sinabi niya?”

“Marami Warv, at naguguluhan na ako,hindi ko alam kung anong dapat kung isipan.”

“Ate,panaginip lang lahat yon,walang katotohanan”

“Wala?Pero papano mo ipapaliwanag ang nangyari sa akin noon?Ang pagtatagpo namin ni Jake?Gayong si Jake at si Russel ay walang pinagkaiba.”

Hindi makakibo si Warvi sa tinuran ni Dannica,dahil batid niyang totoo ang lahat.

Tanang-tanda niya pa noon, kung papaano isinalaysay ni Dannica ang lahat ng kanyang mga panaginip, noong mga bata pa sila.

 

                           CHAPTER THREE

Bunso sa anim na magkakapatid si Dannica.

Tubong Leyte ito.

Noon pa man sa kabila ng kamusmusan, nagpamalas na si Dannica ng kanyang angking talino hindi lamang sa loob ng silid aralan, kundi, maging sa ibang mga bagay.

Madali siyang makaintindi, kahit hindi mo direktang ipapaliwanag sa kanya.

Lumaking sunod sa layaw si Dannica.

Lahat nang gusto niya noong bata siya, ay nakukuha niya, Pano ba naman kasi, dinadaan niya sa iyak.

Ngunit ganoon pa man, sa kabila niyan, mayroon namang pusong maunawaiin ang batang ito.

Mahal na mahal niya ang kanyang buong pamilya.

Ayon sa kanya, lahat daw ng ginagawa at gagawain niya balang araw ay para sa kanyang buong pamilya.

Lumaki siya sa isang masayang pamilya,bagamat hindi mayaman ang mga magulang nito, ay puno naman sila ng pagmamahalan.
Napagpaaral naman ng mga magulang niya silang magkakapatid.

Bukod sa pagiging “apple of the eye “niya binansagan din si Dannica ng kanyang mga kaanak na “little madam auring” Paano ba naman kasi, lahat nang sinasabi niya ay tila ba nagka-katotoo.

Kagaya na lamang noong, pagkapanalo ng kapithbahay nila sa lotto,Pagbigay ng ba

bala sa tatay niya na huwag sumakay sa tricyle na minamaneho ng pinsan niya, dahil madidisgrasya raw ito.

At Oo nga at nadisgrasya nga, buti na lamang at nakinig ang tatay niya.
At kung ano-anu pa, ayon sa kanya, lahat ng iyon, ay nalalaman niya sa pamamagitan ng kanyang panaginip.

Sabi nga ng ate Vicky niya, noong minsan niyang maikwento ang mga iyon, mayroon daw siyang “gift of Prophecy” na ang ibig sabihin, na kaya niyang tignan o makita ang ilang mga pangyayaring paparating sa pamamagitan ng panaginip.

Ayon pa kay Vicky, lahat daw tayo ay may kanya-kanyang gift of the holy spirit, gaya na lamang ng gift of tongues,visions,healing interpretation of tongues at marami pang iba na pwede makatulong sa kapwa pag ginamit lang ng tama  at mapalad si Dannica dahil ang gift of prophecy ang natamo niya.

Noong nasa grade VI siya nag-umpisa na rin siyang managinip.

Panaginip na hindi malinaw sa kanya.

Isang lalaking nakatalikod ang madalas niyang makita sa panaginip.

Gayon pa man, hindi niya ito binigyan ng kaukulang pansin.

Iniisip na lamang niya na bunga iyon nang kanyang imahinasyon.

Paano ba naman kasi,Grade III pa lamang siya ay mayroon na siyang lihim na pagtingin doon sa Grade V teacher ng paaralan nila.

Pero, hanggang doon na lamang iyon, dahil batid niyang impossible nga naman siyang pag-ukulan ng pansin noon.

 At noong minsang maikwento niya ito sa kanyang mga kaibigan ay pinagtawanan lamang siya at tinawag na Illusyonada.

“ano daw,crush ni dannica si Sir?

“Naku ha,Dannica marami kapang sakong bigas na kakaiinin,at isa pa, bakit ka nagkakagusto diyan, eh parang tatay mo na yan!”

At yon na ang umpisa nang bulyawan ng kanyang mga kaklase.

Lihim na napaisip si Dannica sa sinabi ng mga kaklase niya,

“Eh ano nayon, kung parang tatay,gwapo naman!”Napangiti na lamang siya sa kanyang naiisip.

“Hoy, bakit ka ba, laging nakatalikod humarap kanaman, “wika niDannica sa lalake, ngunit parang walang narinig ang kinakausap.

Nakatalikod pa rin ito, habang nakaupo sa tabi ng dagat

“Ay!alam ko na!kaya ka siguro nakatalikod, dahil,nahihiya kang ipakita ang mukha mo, dahil pangit ka. Pangit,pangit!”paulit-ulit na tukso ni Dannica sa lalaking kanyang nakita.

          Hoy Dannica, gising!Sinong tinatawag mong pangit    ha?”

“Ikaw!Ay este yong lalaki pala.”

“Ikaw talaga”, umiral na naman yang pagkasuwael mo,”wika na panganay na kapatid na si Mae. 

 Para namang hindi makapaniwala si Dannica sa nakita,ang ate Mae niya pala iyon.

“Ate”, yumakap siya sa kapatid,”buti naman umuwi ka,”

“Abay siyempre!makakalimutan, ko ba naman, ang graduation day nang bunso naming kapatid!”

“Siyempre hindi, diba ate?”

Nagkulitan, ang dalawang magkapatid dahil minsan lamang itong magkita.

 Sa Manila na nakatira si Mae dahil nakapag-asawa siya nang taga roon, at dahil nga Valedectorian ang kapatid niya, kaya sinikap niyang makauwi.

“Ate,gift ko asan?”

“Naku! mamaya na iyon, bumangon kana ng sa ganoon makagayak kana para sa graduation mo.”

“Si ate talaga excited!biro niya”

Masayang-masaya ang lahat, dahil araw iyon ng graduation!

Kanya-kanyang kwentuhan, at mga plano sa pagdating ng high school.

“Ikaw, Ms.Valedectorian, saan ka mag-aaral?”

Laking gulat ni Dannica Sng Si Mr.Martinez ang nagsalita, mula sa kanyang likuran.

Ang kanyang ultimate crush!

Sa kanyang pagkabigla, hindi siya agad nakasagot

“Hoy Dannica,tinatanong ka ni Sir,!”

“Ah,ku-wan- sir, hindi ko pa alam,”

“Ah ganoon ba!Siya nga pala Conggratts ha!Ang galing mo talaga,Ipagpatuloy mo yan!Make our school proud!”

“Yes Sir,salamat,”masaya niyang wika.

“At siya nga pala, wag munang magbo-boyfriend ha!Study first,before love life!”

Napangiti na naman siya sa sinabi nang kanilang guro!

“Yes sir, hindi muna ako mag-boboyfriend,hintayin mo ako ha! “Singit ng kanyang utak, napatawa siya sa ideyang yon.

Kampante naman kasi siya, dahil sa kanyang suot sa araw na iyon,tiyak namang hindi talaga siya mapagkamalang grade-VI pa lamang.

At ang kanyang light make-up ay lalong nagpatingkad sa taglay niyang kagandahan at nahiglights pa nito ang singkit niyang mga mata, dahilan upang mapagkamalan siyang Chinese ng karamihan.

Proud na proud ang buong pamilya niya sa kanyang achievement.

Lalo pa sina aling Pacing at Manong Dadong ang kanyang mga magulang.

Pagkatapos ang graduation ceremony ay dumiritso agad sila sa bahay,para sa isang munting salo-salo,kasama ng iba pa nilang mga kaanak at kapithbahay.

Sa hapag-kainan, napag-usapan, kung saan gustong mag-aral ni Dannica ng High School.

“Mama,papa, kug akong tatanungin niyo, mas gusto ko sa Cebu mag-aral, doon na lamang ako titira kina ate Vicky.”

“Anak naman, kami na nga lamang ng papa mo ang nandito palagi sa bahay, ay iiwan mo pa kami.”

“Mama, naman!nagdadrama  na naman kayo agad eh, hindi ko po kayo iiwan, mag-aaral lamang ako sa Cebu, at isa pa, hindi naman, malayo ang Cebu sa Leyte ah,anytime,puwede akong makauwi dito sa atin.”

“O siya, ano pa nga bang magagawa namin?total naman, malaki kana, mas maganda na rin siguro ang ganyan, para naman matuto ka sa buhay.”

Pasado alas -nuebe na ng gabi ng matapos ang kasiyahan sa pamamahay nila ni Dannica.

Pagkauwi ng mga bisita ay agad na nagtungo si Dannica sa silid nito para matulog.

Ngunit kahit anong gawing pikit sa mga mata niya ay gising-na gising pa rin ang kanyang diwa.

Muli na namang sumagi sa kanyang isipan, ang lalaking nakatalikod sa kanyang mga panaginip.

“Hay naku!,bakit ko nga ba, kailangang isipin iyon,makatulog na nga!”at pinindot niya ang switch para patayin ang ilaw.

Nasa tabing dagat na naman si Dannica, hinihintay niya na baka sakaling dumating ang lalaking nakatalikod.

At hindi nga siya nagkamali,dumating ang hinihintay niya,ngunit iba sa inaasahan niya. Malayo pa lamang, ay nakangiti na ito sa kanya.

“Hi miss beautiful!”

Nagulat siya, sa nakita, ang inaasahan niyang pangit ay saksakan, pala nang kagwapuhan.

Matangkad ito, may pagkamoreno,medyo kulot ang buhok at napakatangos ng ilong.

Maihahambing mo ito sa mga bidang lalake sa pelikula.

Nakashort lamang ito, nakaputing t-shirt ngunit sa kabila nang kasimplehan nito, ay litaw- na litaw pa rin ang kakisigan .

“O bakit hindi ka makapagsalita diyan! Siguro nagwapuhan ka sa akin ano?”

“Aba,ang kapal din naman ng pagmumukha mo ano!”

“Ikaw!gwapo?Sinong maysabi?”

