Retired at Fifty – Passive Businesses

Matagal tagal na ring di ako tumipa mula noong ako ay magpasyang umuwi na sa Pilipinas mag-aapat na taon na lumipas. Umuwi ako bago matapos ang taong 2013 matapos magpasya na magresign sa aking trabaho na sya na ring hudyat ng pagtatapos ng aking propesyon bilang isang OFW for about 22 years.

Marami rami ring ang nanghinayang ng ako ay magdesisyon na umuwi sa edad na singkwenta; unang una dahil hindi pa retireable ang aking edad. Pangalawa sa panghihinayang sa aking sinisweldo sa isang Telecom Company. Marami ang nagsasabi na marahil e malaki laki  na rin ang aking naipon kaya can afford na umuwi ng Pilipinas. Meron ding nagsabi na babalik din ako sigurado pagkatapos ng ilang taon dahil ubos na ang naipon and kailangang kumayod ulit kagaya ng mga kasamahang umuwi na din at di nasustain ang buhay sa Pinas kaya napilitang bumalik dahil walang wala na ulit. Ipinagkibit balikat ko na lang ang mga ganitong mga pasaring dahil matagal tagal ko na rin namang pinagplanuhan ang pag-uwi bilang pangako ko sa aking butihing maybahay.

Ipinangako ko sa aking kumpare noong bago ako umuwi na isusulat ko ang aking pagreretire ngunit dahil sa napakaraming aktibidades e now ko lang naisipan na sumulat ulit sa Definitely Filipino.

Sa aking Kumpare at sa lahat ng mga OFW sa buong mundo, nawa e kapulutan nyo ng aral ang aking salaysay hinggil sa aking paglisan sa larangan ng pag-aabroad.

Karamihan sa mga nag-aabroad ang di makauwi kaagad sa unang dahilan na wala pang sapat na naipon. Iniisip din kasi na mahihirapan na ding kumuha ng trabaho sa ating bansa kapag kinapos na dahil sa either may edad na rin o naliliitan na sa ipapasuweldo dito dahil nasanay na sa sweldong sinasahod sa abroad.

Kung hindi nakakaipon, ano ba ang mga dahilan kung bakit nangyayari ito. Maaring dahil sa mga sumusunod:

  • Maliit kasi ang sweldo and sapat lang sa pang-araw araw na gastusin
  • May mga pinag-aaral na mga anak o kapatid  o kamag-anak
  • Maliban sa sariling pamilya, tumutulong sa mga magulang, kapatid o mga kamag-anakan
  • Naghuhulog ng mga kinuhang bahay at lupa o sasakyan

O maaari din namang dahil sa mga sumusunod:

  • Madalas na bumili ng mga branded na damit o gamit
  • Nauubos ang pera sa sugal o pagtaya sa lottery
  • Mahilig kumain sa mga mamahaling restaurant
  • Mahilig magtour sa ibang bansa parang jetsetter ba
  • May extra curricular activities gaya ng pagbisita sa mga ospital para dalawin ang mga nurses doon at later on e maging habibi na rin
  • At marami pang iba na ang kadahilanan e to pamper yourself dahil ikaw naman ang nag-aabroad.

Kung ang mentalidad natin e sa pangalawang set of reasons e palagay ko e habang buhay ka nang mag-aabroad dahil walang katapusan ang  iyong pangangailangan at hindi ka na makakaipon kundi puro sapat lang at panggastos lang.

Kung sa unang set of reason naman e mukhang mahihirapang ring makaipon at pihadong hindi ka rin makakauwi.

Sa tinatakbo ng aking salaysay, iisa ang aking tinutumbok para makauwi ka agad. Kailangang mag-ipon. Ipon. Ipon at Ipon pa rin.

Hindi nama kalakihan ang aking sweldo noong magsimula ako bilang OFW. Sabi nga lagi e sapat lang. Ganoon pa man, nagawa kong magbukas ng libreta de bangko noon sa PNB na kung saan di ko sya pwedeng withdrahin doon kundi sa pag-uwi ko lang sa Pilipinas. Ibig sabihin hulog ka lang ng hulog walang withdraw. Kaya for sure intact ang ipon mo. Naging dahilan ko nga rin ito kapag me nanghihiram sa ko akin na wala akong maipahiram dahil sinasabi ko na nasa bangko sa pinas ang pera ko. Maliit man ang ipon noon pero at least me ipon pa rin di ba?

