Randy (Yah Walleth Book 2) K-6

Kabanata 6- ‘Si Alejandro’

Alas siyete ng umaga nagising si Randy.

Pagkatapos maligo ay lumabas siya ng kuwarto at doon nakita niyang mga nakaupo ang mga driver ni Hambal.

“Good morning All sadik,” bati ng binata.

Sabay sabay naman tumugon ang bawat isa kanya.

Maingay na nag-uusap ang mga ito, animo’y nagtatalo.

“Ganyan lang talaga sila, Tol. Palakasan ng boses,” si Larry na namamalantsa ng uniporme.

“Ah,” tango ng binata. “Saan ba ako magtatrabaho ngayon?” tanong niya sa kasama.

“Family day ngayon. Si Amo ay nasa kuwarto ni Madam. Bale linis linis lang sa loob, pagkatapos nito ay sasamahan kita. Mamayang hapon ay aalis si Amo, bale pag-alis ay pahinga na naman.” sagot ni Larry.

“Anong oras ba kayo natapos kagabi? Nagpunta ako ‘dun pero wala na daw kayo sabi ni Maricel,” kuwento ng binata.

Napangiti si Larry: “Nakuh! Di ka namin nasabihan tungkol d’yan. Pasensya ka na, abala kami kagabi.”

“Alam ko na. Wala na. Hindi na virgin ang labi ko,” pagbibiro ng binata.

“Hahahahahahahaha!” tawa ni Larry “Mag-iingat ka na lang. Huwag kang papasok sa laundry kapag pinapapasok ka. At isa pa, kapag nakita ka ni Madam na galing ka ‘dun, yari ka. Bukod sa bunganga ay 5 days salary deduction ka pa. Bawal ‘dun. Mga katulong lang ang pumapasok dun,” payo nito.

“May isa pa akong nakita kagabi. Siya ang nagbigay ng pagkain sa akin,” seryosong anang binata.

“Oo, nasabi nga sa akin ni Pinky. Nagparang lasing ka daw kagabi gawa ni Maricel.”

“Pinky pala ang pangalan,” sa isip ng binata.

Naalala niyang titig na titig siya sa mukha nito. Habang pinipisil-pisil niya ang isang kamay ng dalaga.

“Hoy! Baka gusto mo ng bitiwan ang kamay ko,” ani Pinky na ikinaway kaway isang kamay sa binatang nakatitig sa kanya.

“Kamukha ka ng gf ko,” ang di inaalis na tingin sa dalaga.

“Oh, me gf ka na pala, eh, nananantsing ka pa,” sagot ng dalagang hinatak ang kamay. “Kumain ka na, Playboy,” sabi nito habang lumalakad papalabas ng kitchen.

“Ba’t sa dinami dami naman… ikaw pa..” sa isip ng binata.

Nahiga siyang si Pinky ang nasa isip.

Smarte ito, Hindi tulad ng kanyang Mahal na iyakin.

Pero ang ayos ng maikli at medyo blond na buhok ay kagaya rin ni Devie na may isang ipit sa gilid.

At kung ihahambing sa mga artista ay kahawig ni Donita Rose.

Mukhang hindi ito maaaring biruin at pasagutin ng ganung kadali gaya ng pagsagot sa kanya ng kasintahan.

Napatiim-bagang siya sa bagay na iyon.

Wala sana siya sa lugar na ito kung nalaman niya agad na mayaman pala ang katipan.

Saglit siyang natigilan….

“Hindi kaya ito talaga ang kapalaran ko? Ang makilala ko ang babaeng ito? Hindi papasok na katulong ito kung may kaya ito sa buhay…”

Nakatulog siyang hindi nasagot ang katanungan.

Naputol ang kanyang pag-iisip ng: “Pare, lika mag almusal ka muna,” yaya ng isang kasamahang bumungad sa pinto.

Alam na agad ng binata na hindi ito normal na tao.

Maputing maputi o ‘yung tinatawag na anak araw. Ang mga mata nito ay kulay asul, laging pailing iling ang ulo at hindi tumitingin sa kausap o laging nakababa ang tingin.

Ayon nga sa kanyang nabasa ay takot daw ang mga ganito ito sa tao.

“Salamat. Saan ba?” nakangiting saad ng binata.

Sa loob ng Kitchen habang nagkakape ay nalaman ni Randy na Alejandro ang pangalan nito at Chief cook ni Hambal. Galing ang kasama sa sikat na Hotel at nakapagtrabaho na rin sa Barko.

Nakilala din niya ang assistant nitong Indiano na si Abdul. Ang huli ang taga hiwa ng mga hihiwain rekado, taga pamili ng mga kailangan sa lulutuin at mga bagay na ipinabibili ng mga kasamahan.

Ang lahat ng nagpapabili ay tumitingin lang sa dala nitong brochure na ipinamimigay ng mga Mall, walang maaaring lumabas ng Villa na iyon hanggang matapos ang kontrata.

“Relax lang dito kapag ganitong araw,” ani Alejandrong panay iling ng ulo. “Alas dose medya ang lunch ni Amo at ala una naman si Madam at mga anak niya. Diyan lang tayo matataranta pagkatapos ‘nun, pahinga muna at balik na naman mamayang gabi.”

Pinigil ni Randy ang kanyang ulo nang magtanong: “Hindi ba bababa ‘yang Amo?” Pakiwari ng binata ay nahahawa siya sa mannerism ni Alejandro.

“Lagi lang ‘yun sa taas. At bababa lang pag aalis na papunta sa kanyang tatay,” sagot ng kasama. “Siguruduhin mo lang na malinis ang area na ibibigay sa iyo. Mabilis ang nga lakad ‘nun pero mabilis din ang mata sa dumi. Pag ‘yun tumigil, yari ka.”