“Ang nanay ko,”wika ng lalaki kasabay ang pilyong ngiti.

Dahil sa pagkapikon, a-alis na nga lang sana si Danica,ngunit nang akmang tatayo na siya sa kina-uupuan ay agad siang nahawakan sa braso ng kausap.

“Oops!saan ka pupunta?”

“Uuwi na ako, dahil nasusuka ako sa kayabangan mo!”

“Nasusuka ka?naku ineng,malamang butis ka!”

Sa narinig,lalong nainis si Dannica

“Bitiwan mo nga ako!,” sabay alis sa kamay ng lalaki na nakahawak sa kanyang kabilang braso,ngunit nang tinangka niya itong alisin, ay mabilis itong nahawakan ang kanyang kamay,kaya naman, sa ginawang iyon ng lalake ay para namang may kuryenteng nanalaytay sa kanyang buong kaugatan.

Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Sa unang pagkakataon, ay nakaramdam siya ng kakaibang damdamin,damdaming hindi niya maipaliwanag.

“Ano ba,bitiwan mo nga ako,!”

“Sige bibitiwan kita, ngunit sa isang kondisyon”

“Kondisyon?kondisyonin mong mukha mo”

“So,don’t expect me, na bibitawan kong kamay mo”

“Ano ba kasing kondisyon mo?”

“Sabihin mo sa sa akin, kung anong pangalan mo”

“Pangalan ko? O sige yan lang pala”

“eh,Dannica,dannica ang pangalan ko”

“Hi Dannica, pinisil nito ang kamay niya, I’m Russel ”

“So ano ngayon?kung ikaw si Russel?”,mabilis niyang hinablot ang kamay, mula sa pagkahawak ng lalaki at agad siyang kumaripas nang takbo.

“Dannica,Dannica!”tawag ni aling Pacing na sa labas ng kanyang kwarto,Agad naman siyang nagising

“Ma,bakit po?”

“Anong bakit?tanghali na!,kaya gumising kana,tirik na tirik na ang araw at nakahilata ka pa”

“Mama naman,wala na namang pasok kaya okey lang na tanghaliin ako nang gising”

“Tumigil kana sa kadadak dyan, buksan mo na itong silid mo!”

“Sandali lang po ma”

Agad naman siyang bumangon mula sa banig na hinihigaan niya, at binuksan ang pintuan ng kanyang silid

Pero, naisip niya ang kanyang panaginip, ang gwapong lalaking nakausap niya,”Russel ”bulong ng isip niya

Iniisip niya na parang totoo ang kanyang panaginip, bakit ngayon mayroon na siyang mukha, bakit nagpakilala na ito sa kanya, samantalang dati,nakatalikod ito parati.

Maraming katanungan ang kanyang isipan, ngunit isa lang ang natitiyak niya,nais niya itong makitang muli”,Ngunit papano?”Bigla siyang nalungkot sa naiisip.

Sa hapag kainan, napag-usapan nila ang kanyang pag-aaral sa Cebu.

Masaya naman siya, ngunit siyempre, malungkot din, dahil batid niyang maiiwan niya pansamantala ang kanyang mga magulang.

At dumating na nga ang araw ng kanyang pag-alis,papunta sa Cebu,para naman makapag pa-enrol na siya sa paaralang malapit sa lugar ng kanyang ate Vicky.

Naabisuhan na rin si Vicky sa kanyang pagdating at sa balak nitong pagtira sa bahay nila, habang mag-aaral siya nang highschool.

Masaya naman ang kanyang ate Vicky sa nalaman,palibhasa sila lang ni Warvi ang nakatira sa bahay at ang isa nilang katulong.

Nasa daungan na sila ng Leyte, malungkot na nagpaalam ang kanyang mga magulang sa kanya

“Anak, magpakabait ka doon sa ate Vicky mo ha,” wika ng kanyang ina, na may halong pag-alaala

“At saka anak, sumulat ka sa amin parati ha,” sabat naman ng kanyang ama

“Opo,Ma,pa,wag po kayong mag-aalala, magpapakabait po ako doon”

“At saka anak,wag ka munang mgbo-boyfriend ha, nakakasira yan nang pag-aaral”,wika ng ama

“Papa naman,wala pa yan sa isip ko ano!”

“Buti naman kung ganoon”

At dahil malapit ng umalis ang barkong kanyang sasakyan,kinakailangan nang umakyat ni Dannica  at mamaalam  sa mga magulang.

Dahil daytrip ang kanyang sinakyan kaya, pagkahanap ng kanyang deck number,ay agad niyang nilapag ang dalawang bag na dala niya na pinaglagyan ng kanyang mg damit at i-ilang gamit.

Agad siyang dumungaw sa bintana ng barko, at mula sa barko, ay tanaw na tanaw niya ang malawak na karagatan.

Hindi niya mapigilang maisip na sana isa sa mga gabing darating ay mapanaginipan niyang muli si Russel.

Hindi niya maiintindihan ang sarili, umaasa siya sa wala,sa isang panaginip, ngunit batid niyang malabong mangyari ang nasa isip niya.

“Ano kayang magiging buhay ko sa Cebu?,Anong kaplaran ang naghihintay sa akin sa lugar na iyon?Pero kaya ko ito!Fighter yata si Dannica wika niya sa sarili”

 

CHAPTER FOUR

At muli na naman niyang pinagmasdan ang malawak na karagatan.

Umalis na ang barkong sinakyan niya, at gusto niya na munang magrelax,kaya naman bumalik siya sa kanyang deck.

At dahil medyo ma-alikabok ang deck na iyon, kumuha siya ng damit niya at pinamunas niya sa higaan, matapos punasan kinuha niya ang isang malong mula sa bag, at agad siyang nahiga.

Maya-maya lamang ay nakatolog na rin siya.

Malapit nang dumaong ang barko,nang siya’y magising.

Dali-dali siyang bumangon, tinupi ang hinihigaan at agad na pumunta sa bintana ng barko.

Marami ring tao, ang kanya-kanyang nagsidungawan sa bintana ng sinasakyan.

 Kakaibang saya ang kanyang nararamdaman habang tanaw na tanaw na niya ang Mactan bridge.

Isa sa nagpasikat sa Cebu ang Mactan bridge,dito dumadaan ang mga barko, papunta at papalabas ng Cebu.

Hindi na bago kay Dannica ang mga tanawing yon palibhasa,madalas siyang magpuntang Cebu, tuwing bakasyon.

Kaya sanay-na sanay na siya bumiyaheng mag-isa.

Sa Wakas,dumaong na ang barko sa Pier 3 sa daungan nang Cebu.

Pasado alas kwatro na ng hapon nang dumaong ang barko.

At dahil kabisado na niya ang pagpunta sa lapu-lapu city, ang lugar nila Vicky, kaya di na siya nagpasundo.

Maingay ang mga sasakyan,kasabay ng pagsisigaw sa mga kargador sa pier.

Unahan sa pagbaba ang mga pasahero.

Pero dahil hindi naman siya nagmamadali, hinayaan na muna niyang maunang bumaba ang ibang mga pasahero,ayaw niya kasing makipagsiksikan.

Bitbit ang dalawang bag,bumaba na siya sa hagdanan ng barko, at pagkatapos agad siyang nagtungo sa Metro Ferry.

Ang Ferry boat ang isa sa pinakamadaling sasakyan para sa pagpunta ng lapu-lapu City.

Bukod sa walang trapic,malilibang ka pa sa pagmamasid sa ibat-ibang barkong nakabaradero sa dagat.

Malapit lang ang ferryboat sa barkong kanyang sinakyan.

Kaya naman, mabilis siyang nakasakay.

30 minutes lang ang biyahe ng ferryboat mula sa pier 3 papuntang Lapu-lapu.

Pasado alas sais ng gabi na siyang nakarating sa bahay nang kanyang ate Vicky.

Masayang-masaya si Warvi at si Vicky noong makita siya.

Agad namang naghanda ng pagkain ang katulong para sa hapunan.
Mahabang kwentuhan ang kanilang napag-usapan.

At yon na ang umpisa nang mga araw niya sa Cebu.

Masaya siya, ngunit paminsan-minsan sumasagi sa kanyang isipan ang kanyang mga nagiging panaginip.

Nag-umpisa na rin siyang mag-aral sa isa sa mga pampublikong paaralan sa lugar ng kanyang ate Vicky.

Mabait sa kanya ang mag-ina, parang anak din talaga ang turing sa kanya ni Vicky at maging si Warvi ay napakabait sa kanya.

Best friend ang turingan nila sa isat-isa kahit na nga ba kung tutuusin ay pamangkin niya ito sa pinsan.

Hindi naman siya nagpabaya sa kanyang pagtira doon, tumutulong siya sa mga gawaing bahay kina Vicky, kahit na nga ba may katulong ang mga ito.

Sa paaralan naman marami ang nagkakagusto sa kanya ngunit “deadma” siya, dahil nakatuon lamang ang kanyang attensyon sa pag-aaral at isa pa sa lalaki sa kanyang panaginip.

Madalas sumulat ang mama niya at kung minsan naman ay tumatawag ito sa telephono.

Masaya ang mga ito dahil nakikita nilang nasa maayos na kalagayan ang kanilang anak.

Masaya din naman si Dannica sa kanyang mga magulang  dahil mabuti ang pangangatawan ng kanyang mga ito, bagay na madalas niya rin na hingin sa Poong Maykapal sa bawat panahon na nagdadasal siya.

Madasalin si Dannica mula noon, ito ang itinuro sa kanya ng kanyang mga magulang ang matakot sa Diyos at laging sumunod sa mg utos nito.

Batid niya na palagi siyang ginagabayan ng Poong Maykapal sa lahat na kanyang ginagawa kaya kampante siya na lahat ng pagsubok sa buhay niya balang araw ay kaya niyang lampasan.

Paminsan-minsan tuwing bakasyon ay umuuwi siya sa Leyte para dalawin ang kanyang mga magulang.

Hanggang sumapit ang kanilang high school graduation.