Pag-uwi ko noon sa Pinas para magbakasyon, humahanap ako ng lupang bibilhin sa mga sikat na realties para doon mapunta ang aking mga naipon. Sikat na realties kagaya ng Sta Lucia dahil mabilis ang pagtaas ng presyo ng lupa doon at mabilis ding mabenta kaagad dahil hindi ka naman kukuha ng lupa sa malalayo. Medyo malaki rin syempre ang presyo pero sige lang for the sake of investment naman. Nakabili rin ako ng ilan noon.

Habang tumatagal ako sa abroad, nabigyan ako ng opportunities na makalipat sa ibang kumpanya na nagtiwala sa aking kakayahan na merong mas malaking sweldo. Hanggang magpasiya akong magpatayo ng bahay. Ibinenta ko ang ilang lote na nabili noon pero sa dobleng halaga na ng pagkakabili dahil nga sa magaganda ang lokasyon ng mga lote. Hindi ako mahilig mangutang sa bangko sa kadahilanang naniniwala ako na magpatayo ka lang o bumili ka ng mga bagay kung anong kasya sa pera mo. Kung wala ng pera, tigil ang konstruksyon. Inabot din ng ilang panahon bago natapos ang ipinatayo ko dahil nga sa ayaw kong mangutang sa bangko. Noong matapos, I’m saying na I’m very proud sa aking fruit of my labor.

Pagdating sa sasakyan, iniadvice ko rin na not to buy a car while you are still working sa abroad. Otherwise aalis ka rin naman at maiiwan mo rin sa bansa ang sasakyan mo at maluluma nang hindi ikaw ang gumagamit. I used to drive a 1997 Toyota FX noon and pinagtatawanan nga ako noon dahil medyo may kalumaan na ang aking broom broom pero sige lang, nakakarating pa rin naman sa paroroonan. Till now e buhay pa rin naman ang sasakyan kong ito.

Habang tumatagal bumibigat ang pag-aabroad dahil nagsasawa ka na rin kahit pa kasama ko ang aking pamilya noon sa pag-aabroad. Hanggang naisipan naming mag-asawa na magpatayo ng apartment. Nagresearch muna ako sa mga ins and outs ng pagtatayo ng apartment. Unang konsiderasyon e location, dahil dyan nakabase kung sino ang tatargeting mong mga tenants. Ika nga e depende sa breeding ng mga tenants mo. Negative comment noong nagpapatayo kami noon e marami raw na barubal na tenants na hindi nagbabayad na nakakarating pa sa asunto sa barangay. Nagkaroon ako ng inspirasyon noon sa isang kapatid ng sikat na artista na nagdedevelop ng mga studio apartments dahil unang una e affordable ito at madaling mabayaran ng isang common tenant. Kung up and down kasi e malaki ang upa dahil malaki ang space gayong kung gagawin mong studio type ang up and down mo e magiging dalawa rin bale. Up and down will cost not less than 8k per month before gayong ang studio type e mga 5k per month thus sa dalawa e 10k. Ibig sabihin mas kumita ka sa studio type kesa sa up and down. Dalawa nga lang ang kausap mong tenants kesa sa isa ng up and down. Don’t believe also sa kasabihang apartment lang naman so the quality should be substandard. The better the apartment, mas attractive ito sa mga tenants and will be less maintenance dahil nga ang konstrukyon mo e pulido ika nga. Malaki ang puhunan pero maganda rin ang rate of return lagi. Makakaencounter ka rin naman ng mga delikwenteng mga tenants pero as long na bounded ka ng contract e it will be easy for you  to resolve the issues kahit pa makarating kayo ng barangay. I should say na make your business legal also by paying the required taxes and fees.

Napupuna nyo na this type of business is what we called passive business.

A passive business generates passive income. Ano nga ba ang passive income? Ayon ke Wikipedia Passive income is income resulting from cash flow received on a regular basis, requiring minimal to no effort by the recipient to maintain it. Mas maganda di ba di ka umaaasa kung maganda ang benta mo o wala kung sa retail business ka. Yong nga lang mas malaki ang puhunan sa Passive Business. Pero tuloy tuloy lang ang income mo, be sure na iinsure  mo lang in case of any uncontrollable calamities and circumstances.

