Randy (Yah Walleth Book 2) K-2

Kabanata 2 – ‘Si Cristy’

Nagkatinginan ang mag-asawa nang biglang tumayo si Devie sapo ng kamay ang bibig at tumakbo papuntang shower room.

Kasalukuyan silang naghahapunan noon at nag-uusap tungkol sa nalalapit na graduation ng dalaga sa kolehiyo.

Sumenyas ang ama nito sa kanyang maybahay na sundan ang anak.

Doon ay nakita ng kanyang ina ang hirap na hirap na pagsusuka ng kanilang kaisa-isang unica hija, at ‘di na naikaila dito ang dahilan.

Lumapit at hinawakan ng ina ang likod ng anak at hinagod, inalalayan upang gumaan ang hirap na dinadala nito.

“Sino ang ama niyan?” malungkot na tanong ng ina.

Nag-angat ng mukha si Devie, nagpunas ng bibig bago yumakap sa ina: “Patawarin mo ko, Ma?” ang umiiyak na tugon ng dalaga.

“Dream man mo ba ang naging mapalad?” tanong ng napakabait niyang ina.

Tumango-tango ang dalaga.

“Ipakilala mo amin?” nakangiting sabi ng kanyang Mama.

“Nasa abroad po. Huhuhu!”

“Ha? Bakit?”

“Mag-iipon daw muna siya para maipagmalaki ko sa inyo.”

“Baka hindi na bumalik ‘yun? Baka tinakasan ka lang?” sa tonong puno ng pag-aalala.

“Hindi niya alam na buntis ako, Ma. Kahapon ko lang din ito nalaman nang magsuka ako sa school.

“Ganun ba? Ipaalam mo? Tawagan natin,” anang kanyang Mama.

Humikbi-hikbi ang dalaga: “Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta. Iniwan lang niya ang ATM na ibinigay daw sa Pidos. Lahat daw ng sasahurin niya ay dun niya ilalagay. Gusto daw niyang magbukas ng restaurant. Dapat daw mayroon na siyang ganun bago kami magpakasal.”

“Puwede naman namin kayong bigyan ng ganun ah!”

“Yun nga ang dahilan kaya nagalit siya, Ma. Huhuhu!”

“Ba’t nagalit?” naguguluhang tanong ng kanyang Mama.

“Di ko kasi sinabing may kaya tayo. Kasi ayaw niya sa mayaman. Ang dream girl niya ay simple lang ang buhay.”

“Tapos?”

“Nang matuklasan niya ay sinabi niyang mag-aabroad siya. Magmamadali daw siyang makaipon para bumagay sa akin.”

“Hindi kaya alibi lang ‘yan?” anang kanyang Mama.

“Dream man ko siya, Ma.”

Niyakap muli ng ina ang anak at:”Hmm… naniniwala ako sa iyo.”

Batid ng ina ang maraming nanligaw sa anak subalit mga nabigo gawa ng hanap nitong katangian.

“Ehermp!” ang kanyang ama na nakatayo sa pintuan.

Lumapit ang dalaga sa ama at: “I’m sorry, Pa.”

“Mabuti na lang at magtatapos ka na, kung nagkataon, papasok ka school ng parang butete ang tiyan,” pagbibirong sagot nito.

Natawa ang mag-ina.

Mapagbiro ang kanyang Ama at maunawain. Napakasipag sa trabaho at walang bisyo. Mga katangiang inidolo ni Devie at nasabi niya sa mga magulang na kung siya ay mag-aasawa’y sisiguruduhin niyang kagayang-kagaya ng kanyang ama.

“Okey, antayin natin ‘yang Dream Man mo. Kami na muna ng Mama mo ang mag-aalaga sa iyo para maging maayos ang paglabas ng aming Apo.”

Muling yumakap ang dalaga sa Ama: “Salamat, Pa.”

“Sayang ‘yung nirereto ko sa iyo. Alam mo bang kagayang-kagaya ko rin ‘yun.” anang ama.

“Mas mabilis itong nakita ko, Pa, eh. Hihihi!”

“Okey, ganito ha, kapag hindi na bumalik ‘yang Dream man mo na ‘yan, ‘yung inirereto ko sa iyo ang pilitin mong maging tatay niyang apo ko. Okey?”