“Dannica You made it”wika ng kanyang ate Vicky nang malamang siya na naman ang Valedectorian ng klase nila

“Salamat ate”Masaya niyang wika.

Lumuwas din sa Cebu ang kanyang mga magulang noong graduation day ni Dannica.

Gaya nang dati, naghanda ito nang munting salo-salo sa bahay ng kanyang ate Vicky.

“Anak, ang saya namin para sayo, nawa’y ipagpatuloy mo ang iyong pagpupursige sa pag-aaral”masayang wika ng kanyang ama.

“Siyempre naman pa, lahat gagawin ko para matupad ang mga nais ko sa buhay”sagot naman ni Dannica

“Anak balita ko marami daw nanliligaw sayo sa school, baka naman madala ka”wika ng kanyang ina

“Dont worry mama,hindi uubra sa akin ang mga iyan!maton rin yata itong anak mo!”natatawang wika ni Dannica

Mabilis na lumipas ang araw,nasa pangatlong taon na siya nang Collegio.

Ngunit hanggang sa mga sandaling iyon, si Russel pa rin ang laman nang kanyang isipan.

Minsan na naman niyang mapanaginipan si Russel.

Masaya silang naghahabulan sa baybaying dagat.

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman sa tuwing kasama niya si Russel.

Sa bawat pagtatagpo nila sa panaginip,may kakaibang sigla ang kanyang puso.”Pag-ibig na nga kaya ito,?” tanong niya sa sarili.

Ngunit sa bawat pag-gising niya,muli na naman siyang nalulungkot.

Umiibig siya sa taong, bunga lamang nang kanyang panaginip.

Ngunit bakit parang may katotohanan ang kanyang nararamdaman.

Umaasa siya na baka kagaya ng mga iba niyang napanaginipan noon, magkakatotoo din ang lahat. Ngunit paano,Saan at Kailan.?

Mga katanungang hindi niya alam ang kasagutan.

     Ngunit,tila masasagot na ang mga katanungang, matagal niya nang tinatanong sa sarili nang tumuntong siya sa 3rd year college at noong magkakaroon sila nang On Job Training para sa kurso niyang Bussiness Management.

At dahil kinakailangan nilang maghanap ng kompanyang mapapasukan.

Sa paghahanap niya sa newspaper, hindi nakaligtas sa kanyang mga mata,ang isa sa mga ads nang pahayagan na naghahanap nang On job training.

Agad niyang kinuha ang address nito, at agad siyang gumawa nang resume.

Nasa Cebu City mismo ang nasabing kompanya, Medyo malayo sa lugar nila.

Pero pabor ito dahil malapit lamang ito sa Universidad nang Cebu,ang paaralan na kanyang pinapasukan.

“Miss ikaw na kasunod na i-interviewhin ng presedente.”wika nang babaeng lumapit sa kanya.

Malamang na iyon ang secretarya.

Pagkasabi noon, ay agad siyang tumayo, kasunod nang babaeng lumapit sa kanya.

Itinuro siya nang babae sa isang pintuan.

Yon daw kasi ang pintuan papunta sa opisina ng mag-iinterview sa kanya.

Kumatok siya sa pintuang yon

“Come in,” narinig niyang sinabi ng nasa loob.

Kaya dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob.

Bumukas ang pinto, at agad na tumambad sa kanya ang lalaking nakaupo sa loob ng opisina.

Hindi siya maaring magkamali sa kanyang nakita.

Si Russel nga ang lalaking nasa kanyang harapan ngayon.

Ngunit papaano nangyari yon, ibig bang sabihin noon, totoo ang kanyang panaginip.?

Pinagmasdan niyang mabuti ang lalaki, mayroon itong konting kaibahan, kung ikukumpara sa Russel na nakikita niya sa kanyang panaginip.

Matanda ito ng mga limang taon sa kanya  samantalang si Russel ay halos kaedad niya lang.

Gulong-gulo ang kanyang isipan sa kanyang nasaksihan, samot-saring katanungan ang nasa kanyang isipan na hindi niya alam kung papano ito sasagutin.

“Please have a seat” wika ng lalaki

“Thank you sir.!”

“Ayon dito sa resume mo,ikaw ay isang Bussiness Management student,?”

“Yes sir”

“Kung tatanggapin kitang OJt dito sa kompanya ko, ano naman ang maari mong maitulong sa amin?

Well sir, unang-una po, ang mga makabagong kaalaman na aking natutunan sa paaralan ay magagamit ko p o dito sa inyong kompanya na natitiyak kong malaki ang maitutulong at isa pa po masunurin akong emplyado, anything you want me to do, ay gagawin ko po as long as ito ay may kaugnayan sa aking trabaho.”

“Ok”yon lang ang tanging tinugon dito sa haba ng isinagot niya

Mataman siyang pinagmasdan ng lalaking kaharap.

Mula ulo hanggang paa ito kung makatitig sa kanya.

Kung nakamamatay ang pagtitig tiyak patay na siya ngayon.

Tila sinusuri rin ng lalaking kaharap kung mayroon bang sinceridad ang kanyang mga sinasabi.

“Sige,patatawagan na lamang kita sa secretarya ko, kung sinong mapipili sa inyo.”

“Thank you sir!”

Yon lamang at lumabas na siya nang opisinang iyon.

“Kamukha lang ba talaga siya ni Russel?bakit parang ibang-iba naman siya sa Russel na nakilala niya.”sigaw ng isang bahagi ng kanyang utak.

Nakarating siya nang sakayan ng jeep,papunta sa kanilang paaralan, ngunit tulala siya.

Para siyang lumulutang sa ulap.

Lumilipad ang isip niya.

Kay tagal niyang pinagarap na sana isang araw ay magkatotoo ang panaginip niya, ngunit sa pagkakataong ito.

Naisip niyang hindi na nga siguro.

“Warv,alam mo bang nakita ko na siya!”balita niya kay Warvi pagkadating niya sa bahay.

“Sino ate?”

“Si Russel!”

“Talaga ate! “

“Oo, kaya lang kamukha lang,Jake Berdin ang pangalan niya.Presedente siya doon sa kumpanyang ina-aplayan ko.”

“Gwapo din ba siya?kagaya nang sinabi mo tungkol kay Russel?”

“Hayop sa kagwapuhan!Mas pormal at may edad nga lang kumpara kay Russel”

“Ate naman, bakit parang ang tamlay mo?

Diba nga mas may chance kana ngayon,kasi nag-exist pala dito sa earth ang lalaking pinagpantasyahan mo sa loob nang mahabang panahon?”

“Alangan naman ako maging happy? Eh mukhang may asawa na yon, at isa pa kahit binata yon, malabong papansinin ako noon.”

“Hay naku ate!umiral na naman yang pagka nega mo!”

Tumawa nalamang si Dannica sa sinabi ni Warvi

Kinabukasan habang nasa paaralan siya,tumunog ang kanyang cellphone, isang unfamiliar number ang nakaregistro dito, agad niya itong sinagot

“Hello”

“Yes,Is this Ms Morales?”

“Yes sir!”

“Report to my office 1pm today.”autorisado nitong wika

Yon lamang at pinatay na nang kausap ang cellphone.

“Ano yon?para namang daig pa ang pulis kung makautos”piping busa niya

Pagkatapos makipag-usap sa telepono, tila naman nahimasamasan ang kabang kanyang nadarama.

Sa kabilang dako naman,masaya siya, at tila may pag-asa siyang matanggap sa kompanyang iyon.

Ang ipinagtaka niya lamang bakit si Mr.Berdin mismo ang tumawag sa kanya,ganoong maari naman niya itong iutos sa iba.

“Naku ha, baka type niya ako, kaya siya talaga ang personal na tumawag sa akin.” muling singit ng kanyang isipan

Natawa na lamang siya sa sarili.

Nang makapasok na siya sa kompanyang yon, abot langit ang tuwang kanyang nararamdaman lalo pa at ginawa siyang pansamantalang secretarya ni Jake dahil nakaleave ang orhinal na secretary nito.

“Ms.Morales mula ngayon ito na ang magiging table mo”sabay turo mismo ng mesa nito sa loob ng kanyang opisina..

“Yes sir”kimi niyang sagot

“OMG!lagi kong makikita sir, Diyios ko  po”kinikilig na bulong niya sa sarili.

Mula nang makapasok siya sa kompanyang iyon bilang trainee ay panay na ang pagkakilig niya lalo pa nakikita niyang pinag-ukulan siya ng attensyon ng kanilang boss.

“Dannica, are you free tonight”tanong ng kanyang boss

“Yes sir”hindi nagdalawang isip na sumagot  si Dannica

“Ano ba naman Dannica, parang ang cheap chep mo, niyaya ka lang tumango ka naman agad”piping busa niya

Sa isang mamahaling restaurant siya dinala ni Jake noong gabing iyon at sinundo pa siya nito sa mismong bahay nila.

Inalalayan pa siya nitong makababa sa sasakyan at ng makapasok na sa loob ng restaurant ay pina-upo pa siya.

Hiyang hiya naman si Dannica sa ginawa ng boss, ngunit may isang bahagi nang kanyang puso ang nagdiriwang,hindi niya akalain na pag-ukulan siya ng pansin ng boss niya.

“Maam,Sir,May I take your order”wika ng waiter matapos maibigay ang menu

“Dannica anong order mo?”tanong ni Jake

“Kayo pong bahala sir”kimi niyang sagot

“Oh please, kung tayo lang dalawa huwag mo na akong tawaging sir, Jake na lang’utos nito

“Okey po sir”tugon ni Dannica

“Kasabi ko lang Dannica”wika ni Jake habang kinindatan pa siya nito

“Eh,bakit ganyan na lang ang pakiramdam mo?parang sinisilihan yang puwit mo habang nakaupo,Ni hindi mo kayang tignan ang lalaking nakaupo sa tapat mo”singit ng kontrabidang bahagi ng isip niya.

Masayang nagkwentuhan ang dalawa habang kumakain, nang narinig nila ang saliw na musikang “Born for You”

Too many billion people
Running around the planet
What is the chance in heaven
That you’d find your way to me?