“Okey, tatandaan ko ‘yan,” pagsang-ayon ng binata.

“Bro, tara, ituturo ko sa iyo gagawin mo,” tawag ni Michael.

Pagpasok nila sa pintong katabi ng main door entrance ay isang mahabang puting dining table na may disenyong kulay ginto sa paa at gilid ang kanyang nabungaran. Ang mga silya ay mga puti rin at ang kutson ay halatang mula sa mamahaling tela.

Ang paligid ay mga stante na naglalaman ng mga kasangkapan sa pagkain.

Dahil galing sa class na restaurant ay alam na agad ng binata na ang mga iyon ay pawang mga antique mula sa china at europa.

Carpeted ang buong area, sa isang bahagi ay natanaw niya ang malaking living room.

“Dito lang kami mga nakatayo o naka istambay habang nakatanaw kami dun sa living room, Tol. Naghihintay kami ng tatawag na bisita o si Hambal. Kaya nga sabi ko sayo kagabi ay sumilip ka lang dito.”

Paglabas nila sa dining ay nakita niya ang swimming pool, sa pagsunod niya kay Michael, nakita na rin niya ang bar sa kaliwa at sa kanan ay isang computer sets.

Tumigil sila sa isang area na napapaligiran ng mga sofang kutson, fully carpeted at ayon kay Michael ay magiging area niya.

“Dito sila naglalaro ng mga baraha habang tsaa ng tsaa,” paalam ni Michael.

“Ito lang ang lilinisin ko?” gulat na tanong ng binata.

“Huwag mong langlangin yan. Isang hampas ng kamay ni Hambal dyan at may alikabok na tumalsik, sermon ka, salary deduction pa,” nakangiting sagot ni Michael.

Biglang naputol ang kanilang usapan nang tumunog ang door bell.

Katabi pala ng area na iyon ay back door na, kung saan nakaparada ang sasakyan ni Hambal.

“Good morning, Mr Kashile,” bati ni Michael sa sekretayang Syriano.

“Good morning, Sir,” bati ni Randy.

“Good Morning Yah Walleth,” nakangiting tugon nito. “How are you, Randy.”

“I’m good, Sir,” tugon ng binata.

“Come, I’ll tell you our new rules,” anito bago lumakad at umupo sa computer table na kanyang nakita kanina.

_________________________

“Kayanin mo, P’re. Limang buwan lang naman, mabilis lang ‘yun! Malilibang ka dito sa trabaho. Ako nga mag-iisang taon na, eh!” ani Michael.

Nasa living room sila kaharap ang mga kasama.

“Tang*** talaga ‘yang kagulangan ni Hambal. Hindi inisip na baka may pamilya kang magugutom,” nangigigil na sabi ni Larry.

“Kapag kailangan mo ng pera, magsabi ka lang, iuutang kita kay Joy,” si Domeng

“Meron ding libre, kay Glenda, syosyotain mo nga lang,” biro ni Alejndro.

Natawa ang mga kasamahan.

“Inaalala ko ‘yung nobya ko, baka kung ano ang isipin,” malungkot na ani Randy.

“Basta kailangan mo ng pera, magsabi ka lang,” si Michael.

“Oo, hindi nagpapadala yan, eh! Isang baul na pera niyan. Pre, ako pautang,” si Domeng.

“Utot mo. Mas malaki pa sahod mo sakin, eh!”

Tawanan.

Oh, akyat muna kami, ha. Baba kami mga alas diyes. Kapag nainip ka, akyat ka samin, para makita mo ang lugar namin. Huwag ka masyado mag isip.” Si Roger.

Nang mapag isa ang binata’y nanumbalik sa kanya ang sinabi ni Kashile:

“We decided that every new employee will have five months salary savings. They’ll get it, if finished contract, that’s because some new employees want to go after a month, if that will happen, it will be for the plane ticket and the money we spend for hiring. But again, we will give it, if you finished two years contract.” sabi ni Kashile.

“Ano man ang sabihing rules, huwag kang kokontra, dahil isang kontra mo lang ay pangit ka na sa paningin ng Amo. Pahihirapan ka sa mga trabaho,” ang tanda niyang bilin ni Engineer Marshall.

Lito ang isip na tumayo ang binata para uminom sa kusina.

“Hi Playboy,” ang gumulat sa binatang bati ni Pinky dala dala ang basket ng labada. “Hmm…gusto mo bang tawagin ko si Maricel,” panunukso nito.

“Ganun? Gusto mo bang hilahin kita sa loob nitong laundry na ito! At ‘di tayo lalabas hanggang hindi dumarating si Madam!” seryosong anang binata.

Tila natakot ang dalaga at mabilis na bumalik paakyat ng hagdan.

Naisuklay na lang ni Randy ang kamay sa kanyang buhok: “Pasensya ka na, Wrong timing ka, love,” bulong niya.

“Love?” napailing na lang ang binata.

Itutuloy…

 

Kabanata 5 —  http://definitelyfilipino.com/blog/randy-yah-walleth-book-2-k-5/

Kabanata 4 —  definitelyfilipino.com/blog/randy-yah-walleth-book-2-k4/

Kabanata 3http://definitelyfilipino.com/blog/randy-yah-walleth-book-2-k-3/

Kabanata 2  —  http://definitelyfilipino.com/blog/randy-yah-walleth-book-2-k-2/

Kabanata 1  –  http://definitelyfilipino.com/blog/randy-yah-walleth-book-2-k-1/

 

About mr clown

Hindi po ako writer. Trying hard lang po. Naglilibang lang at baka sakaling sa paglilibang ko ay malibang din kayo. Oh, e di everybody happy. Hek! Hek! ~ mr clown c")
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!