Nang maipatayo na ang apartments, another passive business came out. Eto e yong mga PUV o Public Utility Vehicle. Kadalasan e mga Vans ang ginagamit dito, me Toyota HIAce, Nissan Urvan, meron ding lumalabas ng Chinese Made na Golden Dragon, KIA at kung ano ano pa. Bago pumasok sa business na ganito, you have to consider a lot of things as listed below:

  • Una syempre ang sasakyan, cash price ng Toyota or Urvan ranges from 1.25M to 1.35. Kung hulugan naman, normally you have to pay 20% downpayment and then you have to pay 25k per month to less than 30k per month payable hanggang 5 years. Tumutubo ang bangko kapag hulugan ng 5 years ng 100k per year or 0.5M for 5 years.
  • Pangalawang consideration e yong prangkisa or franchise na tinatawag. Prices vary from 200k to 300k depende sa ruta. Sa ngayon halos wala ka nang mabibiling prangkisa. Noong August last year nagkaroon ng regulation si Pangulong Duterte na walang sale and transfer ng mga prangkisa kaya kung gusto mong bumili ngayon hindi mo nang pwedeng itransfer sa pangalan ang prangkisa. That means hindi na advisable ngayong panahon na to na bumili ng prangkisa unless otherwise na payag ka na nasa pangalan pa rin ng taong binilhan mo ang sasakyan and prangkisa. Complication with that situation is when you need to renew the registration, yong may-ari pa rin ng sasakyan ang kailangang magrenew. Complication worsen when you need to extend the validity of the franchise na naglalast lang 5 years. Extension of validity requires a lot of document from the owner of the franchise like ID’s, Bank Book, Bank Certificate, Lot Title ng Garage, Tax Clearance and Certificate and a lot more. Hassle di ba lalo na kung ang binilhan mo ng UV e nagabroad na at hindi mo mahagilap. Madisdismiss lang ang franchise mo ng ganon ganon lang. Kaya ang payo ko lang for now, do not venture into this kind of business sa ngayon.
  • Pangatlong consideration e yong mga terminal na papasadahan mo. Ito bale ang nagkukumpleto ng UV Triangle, Van, Franchise and Terminal. Ibig sabihin, hindi magproprosper ang UV Business kung hindi ka sigurado kung meron kang terminal na byabyahehan. Iba ang terminal sa umaga, iba rin sa gabi. That means, dalwang bayad yan. Kadalasan yan ang nagiging problema ng mga operators, meron silang pambayad ng terminal pero walang kilala sa mga terminals. Kailangan pa rin dito ang very good connection para makapasok sa terminal. Kadalasan kasi ayaw ng magpapasok ng mga officers ng mga terminals sa kanilang association sa kadahilanang mababawasan pa ang kanilang byahe. Prinoprotektahan syempre nila ang kanilang mga vans. Magpapasok lang ng bagong unit yang mga yan kung me pangangailangan at kaya ng operator ang presyo nila na me kasama pa laging for the boys, ibig sabihin e pang-inom at pangpupulutan sa mamahaling restaurant. Medyo madugo kadalasan ang pagpasok sa mga association, pero no choice otherwise wala kang byabyahehan di ba?

Kapag bumibiyahe ka na, me mga issues o problemang kakaharapin pa rin ang operators as listed below:

  • Una driver, ok lang kung ikaw e operator driver. Pero kung operator ka lang e kailangan mo ng driver. Hindi basta driver, yong matinong driver na hindi ka lolokohin. Mahirap humanap ng matinong driver na makukuha na hindi ka dadayain sa yong boundary. Paano ka madadaya sa boundary, ipaliwanag ko sa yo. Normally sa byahe naming sa Marikina Ayala, kung ikaw ay hindi regular member ng Association, entitled ka lang sa dalwang trip sa umaga at sa gabi . Kung ang driver mo ang me hawak ng terminal, they are asking for specific amount of boundary irregardless yan kung ilan ang byahe nila. Pero kung Operator ang miembro ng terminal, driver will just be paid on a per trip basis. There are times na nasisilat ang byahe dahil sa either na matraffic, mabagal magdrive ang driver mo o inuuna ang backload kesa sa bumalik sa terminal sa susunod na trip. Ang backload na tinatawag e yong mga pasaherong sumasakay sa UV kapag pabalik na sa terminal ang mga driver, Kung ang byahe e Marikina Ayala sa umaga, eto yong mga pasaherong sumasakay pabalik ng Marikina. Kadalasan kasi hindi na kinukuha ng mga Operators ang backload kasi tyempohan lang ito. Pero ang mabigat sa mga driver kinacareer nila ito dahil malaking dagdag sa kita nila na syang nagiging dahilan minsan ng pagkasilat ng regular na byahe. Kaya ang resulta hindi kumpleto ang byahe ng UV. Another diskarte is kapag merong time na makadagdag ng trip dahil maraming pasahero, kapag hindi tapat ang driver, hindi na irereport to sa Operator kaya napupunta sa Driver ang buong kita. Anupaman dahil sa hindi naman nakikita ng Operator ang buong byahe, tiwala na lang sa Driver na masasabi ko ngang madalang pa sa patak ng ulan ang mga tapat na Driver. Kadalasan e sasabihan nila na Diskarte lang to. Ayos no?
  • Pangalawang issue e LTO at LTFRB. Sa UV ang mga prinoprocess sa kanila e Registration, Extension of Validity of Franchise, Sale and Transfer of Franchise, Franchise Verification, Confirmation of Franchise, at marami pang iba.
    • Ang Registration sa LTO bale ito prinoprocess. Kadalasan ang Operator e gumagamit ng mga Liaison Officers na makikita mo sa paligid ng dalwang ahensya. Ingat lang sa pagpili o kailangang kakilala dahil baka maduplicate o maibenta ang Franchise mo ng hindi mo alam. Per transaction ang bayad sa kanila. Bilang Operator pwede namang ikaw ang magprocess, pero kadalasan e hindi kabisado ang paikot ikot sa nasabing ahensya kaya mapipilitan kang iasa na lang sa mga Liaison Officers or sa mga Kompanyang nakapalibot sa Ahensya. Ngayong panahon na to, mas bumagal ang Rehistro ng mga UV, it will take a month bago matapos thus you need to process the Registration more than a month bago mapaso to otherwise ang penalty e napakalaki kapag nahuli ka na bumbyahe ng with expired registration.
    • Extension of Validity of Franchise, bale 5 years ang validity ng franchise. Dati 6 months before expiration kailangan iprocess mo na sa LTFRB, sa ngayon a year before expiration kailangan mo nang iprocess. Mahaba ang proseso ng Extension of Validity, mahaba ang listahan ng mga dokumento na kailangan mong isumite. After submission, you have to wait for the schedule of hearing. Sa hearing, kailangang me Lawyer ka at syempre kailangang present ang Operator. Kapag walang problema sa hearing, you have to wait for the decision to come out. Kapag lumabas na decision, you need Confirmation before proceeding sa LTO.
    • Transfer of Franchise- ang Franchise e good for 13 years lang sa isang sasakyan, buti nga ang mga jeepneys e lifetime before ngayon e government is limiting that to 15 years na lang pero syempre sinasalungat ng mga Militanteng Grupo. Isa ito sa mabigat ng probleman ng Operators. Kadalasan kasi e hindi nakakaipon ng pampalit ng sasakyan sa loob ng 13 years kaya kapag kailangan ng palitan kadalasan e walang pambayad thus resulting to selling of Franchise

Medyo mahaba-haba ang diskusyon natin tungkol sa aking mga ginawa to retire at 50. Parang ngang hindi ako nagretire sa trabaho kasi trabaho rin ako sa Pinas after mag-abroad. Ang kagandahan nga lang e nasa sariling bansa na ako kasama ang pamilya at kamag-anakan. Mas pinili ko na magstay sa sariling bayan kesa sa magmigrate sa ibang bayan. Reason for that is another blog na naman siguro. ‘Ika nga e kanya-kanyang dahilan lang yan.

Sige, sana naman e me napulot kayo sa akin.

Randy sa likod ng mga letra.

 

About Randy

Photoshooter, Aikidista, Singer & Music Lover, RC Enthusiast, Fashionista, Collector, Poet, Essay Writer, Elex Fanatic, Lagalag, Madaldal Pag May Kausap, Tahimik Pag Walang Kausap, Computer Craze,Mabait na Kapatid, Anak at Ama at Great Lover ni Mrs. Isa sa milyong Pilipinong nangarap ng kaginhawahan sa buhay. Nagpipilit abutin ang kaluwalhatian at ng magising sa katotohanan na ang buhay ay isa palang palabas at ako ay isa lamang sa mga extrang gumaganap.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!