Tell me what is this sweet sensation?
It’s a miracle that’s happened
Though I search for an explanation
Only one thing it could be –

That I was born for you
It was written in the stars
Yes, I was born for you
And the choice was never ours
It’s as if the powers of the universe
Conspired to make you mine
And til the day I die,.
I bless the day that I was born for you

Iniabot ni Jake ang kamay nit okay Dannica

“Maari ba kitang maisayaw”masuyong tanong ni Jake sa kanya

Dalang-dala naman siya sa musikang kanyang naririnig kaya hindi na siya nakapagsalita pa at kusa ng inabot ang kanyang kamay sa kamay ni Jake.

“I’m in love!”bulong niya sa sarili Damang dama niya ang saya noong gabing iyon.

Sa unang pagkakataon naisayaw niya ng totoo ang lalaking tanging sa panaginip niya lang inaasam.

Matapos ang gabing iyon ay hinatid na siya ni Jake sa Lapu-lapu kung saan naroon ang bahay ng ate Vicky niya.

“Áte, nakipagdate ka sa boss mo?”salubong na tanong ni Warvi sa kanya

Isang pilyong ngiti ang pinakawalan niya”hindi naman date yon Warv, kumain lang kamain lang kami sa labas”tugon niya

“Eh anong tawag mo doon”untag ni Warvi

Ate naman kabago-bago mo pa lang bumigay ka na agad, inalam mo ba kung binata yang Jake na yan”dagdag pa ni Warv na sa tono nito ang magkahalong aalala at panenermon.

“Binata naman siguro yon Warv dahil sa tatlong linggo kong pagtatrabaho doon wala naman akong nakitang asawa”, wika ni Dannica

“Are you sure”muling tanong ni Warvi

Hindi na sumagot pa si Dannica sa mga tanong na iyon ngunit paano nga kung may-asawa na si Jake?tanong niya sa sarili

“Ano naman ngayon?wala naman kaming relasyon”singit ng kanyang isipan

“ Ate siya nga pala, bukas ipapakilala ko sayo si Red”!kinikilig na wika Warvi

“Sinong Red?wika ni Dannica”

“Si Red ang aking bagong prince charming”sabay ang isang malutong na halakhak

Kinabukasan pagpasok niya, tila nararamdaman niyang abala ang mga tao sa opisina sa kanila-kanilang ginagawa,isang advertising and marketing company ang kompanya ni Jake kaya abala ang mga ito sa pagharap sa kani-kanilang computer at ang iba naman ay nakikipag-usap sa kani-kanilang mga kliyente sa telepono.

Nang pumasok na siya sa opisina ni Jake ay laking gulat niya

“Good morning ”wika ng isang babae na nakaupo sa table ni Jake.Matangkad ito at maputi at sophisticated ang dating

‘Good morning din po”sagot niya kahit ba tila nagulat sa kanyang naabutan.

“So ikaw pala ang trainee ng kompanya namin at ang pansamantalang secretary ng asawa ko”malumanay nitong wika ngunit halata ang otoridad sa boses

“Yes maam”sagot niya

“Asawa”asawa”tila pa-uulit naman ang salitang ito na rumihistro sa kanyang isipan.

“Ouch”piping busa niya

“Wala si Jake ngayon Dannica kay sa akin ka na muna magrereport, kaya pakibigay na lang sa akin lahat ng appointments ni Jake sa akin for today dahil ako ang makikipagkita sa kanila.”

“Yes maam”mabilis niyang sagot at agad kinuha ang folder kung saan nakalagay ang mga appointments ng boss niya at inabot ito sa asawa.

Buong araw na kabado si Dannica noong araw na iyon kaya labis ang pasasalamat niya nang sumapit ang alas singko at sa wakas ay makakauwi na siya.

“Warv may asawa pala si Jake”malungkot niyang balita kay Warvi nang makauwi siya

“What ate”Naku ganoon ba? Sayang naman pero di bali ate, marami ka pang makikitang lalake kaya mula ngayon isantabi mo na yang mga panaginip mo kasi kahit sabihin nating kamukha yan ng Russel mo, ngunit iba naman ang katauhan niyan.”mahabang wika ni Warvi

Nalulungkot naman siya sa sinabi ng pamangkin, batid niyang tama si Warvi, hindi niya na dapat pang pag-ukulan ng pansin ang Jake na iyon.

CHAPTER SIX

Kinabukasan habang palabas na siya sa gate nila nang may matanaw siyang isang Honda City sa labas nito.

Bumukas ang bintana noon, at laking gulat niya

“Dannica get in”tawag ni Jake sa kanya sabay pa pagkaway nito

Halos masira na sa kaba ang kanyang dibdib gayon pa man ay nilapitan niya ang lalake

“Sir, bakit po kayo nandito?takang tanong niya

Ngunit sa halip na sumagot ay agad na itong bumaba at pinagbuksan siya ng pintuan at sa  katabi ng driver seat siya nito pina-upo

May isang bahagi ng isip niya ang hindi sang-ayon sa lahat na mga nangyayari, ngunit iba naman ang sinasabi ng kanyang puso.

Pagka-paupo sa kanya ay wala itong kibong pina-andar ang sasakyan

“sir ano pong ibig sabihin nito”takang tanong ni Dannica

“Jake ang sabi kong itawag mo sa akin”wika nito

“Ano ba naman itong lalaking ito, hindi mo maintindihan,para na akong dinuduyan nito sa kaba”bulong ng isip niya

Dire-diretso ang pagmamaneho ni Jake patungong Danao,Northern part na ito ng Cdebu kung saan matatagpuan ang mga magagandang beach resort at mga private resthouse.

Kabisado niya ang lugar na ito dahil madalas din silang magtungo nito ng ate Vicky niya.

“sir,saan po ba tayo pupunta’?Bakit nasa Danao na tayo anong gagawin natin dito”?usisa ni Dannica

“Dannica, just trust me”wika nito sa seryosong pananalita

Sa isang kulay brown na gate ipinasok ni Jake ang minamanehong sasakyan.

Pagkabukas ng gate ay agad din niya itong isinara.

Bumungad sa kanya ang isang napakagandang rest house sa tabi ng dagat.

Luntian ang mga puno rito at kay bughaw ng dagat.Bigla siyang may naalala

“parang nakita ko na ang lugar na ito ah, tama! ito nga ang lugar kung saan kami laging magkasama ni Russel sa panaginip” bulong ng isip niya

Pagkatapos maiparada ang sasakyan ay binuksan ni Jake ang pintuan nito at inalalayan siyang makababa.

“How do you find the Place Dannica?tanong ni Jake sa kanya

“Nice”tanging sagot niya.

Sa mga sandaling iyon, magkahalong kaba at excitement ang kanyang nararamdaman.

Pakiramdan niya nangyari na ang lahat ng iyon sa kanyang mga panaginip.Parang naulit  lang ang mga ito sa pagkakataong iyon.

Ang gaan ng kanyang pakiramdam at parang unti-unti siyang nawawala sa sariling katinuan.

“Halika maupo tayo rito”yaya ni Jake habang patuloy ito sa paglalakad patungo sa baybaying dagat at walang kiming umupo sa buhangin

Nabigla naman si Dannica sa nakita, hindi niya akalain na ang isang kagalang-galang na Jake Berdin ay basta-basta na lamang umupo sa buhangin.

 “Dannica, I have something to tell you”wika ni Jake nang magkaharap na sila at inabot nito ang kanyang kamay.

Bagay na ikinabigla niya, bagamat hindi niya tinututulan.

Nang magkalapit na ang kanilang mga kamay ay tila may isang kuryente na dumaloy sa buo niyang kaugatan ,pakiramdam na nadama niya rin noong minsang isayaw siya nito

“Jake, ano banhg ginagawa mo”?sa wakas natawag niya ito sa kanyang pangalan

“Dannica, gusto kita, at hindi lang basta gusto, kundi mahal na kita”pagtatapat ni Jake habang matiim na nakatitig sa kanyang maamong mukha

Hindi paman siya nakasagot ay agad nang kinabig ni Jake ang kanyang mukha paharap sa kanya at unti-unting inilapit ang labi nito sa kanyang mga labi hanggang sa tuluyan na itong angkinin.

At iyon na ang umpisa ng kanilang pag-iibigan.

Napakabilis ng mga pangyayari.

Pag-iibigang kanilang nilihim sa karamihan, mga patagong pagtatagpo at mga simpleng tinginan sa loob ng kanilang tanggapan.
Ngunit lahat ng lihim ay nabubunyag at iyon ang hindi nila kayang pigilan.

“binabalaan kita,Layuan mo ang asawa ko,tagalog yan para maintindihan mo”mataray na wika ni Mrs.Berdin noong minsang kinausap siya ng pribado sa loob ng kanilang opisina

“maam, hindi ko po kayo maintindihan!Ano pong ibig niyong sabihin”maang na tanong niya.

“Huwag ka nang magmaang-maangan pa, alam ko na ang tungkol sa inyong dalawa ni Jake”patuloy ang pagtataray nito

“Maam, nagkakamali po kayo sa inaakala niyo, wala po talagang namamagitan sa amin ng asawa mo”pagsisinungaling niya

“Magkano bang kailangan mo, para aminin ang kahayupang ginagawa niyo ng asawa ko?

Hindi na nagsalita pang muli si Dannica at hinila na ang kanyang mga paa palabas ng opisinang iyon.

Habang naglalakad siya pauwi sa kanilang bahay ay di naman mapigil ang sakit na nararamdaman niya.

Nanliliit siya sa kanyang sarili, pakiramdam niya napakasama niyang babae dahil pumatol siya sa isang may-asawa.

