Randy (Yah Walleth Book 2)

Teaser

Nag-abroad si Randy upang makapag-ipon ng puhunan para sa pagbubukas ng pangarap niyang restaurant.

Nais niyang patunayan sa kasintahang si Devie na hindi nito kailangang gamitin ang kanilang yaman para sila mabuhay.

Subalit sa loob ng Palasyo ay nakilala niya si Pinky na kahawig na kahawig ng nobya.

Ang tanging naging pagkakaiba ay mula lamang ito sa mahirap at kuntento na sa kung anong buhay ang kanyang kayang ibigay.

Isang araw pagkatapos ng funtion sa Family Diwana ay may naganap sa kanila ni Pinky habang si Rowel ay abala sa pagliligpit ng mga ginamit sa Party.

“Huhuhu!” si Pinky habang isa-isang dinadampot ang damit.

Lumapit si Randy at hinawakan sa balikat ang dalaga pero tinabig ito ng huli.

Ipinantakip nito sa katawan ang mga hawak at: ” Sabi mo hindi mo ko gagalawin, sabi mo halik lang. Rapist ka din pala!” lumuluhang sabi ng dalaga bago nagtungo sa bathroom upang linisin ang katawan at isuot muli ang uniporme.

Paano na si Devie?

___________________

Author’s note

Kung binata ako, pakakasalan ko na lang.
Kaso happily married na ako, eh!
Hahahahahaha!

Joke lang.
Remember ang codename ko dito ay Mr.  Clown
Hek! Hek!

Sa mga hindi pa nakakabasa ng Yah Walleth Book 1, nakuh, basahin n’yo muna para mas maintindihan n’yo.
Ganunman, ginawa ko pa rin ang aking makakaya upang maging malinaw ang love story ni Randy dito.

Bawat kabanata ko ay may isang name, pero konti lang ang role.
Dapat matandaan n’yo sila kasi bawat isa sa kanila ay gagawan ko ng love story.

After Rowel (book 1) ay narito naman po si Randy at sana mag-enjoy kayo.

‘Yan ang gusto ko, ‘yung mag enjoy kayo kasi ako ay nag-eenjoy na sa pagsusulat nito.

Huwag naman sana kayong masyadong sensitibo kung sa palagay ninyo ay may ‘words’ o ‘salita’ na di dapat gamitin.
Kasi story ito, eh!
Parang ulam lang ‘yan, kapag inalis mo ang isang rekado ay maiiba ang lasa ng putahe na nais mong gawin, ‘di ba?
Halimbawa, adobo, puwede bang walang suka?
Hahahahahaha!

Maraming problemang dumarating sa ating buhay kaya ‘wag nang dagdagan pa ng emo emo o mga bagay na wala namang kuwentang pagtalunan pa.

Ang dapat ay libangin natin lagi ang ating sarili.

Thank you very much.
God Bless you.

~ mr clown c”)

 

Yah Walleth Book 1

About mr clown

Hindi po ako writer. Trying hard lang po. Naglilibang lang at baka sakaling sa paglilibang ko ay malibang din kayo. Oh, e di everybody happy. Hek! Hek! ~ mr clown c")