Relationship Status: “In Progress”

RakiandFash
Where's my FASH?

Dahil sa link na hindi ko ma-open parang love life na “page cannot be found” pa rin, nagkaroon tuloy ng idea gumawa ng infographic about “Relationship Status” – Para sa mga nangangarap ng relationship na pang-wagas ang pag-iibigan (kagaya ko :D) please take time to read my rationalization below:

RakiandFash
Where’s my FASH?

Ang buhay pag-ibig nga naman parang ganito kung minsan, hangga’t hindi pa tayo “fully downloaded” or “completely done” to execute in a “Program” (I will tag here, the same as “Relationship”) hindi lalabas yung tamang “Link” na magko-connect sa atin sa “Love-Server” ng iba to our own “Love-Server”. Kaya paulit-ulit man natin subukan i-click yung “heart button” na yan, “error message” pa rin ang lumalabas, kasi nga hindi pa tayo “fully downloaded”.

Naisip ko tuloy na…kaya rin siguro marami ngayon ang standalone (single) or pirated (it’s complicated) or “down” (separated or divorced) kasi marami rin ang “hackers” (cheaters) pagdating sa pag-iinstall at pag-run ng isang “Program” or pwede rin namang nagmamadali kasi tayo, (impatient) para lang maka-connect agad sa isang “relationship” naghahanap tayo nang pang “crack” dun sa “program” na hindi natin ma-open or ma-install, kaya kahit wala pa sa panahon at hindi tamang gawin, pinipilit pa rin natin yung sitwasyon.

Ang resulta – CORRUPTED FILES! VIRUS FOUND! Incompatible, ihiwalay ang puti sa de-color! wala na agad forever’ sabay kanta nang “Move On Ka Na” by juanbagadiong – eto po ang link: https://www.youtube.com/watch?v=4GUU5V_j-7M  or you can visit my site at: http://www.juanbagadiong.com/musikalye.html (Naisingit lang po’ ipagpaumanhin nyo na from the sponsor hehe :D)

This maybe right, this maybe wrong but isa lang ang for sure…we need “to seek and know” the “Developer” of that so called “System” na kinapapalooban nang iba’t-ibang klaseng “Program”…Dahil siya lang ang nakakaalam kung paano nagpa-function ang lahat and the TRUTH is, the “System” (Life) is all about “Relationship” (Program). At sa bawat “relationship” hindi dapat mawala ang “Love” dahil kung walang “component” nito, mawawalan din ng halaga ang lahat. Ito dapat ang pinaka “main feature” nang bawat “Program”. Masasayang lang ang ibinigay sa ating oportunidad ng nag-iisa nating “Developer” para gumana at mag-develop sa loob ng isang “System” kung wala namang element of “Love” sa pagpapatakbo natin nito. At ang magtuturo naman sa atin nito ay ang ating butihing “Provider”.

And Jesus Christ is our “Provider” while God – Our Father was the “Developer”.

Through Jesus trainings (Teachings) we will become “fully efficient” in running and handling a “Program” to produce anything and everything that is good through its main feature called – “Love”.

At yung dalawang “key factors” na iniwan ni Jesus sa atin, lahat yun is for the purpose of running a “Program” (Relationship). Ito ang “key” to unlock the wonderful world of that “System” (Life).

First is, love your God with all your heart, mind, strength and soul and love others as you love yourself is the second. Love is the greatest thing to give and achieved, kaya ‘wag natin dadayain. Huwag tayong mang “hack” or gumamit ng “crack” kasi nasasayang ang “potential” nito. Love is a very powerful “chip” at sa lahat ng “chip” na dinevelop eto ang pinaka”Mahal” na hindi kailangang bayaran.

Now the question is, are we “fully downloaded” or still “in progress”? Are we ready to perform inside the “program” or the right “link” is yet to develop from?

The good news is, we’re all capable to run a “program” but not all programs are good for us. There’s a “good program” and a “bad program”. Kaya nga may malayang pagpili din (free will) at tamang panahon (right timing) para sa lahat, dun tayo nagkakaiba-iba. At hindi rin naman lahat ng “program” with “TRUE LOVE INSIDE” ay pang romantic couples lang. Meron dyan (Una sa lahat) para sa Diyos, pamilya, kaibigan, kapitbahay, strangers and even animals/pets can receive that kind of sincere and warm affection from us’ the choices is ours. Huwag ka lang magmamahal ng isang bagay kasi – Hindi bagay’ yun lang yun.

Kailangan din matutunan natin siyempre ang pagkakaroon nang mahabang pasensiya sa ating mga sarili at ganun din naman para sa ating kapwa. Sa ganitong paraan maiiwasan natin ang kumplikado at unstable na “Program” na i-iinstall natin sa ating mga “System”. Maraming natitinik nang malalim sa pagmamadali kaibigan lalu pa’t bangus ang nakahain sa ating hapag-kainan hehe. At lahat din naman pwedeng “mag-malfunction” (magkamali at masaktan) pero mas ok nang masaktan sa tamang paraan di ba? Katulad din naman nang pagiging masaya natin pagdating sa isang “Relationship”.

Ang mahalaga mai-apply natin yung dalawang “key factors” na nagsisilbing “tips” para sa atin. Dito nakasalalay ang pagkakaroon ng purpose at fulfillment sa ating mga buhay. Sinabihan na nga tayo nung una pa lang’ babalewalain pa ba natin ngayon? “Sayang naman”

Kaya happy “Love Serving” to each one of us and once we’re fully executable to perform, let’s keep our “Program” safe and sound – 24/7 thru the grace of our “Great Provider” – Jesus Christ.

Keep progressing and stay connected in Christ… God bless!

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!