“ate,akala ko ba lalayuan mo na ang lalaking iyan”wika ni Warvi

“Warv hindi ko siya kayang iwan, mahal ko si Jake,at mahal niya ako”tugon ni Dannica

“Paano ka naman nakakasiguro na mahal ka ng lalaking yan?paglalaruan ka lang niya kasi bata ka at sariwa”singhal ni Warvi kay Dannica

“Nararamdaman kong tunay ang pagmamahal niya sa akin Warv”sagot ni Dannica

“O sige sabihin na natin na nagmamahalan kayo, pero payag ka ba na maging kabit habang buhay, na may masisirang pamilya nang dahil sayo?”untag ni Warvi

Tila naman nabuhusan ng malamig na tubig si Dannica sa narinig,bigla siyang nalumbay hanggang sa tuluyan ng umiyak

“Warv, anong gagawin ko, mahal na mahal ko na siya, siya lang ang unang lalake na minahal ko ng ganito”wika ni Dannica habang niyayakap si Warvi kasabay ng ng mga luhang nag-uunahan sa pagbagsak mula sa kanyang mga mata.

“naiintindihan kita ate, pero ayaw kong darating ang araw na pagsisihan mo ang desisyon mong yan”

Lumipas ang mga araw at nagpatuloy ang kanilang relasyon sa kabila ng mga pagtutol sa ilang mga kaibigan ni Dannica, at sa pananakot ng asawa ni Jake sa kanya, hanggang sa nalaman ito ng kanyang mga magulang

“Dannica anak, hindi kita pinalaki para magkaganyan”wika ng kanyang ina

“anak, masisira ang kinabukasan mo dahil sa lalaking iyan, kaya kung mahal mo kami huwag mo kaming bigyan ng kahihiyan,iwanan mo ang lalaking iyan”galit na wika ng ama

“sisikapin ko p o pa”mahinang wika ni Dannica

“Anong sisikapin?gawin mo!dahil kung hindi ay mapipilitan kaming itakwil ka bilang isang anak,dagdag ng ama.

“Papa huwag naman po, alam niyo namang hindi ko kayo matiis”pagsusumamo ni Dannica

“Hindi ko akalain na magkakaganyan ka! Saan ba kami nagkulan sa pagpapalaki sayo,pinalaki kanaman ng maayos, ngunit bakit pinili mong magmahal sa may-asawang tao Dannica?”naiiyak ng wika ng kanyang ina

“Ma, pa, patawarin niyo ako, maniwala po kayo, pinalaki niyo ako ng maayos at wala kayong pagkukulang, pero mama,maniwala po kayo sa akin, hindi ko ginustong maramdaman ito, patawad po”umiyak na rin si Dannica

Naging madrama ang tagpong iyon ng mag-anak

Masakit man sa kalooban ni Dannica ay tinapos niya ang relasyon nila ni Jake, hindi pumayag si Jake ngunit wala din itong nagawa.

Matapos ang graduation sa college ay hinatid mismo ng kanyang mga magulang si Dannica sa ate niya, na si Mae sa Maynila.

Ilang buwan din siyang binantayan nito para matiyak na wala na talaga silang kummunikasyon ni Jake.

Masunurin naman si Dannica, mahal na mahal niya ang kanyang mga magulang kaya pinili niyang masaktan kaysa patuloy na masasaktan ang kanyang buong pamilya dahil sa kanyang kasal-anan.

Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin, sa kanya pa rin sasaya,bulong ng puso ko, kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan, ang pagmamahal at panahon alay pa rin sa kanya.

Lagi niyang naririnig ang awiting ito sa Maynila at sa tuwing naririnig ang kanyang mga paboritong awitin ay nadadala siya at naiiyak.

“Dannica, magmove-on kana, matagal nang panahon na pinahirapan mo ang iyong sarili.Please gawin mo ito para na rin sa ikatatahimik naming lahat”minsang wika ng kanyang ate Mae ng mahuli siyang umiiyak.

“Ate ang hirap niyang kalimutan, hanggang ngayon ay parang sariwa pa rin ang lahat,at nasasaktan pa rin ako”tugon niya

“Dannica, hindi mawawala ang sakit na nararamdaman mo ngayon hanggang hindi mo binubuksan ang puso mo para sa ibang lalaki”payo ng ate niya.

“Susubukan ko po ate,susubukan ko!”sabay ng pagkawika noon ay niyakap niya ng mahigpit ang kapatid.

Mula kasi ng dumating siya sa Manila ay ginawa ni Dannica na abala ang sarili at ni minsan ay wala itong ibang lalake na pinag-ukulan ng pansin

Sinubukan niyang kalimutan ang lalaking una niyang minahal, kaya lang para itong mickrobyo na kumakapit sa kanya at kay hirap patayin.

Ganoon pa man ipinagpatuloy niya ang kanyang buhay alang-alang sa pangako niya sa kanyang mga magulang.

‘Warv,maari mo ba akong samahan sa ciudad bukas?’”

“Sure ate,ikaw pa!kaya lang wala tayong sasakyan, kasi gagamitin ni papa,pero hayaan mo itetext ko si Red baka available siya ngayon at maipagdrive tayo.”

“Aba!may driver ka pala!”

“Ate naman, alam mo naman yang si Red,mula noon, laging nasa piling ko yan!”

“Wow!hmm..baka naman,pa-iiyakin kana naman niyan”

“Naku ate,hindi na ako marunong umiyak ngayon para sa kanya.”

Sa sinabing iyon ni Warvi, muli na namang, nanumbalik sa kanyang isipan.

Hay bakit hanggang ngayon,iniiyakan ko pa rin siya?hahay “piping busa niya

Ang totoo niyan sa puso niya,naroon pa rin ang pangarap  na sa pagbabalik niyang ito, ay magkasalubong ang kanilang mga landas,pero alam niyang malabong mangyayari yon,kasi hanggang ngayon wala na siyang balita dito, at kung mayron man, ayaw niya nang malaman.

Batid niya namang, mali ang magmahal nang isang taong may-asawa.

Kaya nga masakit man sa kanya ang ginawa niyang pag-iwan kay Jake ay tiniis niya ito dahil iyon ang isang bagay na dapat niyang pasalamatan.

Dahil maaga pa lamang ay naituwid nila ang isang pagkakamali na habang buhay, na maglalagay sa kanila sa  kasal-anan.

Pero aminado siya sa sarili niya, na kung hindi niya iniisip ang kanyang pamilya, ay siya sa sarili niya ay hinding-hindi niya gugustuhin na maghihiwalay sila.

Pipiliin niyang malugmok sa isang kasal-anan, kaysa mawala siya sa piling nang taong labis niyang minahal.

Kaya lang ang sakit na dulot nang nakaraan ay hanggang ngayon ay damang-dama niya pa rin.

Sa loob nang sampung taon,napatunayan niya na hindi nga puppy love ang nararamdaman niya para sa lalake, ngunit tunay ngang pag-ibig.

 

CHAPTER SEVEN

Sa Maynila,marami ang nanliligaw sa kanya,mga disenting lalaki na alam niyang maari siyang mahalin nang buong-buo,binata at mayayaman.

Pero ni isa man sa mga manliligaw niya ay wala siyang napupusuan.

Kahit sabihin pang sila ang nagmamay-ari sa kayamanan ng mundo, hindi niya pa rin kayang ibigin ang mga ito

Kahit kailan naman, hindi naghahangad si Dannica nang taong mayaman,at ni minsan hindi niya naging basehan ang pera para magmahal.

Kung nagkataon man noong mayaman si Jake,batid niya sa sarili, na minahal niya si Jake, hindi dahil sa pera nito.

“Ate Dannica, bilisan mo nang konti, sinusundo na tayo ni Red!”

“Sige bababa na ako”tugon ni Dannica

Nasa harapan nang salamin si Dannica, sa loob ng kwarto niya.

Tapos na siyang magbihis,sa suot niyang jeans at isang blouse na kulay puti kung saan medyo nakikita ng konti ang clevage, simpleng-simple pa rin siya gaya nang dati, kahit pa nga ba, isa na rin siyang negosyante ngayon.

Sa paglalagay naman nang make-up sa mukha, ay wala pa ring pinagbago sa dati.

Isang light blush,on, konting pulbos, at light lipstick lang talaga ang nilalagay niya.

Ganoon pa man lumulutang pa rin ang kanyang angking kagandahan.

Ang kasimplehan niya ay bagay na hinangaan noon ni Jake nang husto.

“Tita Dan, ikaw na ba yan?”

Nagulat naman si Dannica sa lalaking tumawag sa kanya na tita.

“Red,ikaw naba yan?abay ang tangkad mo na pala!”

“Oops!tita may nakalimutan kang sabihin”

“Anong nakalimutan?”

“Nakalimutan mong sabihin, na mas gwapo na ako ngayon”kasabay ng pagwika noon ang isang pilyong ngiti.

“Haha,! ikaw talaga, hanggang ngayon,wala ka pa ring pinagbago”

Habang nasa loob sila nang Mitsubishi adventure na  minamaneho ni Red,hindi sila maawat sa pagkukwentuhan.

“Tita,bakit ang tagal mong nagbalik?”

“Alam mo naman red, marami akong inaasikaso sa Maynila, kaya nga lang ako umuwi sa Cebu, kasi magtatayo ako ng isang branch dito.”

“Naku ate, cannot be reach kana talaga,parang cellphone!”

“Haha,yan ang gusto ko sayo red eh,You can always make me happy!Kaya nga mahal na mahal ka nang pamangkin ko”

“Eh ate, mahal na mahal ko rin naman yang pamangkin mo”wika naman ni Red na muli na namang humalakhak

Dahil magtatanghalian na,naisipan nilang dumaan na muna sa Ayala, para mananghalian.

Ang Ayala ay isa sa mga sikat na mall sa Cebu.

Habang pababa sila sa basement ng Ayala, muli na namang may naalala si Dannica.

Dati kasi, palagi silang nananghalian sa Ayala ni Jake, at dahil nga may sasakyan si Jake,ang basement ang unang destinasyon nila para magpark.

Habang nasa foodcourt sila,at kumakain,may isang babaeng panay ang titig sa kanya.

At namumukhaan din naman ni Dannica ang babaeng ito, kaya nga umiiwas siya ng tingin.

Pero mula sa isang sulok nang foodcourt,ay unti-unting naglalakad ang babae,patungo sa kanilang kinaroroonan.