Lumapit na ang kanyang ina at: “Kagaya din ng Papa mo, mabilis, ‘nak.” sabay kurot sa tagiliran ng Ama. “Ikaw talaga, puro ka kalokohan. Buti kung magustuhan nun ang disgrasyada.”

“Dream Man ko ‘yun para sa anak mo. Eh mabilis nga kasi ang dream man nito.”

“Hahahahahaha!” nagtawanan ang mag-anak.

_____________________________

“Patawarin mo ko… mahal naman talaga kita… mahal na mahal…” si Randy habang nasa likod ng dalaga na yakap yakap niya nang mahigpit.

Patuloy lang ang katipan sa pag-iyak.

“Ayaw ko kasi ng mayaman. ‘Yung bunso namin, nagpakamatay gawa ng pinaglaruan lang ng babaeng mayaman.”

Natigilan si Devie.

Humarap sa binata: “Pinalaki ako ng Papa ko nang maayos. Alam mong hindi ako ganun. Me nakita ka ba sa aking masamang ugali na nakikita mo sa mayayaman?” anito habang hilam sa luha.

Tinanggap naman ng isip ng binata na iba nga ang kasintahan. Patunay na wala itong palya sa pagpapasama para magsimba. Magalang sa mga tao at simpleng manamit at pino ang kilos. Malambing at maunawain. Siya nga ang minsang madalas magkamali.

Naalala niyang minsan ay halos isang oras itong naghintay sa kanilang date venue.

Mangiyak-ngiyak na: “Lagi ka namang late.”

Inakbayan niya ang nobya: “Sorry, traffic, eh,” bago hinalikan sa pisngi.

“Okey lang. Punta tayo ng Immaculate muna ha.”

“Kahit saan mo gusto, Love.”

Halos hindi niya nagiging problema ang kanyang mga mali. Madaling makapagpatawad ang dalaga.

“Ikaw ang unang nanligaw sa ‘kin, hindi ako ang nagparamdam sa iyo. Nagtanong lang ako sa iyo noon, naalala mo ba? Ikaw ang unang bf ko. Ako ang I love you nang I love you sa txt pero ikaw wala. Hindi pa ba sapat ‘yun.”

“Ba’t ‘di mo sinabing mayaman kayo? God, Boss ko pa pala ang Ama mo,” sa nagdaramdam na ani ng binata.

“Kaya naman ako naglihim, nang iwan mo na kami sa Tour Wonders ay nakita ka ni Cristy na empleyado dun. Tinanong niya kung ba’t kilala kita. Sabi ko boyfriend kita. Nagulat siya. Paano daw nangyari, eh, galit ka daw sa mayamang babae. Sabi nga daw minsan kailan mo siya sasagutin. ‘Yun nga sinabi mo daw na kapag mahirap ka na. Ayaw ko sa mayayaman. Aapihin lang ako ng kundi asawa ko eh mga biyenan. Kaya natakot ako. Ayokong mawala ka. Mahal kita unang kita ko pa lang sa iyo sa restaurant.”

“Saang restaurant,” naguluhang tanong ng binata.

Natigilan ang dalaga, hindi niya kayang sabihing bago pa niya nakilala ang binata ay tumibok na ang puso niya dito nang makita niya ito sa loob ng Derek’s: “Sa labas ng Derek’s, ‘di ba?” ang mabilis niyang sinabi.

Hindi nakaimik si Randy.

Lumapit siya at niyakap nang mahigpit ang kasintahan.

“Mahal na mahal din kita. Pero gagawa ako ng paraan para bumagay sa iyo.”

Halik ng puno ng pagmamahal ang ibinigay ng binata nang tumingala ang dalaga.

Pumasok sila sa kuwartong magkadikit ang mga labi habang karga ni Randy ang katipan.

Doon ay muli niyang ipinadama dito ang kanyang pagmamahal pero sa pagkakataong iyon ay sa maginoong paraan.

Itutuloy na…

Kabanata 1  http://definitelyfilipino.com/blog/randy-yah-walleth-book-2-k-1/

About mr clown

Hindi po ako writer. Trying hard lang po. Naglilibang lang at baka sakaling sa paglilibang ko ay malibang din kayo. Oh, e di everybody happy. Hek! Hek! ~ mr clown c")
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!