Warv,mag-C-Cr lang ako,at tumayo na siya, naglakad papunta sa comfort room.

Hindi niya namalayan na sinundan pala siya ng babaeng iniwasan niya.

“Miss Excuse me,puwede ka bang makausap?”

Nang lumingon siya sa nagsasalita, labis ang kanyang pagkagulat at halos masira na ang dibdib niya sa kabang nararamdaman,dahil ang babaeng gustong makipag-usap sa kanya, ay walang iba, kundi ang asawa  nang lalakeng minahal niya.

Ang asawa ni Jake na si Marina Berdin.

Wala a siyang magawa kundi ang huminto sa kanyang paglalakad at hinarap ang babae

“Ano ho bang kailangan mo sa akin?”

“Dannica, do you still remember me?”

“Yes, I do,pero puwede ho ba, kung tungkol kay Jake to, please wag na, kasi matagal ko ng kinalimutan yon, matagal ko nang binaon sa limot ang mga bagay na iyon ,kaya please let me go,”

Akmang aalis na si Dannica, ngunit pinigilan siya ng babae

“Please Dannica,lean me your ear,even for a while”

Tila naman, may isang bahagi sa utak ni Dannica, ang gustong sumang-ayon sa nais ng babae,kaya naupo sila sa isang coffee shop sa loob ng mall.

“Maam,what do you want to tell me?”

Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ng babae bago tuluyang nagsalita.

“First of all,Dannica, humihingi ako ng tawad sa inyo ni Jake, sa mga nasabi kong masakit sa iyo noon at kung naging dahilan kami ng aking mga anak sa paghihiwalay niyong dalawa”

Tila naman, nagulat si Dannica sa narinig mula sa babaeng kaharap,at naguguluhan siya sa sinasabi nito.

“Maam, I don’t get you,What are you trying to tell?”

“Yes,alam kong mahirap intindihin itong sasabihin ko sayo”

“Maam, wag na po kayong magpaligoy-ligoy pa, just tell me”

“Isang malaking pangyayari ang bumago sa buhay ni Russel nang mamatay ang kambal niya”pagsisimula ng kausap

 Russel?Kambal?

Sa narinig na pangalan ni Dannica,tila naman hindi siya makapaniwala,parang gusto na niyang sumabog,dahil ang Russel na sinasabi ng babae ay natitiyak niyang iyon ay walang iba, kundi ang lalake sa panaginip niya

“Yes Dannica,Russel ang tunay na pangalan sa Jake na nakilala at minahal mo. identical twins siya ni Jake,na siyang asawa ko.

Kitang-kita sa anyo ni Dannica ang pagkabigla,pagtataka, mga sari-saring reaksyon ang rumihistro sa kanyang mukha sa mga sandaling iyon.

“Yes Dannica, ang kambal ni Russel ang tunay kong asawa”

“Papaano nangyari yon? Alam mo bang may kambal ang asawa mo?”

“Yes I know,pero ni minsan hindi ko pa nakikita,kasi sa Amerika lumaki si Russel,Kapapanganak ko lang noon sa bunso namin ni Jake nang magpaalam siya sa akin,na pupunta sa Amerika,para dalawin ang kambal niya at pumayag naman ako.Ang hindi ko alam ang pagpunta niya pa lang iyon ang maging daan para tuluyan siyang mawala sa amin nang mga anak niya.”

Sa puntong iyon, tila naman,ramdam na ramdam ni Dannica ang pait  na nararamdaman ng kausap

“Maam,bakit nasabi mong iyon ang daan para mawala siya sa inyo?”

“Its because my husband Jake,died in a Car accident when he was in Amerika.”

Tila hindi makapaniwala si Dannica sa narinig mula sa babae,parang may isang bahagi ng puso niya ang unti-unting nagdurogo.

“At ang pangyayaring yon Dannica ay lingid sa kaalaman ko, at sa buong pamilya,tanging si Russel lang ang nakakaalam ng lahat.”

“Ipinagtapat ba ni Russel sayo ang lahat na pangyayari?”

“Hindi Dannica”

“Bakit anong dahilan niya para ilihim sayo ang lahat,asawa ka ng namatay,! you have all the rights to know!”

 “Yes I have!,but he have all the reasons to hide it!”

“Anong dahilan niya?”

“Bago,namatay si Jake,hiniling niya kay Russel na ilihim ang lahat na pangyayayari,at hindi lamang yan Dannica,because my Husband asked Russel to replaced  his place,as my husband and to be the father of our children.”

Halos hindi makapaniwla si Dannica sa narinig,nahahabag siya sa sinapit ng kausap

Dalawang buwan, bago bumalik si Russel sa Pilipinas,at sa pagbabalik niyang iyon hindi bilang Russel kundi ang Jake na asawa ko ngunit marami akong pagbabagong napansin sa kanya, mga pagbabagong labis ikinasama nang aking loob,pero pinilit kong tanggapin lahat nang iyon at inintindi ko na lamang siya.”

“Ano bang pagbabago ang mga napansin mo maam?”

Marami Dannica, kagaya na lamang halimbawa ng pagbubukod niya na ng kwarto,ang tila kawalan niya nang amor sa akin.But inspite of that,I’m just thankful that He treated my children nicely.At dahil nga sa pagbabagong pinakita niya labis akong nasaktan dahil iniisip kong  may babae siya.Hanggang nalaman ko ang tungkol sa relasyon niyong dalawa,Inaamin ko Dannica, noong nalaman ko iyon,akala ko mamamatay ako sa sobrang sakit at doon ko na sinasabi sa kanya lahat ng sama nang loob ko sa kanya, lahat nang hinanakit ko.”

Sa puntong iyon, hindi na mapigilan ni Mrs.Berdin ang pag-iyak at maging si Dannica

“Pinapili ko siya,kung sino bang pipiliin niya,ikaw o kami na pamilya niya.”pagpapatuloy ni Mrs.Berdin

“At kayo ang pinili niya maam,dahil iniwan ko siya iniwan ko siya kahit durog na durog ang puso ko. Marahil iniisip mo noon at nang lahat ng tao na nakakaalam sa relasyon namin na pera lang ang habol ko sa kanya.But God knows how much I love Russel,He is my first love,ginawa ko siyang sentro nang buhay ko kahit alam kong may asawa siya, sumugal ako,dahil mahal na mahal ko siya, wala akong pakialam noon sa sasabihin nang mga tao.

Si Mrs.Berdin naman ang awang-awa kay Dannica, niyakap niya ito

“Dannica,Im so sorry!”

“Wala po kayong kasal-anan maam,dahil parehas lang tayong biktima ng mga pangyayari!”

“Alam mo Dannica, noong tinapos mo ang relasyon niyong dalawa, hindi lang ikaw ang nasaktan,dahil ramdam na ramdam ko, noong nawala ka sa kanya,para ko na rin siyang tinangglan nang karapatang mabuhay.Nawalan siya ng gana sa lahat ng bagay,kaya nagdesisyon akong palayain siya,kaysa makita ko siyang ganoon.Pero bago paman nangyari yon, kinausap niya ako at ipinagtapat sa akin ang lahat, ang buong pangyayari.At ng malaman ko nagalit ako sa kanya,pero di nagtagal naiintindihan ko kung bakit niya nagawa yon at napatawad siya.Naging maayos ang relasyon namin, hindi bilang mag-asawa kundi bilang magkapatid.Nagdamdam din ang mga anak ko noong una, ngunit di nagtagal, gaya ko, naghilom din ang sugat nang bawat isa sa amin.”

Nakaramdam si Dannica nang labis na pagkahabag sa kausap.

Pero hindi niya maikaila sa sarili niya na may isang bahagi ng puso niya ang nagdiriwang.

At Labis ang paghanga ni Dannica kay Russel dahil isinakrapisyo nito ang sariling kaligayahan nang dahil sa pangakong bintiwan sa yumaong kapatid.

Matapos ang usapan,nagkamayan ang dalawang babae, bilang tanda ng kanilang pagka-kaibigan at pagkakaunawaan.

Bago umalis ang babae,may inabot itong maliit na papel kay Dannica,at nang tignan niya ito,address nang isang lugar ang nakasulat doon

“Puntahan mo siya Dannica,para matapos na ang paghihirap nang inyong mga kalooban,I know how much you love each other.”

“Maraming salamat maam”masayang wika ni Dannica

Muling nagyakapan ang dalawang babae,bago tuluyang naghiwalay

Matapos ang makabagbag damdaming usapan, agad na binalikan ni Dannica ang mga kasama sa foodcourt.

Nagulat naman sina Red at Warvi, kung bakit namamaga ang mata ni Dannica.

“Ate,anong nangyari sayo?Sinong nagpaiyak saiyo?”

“Red,Warv,mamaya niyo na ako kausapin,Mauna na ako sa inyo at may mahalagang bagay lang akong aa-sikasuhin.”

Tila naman,nauunawaan na nang dalawa kung anong nangyayari kay Dannica, noong tumalikod na si Dannica para umalis,tinawag ito ni Red.

CHAPTER SEVEN

”Tita dan,You can use may car,here’s the key!”,at inihagis ni Red ang susi ng kanyang  sasakyan

“Thanks red”

Dali-daling nagpunta si Dannica sa basement ng Ayala para kunin ang sasakyan.

 At nang makarating agad itong pinaandar,pagkatapos magbayad nang parking fee, tuloy tuloy na ang pagpatakbo ni Dannica sa sasakyan papunta sa Danao.

Nakalagay doon sa papel na binigay ni Mrs.Berdin  na sa Danao matatagpuan si Russel.

At kabisado ni Dannica ang lugar na iyon, dahil ilang beses na rin silang nakapunta doon.

Matulin niyang pinatakbo ang sasakyan.At ibang saya ang nararamdaman niya.

Excited siyang muling makita ang lalaking sa loob nang mahabang panahon niyang pinanabikan.

Di nagtagal narating niya na ang Danao,at tanaw na tanaw niya na ang resthouse na kinaroroonan ni Russel.

Nasa bukana lang naman kasi nang Danao ito, isang oras lang ang tinakbo niya, dahil wala namang trapik.

Nang makarating siya sa mismong lugar,ipinarada niya ang sasakyan niya sa labas nang resthouse.

Pagkatapos ay bumaba siya ng sasakyan, at dahil hindi nakasarado ang gate papuntang resthouse, tuloy tuloy na siya sa pagpasok.

Tahimik ang buong paligid sa pagdating niya.

“Wala pa ring ipinagbago ang lugar na ito,kagaya pa rin ito nang dati,at wala pa ring pinagbago sa nararamdaman ko tuwing nandito ako”bulong niya sa sarili

Maganda ang lugar na iyon,tahimik at maaliwalas.

Mula sa kinaroroonan ay tanaw na tanaw niya ang dagat.

Tumigin -tingin siya sa paligid ngunit hindi niya nakita si Russel.

Kaya ipinasya niya na munang umupo doon sa may swing,hanggang di niya namalayang nakatulog na pala siya.

Isang masuyong halik ang gumising sa kanya, at nang imulat niya ang kanyang mga mata.

Nasa loob na pala siya nang resthouse at nakahiga na siya sa ibabaw ng kama,

At nang tignan niya kung sino ang lalaking humalik sa kanya.

Yon ay walang iba, kundi si Russel

Agad siyang bumangon at agad din namang lumapit si Russel sa kanya, at sa isang iglap lang walang atubaling yumakap ito sa kanya.

Yakap namay pananabik

“O Dannica,I miss you so much,!Im so sorry”

“Psst..wag na nating pag-usapan yan”

At sa mga sandaling yon, tila may apoy na biglang sumindi.

 Ang mga labi nilay muling naglapat at para itong kuryente na kay bilis kuumalat  at nanalaytay sa kanilang buong kamalayan.

At hanngang muli na na namang napag-isa ang kanilang katawan, at tuluyan na ngang nakarating sa paraisong kay tagal pinanabikan.   

At nang mahimasmasan,hindi mapigilan ni Dannica ang mapaiyak

”Love,why are you crying?Please wag kanang umiyak!”

“Kasi hindi ako makapaniwalang nayayakap kita uli ngayon,na akin kana muli”

Dannica,sayong-sayo lamang ako, mula noon hanggang sa kailanman.Mahal na mahal kita at hindi ako makakapayag na muli tayong magkakahiwalay”

 

“Oo love, hindi ko na hahayaan na muling magkalayo ang ating mga landas,siguro kung nakinig lang ako sa paliwanag mo noon ay hindi ito nangyari sa atin”

“Dannica,hayaan na nating ang mga pangyayaring iyon nang nakaraan ay mananatili na lamang doon.ganun paman dapat tayong magpasalamat dahil sa nakaraang iyon,marami tayong natutunan at natuklasan.At mayroon man akong dapat pasalamatan sa Diyos,yon ay walang iba kundi dahil nakilala kita nang personal.”mahabang wika ni Russel

“Anong ibig mong sabihin na nakilala mo ako nang personal?”

Tumawa si Russel”never mind love,it’s just part of my wildest dream!”

“Dream?”untag ni Dannica

“Yes a Dream,panaginip”muli nitong sambit”

“Yes alam ko,pero papano mo nasasabi na part ako nang wildest dream mo?”pangungulit ni Dannicaihin

“kung sasabihin ko ba sayo ang lahat-lahat maniniwala ka kaya sa akin?”makahulugang tanong sa kanya ni Russel

“Oo naman bakit hindi, so please tell, anong dream ang sinasabi mo?muling usisa ni Dannica

“Labing walong taong gulang pa lang ako noon Dannica,pag-sisimula ni Russel nang managinip ako ng isang babae.Babaeng di ko pa kalian man nakikita.

Noong una binaliwala ko lang ang panaginip na iyon.ngunit ang ipinagtataka ko paulit-ulit kong napapanaginipan ang babaeng ni pangalan niya ay hindi ko kilala.

Sa aking mga panaginip nararamdaman kong para itong makatotohanan naguluhan ako at sumangguni ako sa isang kaibigan, ngunit pinagtatawanan lang nila ako, lalo pa at mga banyaga ang halos karamihan sa mga kaibigan ko doon.

Hirap na hirap na ako, because I fell in love with that girl but I don’t even know if she really exist, because a dream will always be a dream.

Hanggang sa dumating si Jake sa Amerika, ang aking yumaong kambal.Sinabi ko sa kanya ang lahat na aking mga panaginip.Sinabi niya rin sa akin na possibling may ibig itong sabihin, ipagdasal ko lamang daw ito sa Maykapal at tiyak na gagabayan niya ako.

But sad to say, nawala nga sa akin si Jake dahil sa isang aksidente.kaya noong nagkunwari akong siya at pumunta sa Pilipinas ay naramdaman kong malapit ko ng Makita ang babae sa aking panaginip lalo na noong nakita ko ang resthouse ni Jake sa Danao na katulad na katulad sa aking panaginip.

At dumating nga ang araw na iyon Dannica, noong may nag-apply ka sa aming kompanya.Unang kita ko pa lang sa babaeng iyon ay gusto ko na siyang yakapin, sikilin ng aking mga yakap.

Ngunit dahil nga nasa katauhan ako ng aking kapatid ay hindi ko iyon nagawa.

Sinikap kong labanan ang aking nararamdaman dahil sa pangako ko kay Jake.

Ngunit habang nakikita ko ang babaeng iyon ay mas lalong sumidhi ang aking pagnanais na makasama siya and that girl is no other but the woman beside me now and that is you Dannica”

Hidi makapaniwala si Dannica sa sinabi ni Russel,Mahigpit niyang niyakap ang lalaki

“I knew it,I realy knew it,!”paulit-ulit na sambit ni Dannica

“What do you mean love?”takang tanong ni Russel

“Its because hindi ka lang pala sa panaginip puwede maging akin, but in reality”

Si Russel naman ang naguguluhan sa mga sinasabi ni Dannica

“What do you mean by that?”

“Alam mo kasi,bata pa lamang ako,napapanaginip na rin kita.Mula noon sinabi ko sa sarili ko,na sana nga totoo ka,Dahil ikaw lamang ang lalaking nais kong makasama habang buhay.”

“Isa lang ang ibig sabihin noon na ikaw at ako lamang talaga ang nakatakda para sa isat-isa”pagmamalaking wika ni Russel

“Pero bakit,hindi mo ipinagtapat sa akin ang lahat, ang buong katotohanan?”

“Ilang beses kong sinubukang sabihin sayo ang lahat ngunit natatakot ako na baka hindi ka maniwla.At naawa ako sa asawa at mga anak ni Jake.”wika ni Russel

“ganyan din ang nararamdaman ko natakot ako nab aka pagtawanan mo lang ako noon, kaya minabuti ko nalang ilihim ang lahat”tugon nki Dannica

“Pero alam mo ba, noong nakipaghiwalay ka akin, gusto ko ng ipagtapat sayo ang lahat,pero hindi mo na ako hinyang magpaliwanag”sagot naman ni Russel

“Masyado na akong naguguluhan noon love,I’m sorry”wika ni Dannica

“ Love,it doesn’t matter,pero kailangan na nating umuwi sa atin and lets preapare”

“Preapare for what?”si Dannica naman ang nagtaka

“For our wedding of course!”

Sa narinig tila idinuyan sa langit si Dannica

“O Russel hindi ako makapaniwala sa lahat nang ito”at muling yumakap sa kasintahan

“You must Dannica,!”

Kasabay noon, binuhat na ni Russel si                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                          Dannica palabas nang resthouse at isinakay sa sasakyan niya. Ngunit umapila si Dannica”

“Love I brought my own car,hindi ko puwedeng iwan yan kasi ipinahiram lang sa akin ni Red yan.”

“Okey,no problem!

CHAPTER NINE

Si Russel na ang nagmamaneho ng sasakyan pabalik ng Cebu.Masaya silang nagku-kwentuhan

“Ngayon love di na natin kailangan magtago pa, tuwing magkasama tayo,we can show and tell to the whole world na nagmamahalan tayong dalawa”masayang wika ni Dannica

“Love, Im  so sorry for those times,alam kong nasaktan kita nang husto noon,alam ng Diyos na hindi ko gustong saktan ka, ngunit naipangako ko kay Jake na ..”

“Pssh…putol ni Dannica

Russel,diba ikaw nang nagsabi na kalimutan na natin lahat ng masasakit na nakaraan!”saway ni Dannica

“Kung mayroon man tayong dapat alalahanin,yon yung mga sandaling masaya tayo,mga panahong naramdaman natin na tanging ikaw at ako lamang ang nasa paligid!dugtong ni Dannica

Habang nagmamaneho si Russel, panay naman ang holding hands nila,at muli, nanumbalik sa kanila ang masasayng alaala ng nakaraan.

Ala-alang kailanman hindi nila puwedeng makalimutan.

“Ako na ang pinakamasayang nilalang sa mundong ito, ngayong magkasama na uli tayo”

“Ako din Dannica,masayang -masaya ako, sayang nararamdaman ko lamang, pag ikaw ang kasama ko noon paman kahit sa panaginip ko lang ganito na talaga ako kasaya”

Mahigit isang oras ang biyahe nila papunta sa bahay nila Warvi at nang makarating sila doon agad silang sinalubong nina Vicky at Warvi, nandoon din si Red at ang papa ni Warvi.

Bakas sa mga mukha nito ang kasiyahan na nakita silang magkasama.

Ngunit hindi na nila ikinagulat pa nang makita sila sa ganoong sitwasyon.

“Kumusta po,!” Si Russel ang unang bumati sa lahat

“Mabuti naman kami at masaya kaming makita kayong dalawa” saad ni Vicky

“Pare kumusta na?Matagal kang hindi napasyal rito ah”

Nagulat naman si Dannica sa narinig niya mula sa papa ni Warvi

“Kuya magkakilala  kayo ni Russel?”

Tumawa ng malakas ang papa ni Warvi noong marinig ang tanong ni Dannica

“Kuya naman,ayan ka na naman,pinagkakaisahan niyo ata ako eh”wika ni Dannica habang kinakamot ang ulo

“Ate Dan,matagal nang magkakaklala sina papa at kuya Russel”sambit ni Warvi

“Binalingan ni Dannica si Russel”Totoo ba yan Russ?”tanong ni Dannica

“Totoo Dannica”pag-sang-ayon nito

“Sa papanong paraan?”

“Dannica, hindi iyan ang dapat nating pag-usapan ngayon,

Nandito ako para hingin ang kamay mo sa ate Vicky mo”

“Malalaki na kayo pareho,marami na kayong luhang iniluha dahil diyan sa pag-iibigan niyo, kaya wag na kayong magpatumpik-tumpik pa”

Tama!sang-ayon naman ng papa ni Warvi

“Tita,tito may sasabihin rin sana ako sa inyo eh,sabat naman ni Red”

“Ano yon Red?”

“Total naman po,nasa tamang edad na rin kami ni Warvi at pareho na p o kaming may trabaho, nais na rin ho sana naming lumagay sa tahimik.”

Tila ang mag-asawa naman ang nagulat sa narinig mula kay Red

“Naku,mga bata pa kayo,hindi pa puwede!”

“Papa,ayaw mo bang makakita ng apo mo?”

“Gusto!”

“O yon naman pala!kaya payag kanang mgpakasal kami ni Red”

“Oo nga naman kuya,double wedding nalang para mas masaya, diba nga? “the more the merrier”wika pa ni Dannica.

Nagtawanan ang buong pamilya

Masayang pinagsaluhan nang mag-anak ang ihinihandang pagkain.

Pagkatapos maghapunan ay nagpaalam  na sina Red at Russel

“Love,iwanan na muna kita dito pansamantala ha, bukas,babalikan kita,at  pupunta tayo sa Leyte para magpaalam sa mga magulang mo.”

 Isang masuyong halik ang iniwan ni Russel kay Dannica bago ito tuluyang umalis

“Wow!naman nakakaingit naman kayo,Papaano naman yong  sa atin Babe?”

“Suntok red,gusto mo?”

“Ang baby ko talaga, di nagbago!”,kinurot ni Red sa tagiliran si Warvi at umalis na rin patungo sa kanilang bahay.

Pagkatapos makaalis ng dalawa muling tinanong ni Dannica, bakit sila magkakakilala na ni Russel

“Talagang magkakilala na si Kuya Russel at si papa ate noon pa”

Bakit nga  warv?

“Paanong hindi,mula noong umalis ka, di na ako tinigilan ni kuya Russel, parati siyang pumupunta sa school namin, at tinatanong sa akin kung saan kana raw,pero iniwasan ko siya kasi nga ayaw ko na na magulo ang tahimik mong  buhay at dahil sa pag-iwas ko siya na talaga mismo ang pumunta dito sa bahay at maging sa mga magulang mo sa Leyte sa pagbabakasaling nandoon ka.”mahabang paliwanag ni Warvi

“Paano iyon, sinabi niya ba ang tungkol sa tunay niyang pagkatao”usisa ni Warvi

OO ate, noong una ayaw naming maniwala at ipinagtabuyan naming siya ngunit laking gulat namin noong minsan may babae na pumunta rito at yon pala ang asawa ng tunay ni Jake at siya na mismo ang nagpaliwanag sa amin sa lahat ng mga pangyayari.

Hindi naman akalain ni Dannica na kay dami na rin palang ginawa ni Russel para lang muli siyang matagpuan.

CHAPTER TEN

Nagsimula nang tumugtog ang piyanista kaya pumailanlang na ang wedding march sa simbahan kung saan magaganap ang engrandeng kasal sa pagitan nina Dannica at Russel gayundin kina Warvi at Red.

Masayang-masaya naman ang lahat habang nakikita silang apat na nagmamartsa sa harapan ng Sto.Nino church sa Cebu City.

Isa sa pinakamalaki at pinakasikat na simbahan sa Cebu.

Puno ng mga magagandang bulaklak ang simbahang iyon, napakaganda ng dekorasyon sa altar, halatang pinaghandaan talaga ng husto.

Suot ng dalawang bride ang kulay puting off shoulderd long gown habang maluwang ang ngiting tumitingin sa lahat ng mga taong sumaksi sa kanilang kasalan.

Naroon din ang biyuda ni Jake na si Marina at ang dalawa nitong anak na sina keven at revin.

Maging ang kanyang ate Mae at mga magulang niya ay Masaya ring sinaksikan ang araw na iyon.

“Ito na ang pinakaligayang araw sa buhay ko, ang makasama sa habang buhay ang lalaking pinapangarap ko, ang lalaking inakala kong sa panaginip ko lang pwedeng maangkin.”bulong ng isip ni Dannica habang patuloy sa paglalakad patungo sa altar.

Masayang-masaya din si Russel sa araw na iyon, hindi niya akalain na dahil sa kanyang pagpapanggap bilang Jake ay makilala niya ang babaeng matagal ng gumugulo sa kanyang puso at isipan.

Si Warvi at Red naman ay masayang -masaya sa araw na iyon.

Hindi akalain ng dalawa na sa kasalan din hahantong ang kanilang pag-iibigan na nagsimula pa noong silay nasa high school.

Tandang-tanda pa nila na para pa silang aso at pusa noon pero heto sa kasalan din pala ang kanilang bagsak.

Pagkatapos ng kasal ay dumiritso na ang lahat sa Danao sa rest house mismo ng mga Berdin kung saan

 gaganapin ang reception, malayo ito sa ciudad ngunit ito ang pinili nila dahil ang lugar na ito ay may mahalagang papel sa buhay nila.

Pagkatapos makakain ay nagsimula na ang program sa naturang kasal kung saan isinayaw ng mga groom ang bride.

“Itong awiting ito
Ay alay sayo
Sintunado man to
Mga pangako ko sayo
Ang gusto ko lamang
Makasama kang tumanda
Patatawanin kita
Pag hindi ka masaya
Bubuhatin kita
Pag nirarayuma ka na
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda

Ibibili ng balot
Pag mahina na tuhod
Ikukuha ng gamot
Pag sumakit ang likod
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda”

Bakas sa mukha ng mga ikinakasal ang saya habang sinasayaw ang saliw sa naturang awitin.

“Nais kong samantalahin ang pagkakataong ito, para sabihin sa lahat ng taong narito kung gaano ko kamahal si Dannica na masaya ako dahil sa wakas na kasama ko ang babaeng tanging sa panaginip ko lamang nakasama noon, at hindi nasayang ang sampung taon naming paghihintay sa sandaling ito dahil napatunayan namin kung gaano namin  kamahal ang isat-isa.”

Pagkatapos magsalita ay masuyong hinalikan ang asawa.

“more!more kantiyaw naman ng mga taong sumaksi sa espesyal na araw na iyon.

Si Dannica naman ang nagbigay ng mensahe

“Nagpapasalamat ako unang-una sa Poong Maykapal dahil ipinagkaloob niya sa akin ang lalaking nagbigay at nagturo sa akin sa tunay na kahulugan ng salitang “Pag-ibig”pangalawa nais kong magpasalamat sa lahat ng taong nagmamahal sa akin sa aking pamilya gayundin kina ate Vicky at warvi.

Sa inyong lahat maraming-maraming salamat.At sayo Russel, pangakong habang buhay kitang iibigin”

Nagpalakpakan naman ang lahat matapos marinig ang mga makabagbag damdaming mensahe ng bawat isa.

Nagbigay din ng kanya-kanyang mensahe sina Red at Warvi maging ang kani-kanilang magulang.

Napuno ng tawanan at halakhakan ang lugar na iyon at lahat ng tao ay pawing may mga ngiti sa kanilang mga labi sa nasaksihan.

Pagkatapos ng kasal ay nagpa-iwan sina Dannica at Russel sa kanilang rest house habang ang mga bisita maging sina Warvi at Red ay umuwi na.

Sina Warvi ay agad itong bibiyahe patungong Palawan para sa kanilang honeymoon samatalang sila ay doon na mag hohoneymoon.

 

Sa loob ng kwarto sa rest house ay panay ang tawanan ng dalawa.

Matapos inumin ang wine  ay binuhat na ni Russel si Dannica patungo sa kama.Sumilay ang pilyong ngiti nito nang isa-isang hinubad ang saplot ng asawa.

Pagkatapos matanggal ang lahat ng saplot ay hinubad naman niya ang sariling mga damit.

Masuyong hinalikan ang asawa, noong una ay dahan-dahan ang mga halik nito ngunit di nagtagal ay nagging mapusok na.

“Dahan-dahan “ungol ni Dannica nang maramdaman ang ginagawa ng asawa.

“Yes love,don’t worry, “bulong ni Russel

Hanggang sa tuluyan na nitong ipinasok ang kanyang pagkalalaki.

Bagay na nagbigay kay Dannica ng labis na kasiyahan.
Kapwa sila pagod matapos marating ang rurok ng langit.

“Natagpuan mo na siya Dannica, Masaya ako para sayo at umaasa na mamahalin at aalagaan niyo ang isat-isa”muli na namang narinig ni Dannica ang isang malamyos na boses sa kanyang panaginip

“Love gising,gising”wika ni Russel habang niyuyog si Dannica upang magising.

Ikinuwento niya kay Russel ang kanyang napanaginipan, napagtanto niya na ang boses na lagi niyang naririnig sa kanyang mga panaginip ay walang iba kundi ang Poong Maykapal na siyang pinaniniwalaan niya na gumabay sa kanya mula noon.

Napaiyak siya sa napagtanto.

“Ang swerte ko love dahil mahal na mahal ako ng Diyos, alam ko, ikaw ang tinadhana niya para sa akin”

Pssh..tama na yan, at muli nitong inangkin ang kanyang mga labi.

Muli nilang pinag-isa ang kanilang katawan,na ngayon ay mas lalo pang naglalagablab.

                WAKAS

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!