Randy (Yah Walleth Book 2) K -11

Kabanata – 11 ‘Si Derek’

“Pare, tawag ka ni Kashile, pupunta daw kayo sa Palasyo,” ani ni Larry.

“Parang lagi ako ang nasasama ‘dun ah!”.

Tinapik ng kasama ang binata sa balikat. “Ikaw pa lang kasi ang walang permanenteng area, Tol. Kaya ganu’n. ‘Yang area mo ay bihira ‘yan gamitin kasi.”

“Ah, ganon ba.”

“At tingin ko ay paborito ka ni Kashile. Ampoge mo kase. Hmmm…,” ani Larry sabay pisil sa pisngi ng binata.

“Hahahaha! Langya ka.”

“Bading ‘yun,” bulong ng kasama. “Kita mo naman sa kilos. Naglalalaki-lakihan lang ng boses ‘yun kapag kaharap si Amo.”

Naalala ni Randy ang reaksyon ni Kashile nang makita siya nitong hubad at ang hawak niyang pantalon ang pinantakip niya sa kanyang pribado.

Mga limang segundo din itong nakatingin at tila lihim na sinisipat ang kanyang itinatago.

Inaasahan niyang magagalit ito dahil para lamang sa bisita ang washroom na iyon pero may bahagyang ngiti sa labi nitong sinabi na: “Lets talk later.”

“Tingin ko nga. Hehehe! Sige, nasaan ba ‘yung berdeng dugo na ‘yun?” nakatawang anang binata

“Nasa Kitchen. Mukhang may sablay na naman si Alejandro sa putahe niya. Nadinig kong deduction na naman eh.”

“Okey, punta na muna ako,” sabi ng binata habang ipinapaloob ang laylayan ng polo sa bewang.

_____________________

“Putsa! Nang pumunta ako dito, Tol, kasing puti mo ako, eh! Tignan mo ngayon, nag-ala Richard Gomez na ‘ko sa itim,” ani Gary habang hinuhubad ang scuba diving gear.

Ang binata ang care taker at sa lawak ng swimming pool sa palasyo ay kailangang gumamit ng ganoong kasuotan si Gary kapag may didikitang tiles na sira, mga batong nalaglag o mga duming kailangang kudkurin sa malalim na bahagi.

“Parang mas pogi ka ‘dun, Tol,” sagot ni Randy.

“Apirrrr!” nakatawang sabi ni Gary.

“Pinakukuha ni Kashile ang susi sa water pump room.”

“Bukas ‘yun, nandoon si Engineer Derek. Puntahan mo na lang. Kailangang matapos ko ito, bibisita daw bukas si Amo,” sagot ng kayumangging binata.

Halos kabisado na ni Randy ang pasikot-sikot sa labas ng ginagawang Palasyo gawa ng lagi nga itong kasama ni Kashile para mag-inspeksyon.

Nang madaanan niya ang Tree House sa Dates garden na noo’y mga nakatali pa ang mga dahon gawa ng bagong tanim pa lang ang mga puno ay humanga siya sa ganda ng yari ng bahay-bahayan.

Saglit na naglakbay ang kanyang diwa na sa loob nun ay silang dalawa lamang ni Pinky.

Nakapikit pa siyang ninanamnam ang malambot nitong labi.

At nang matapos ang mainit na halik ay nagulat siya pagmulat ng kanyang mata sapagkat ang maamong mukha ni Devie ang kanyang nakita.

Muli ay nakadama siya ng kakaibang kaba.

Pinili niya ulit na iwasan ang isinisigaw ng kanyang puso na umiibig ito sa dalaga.

Na nangungulila ito sa pagmamahal ni Devie.

Tumalikod si Randy at mabilis na lumayo sa lugar na iyon.

“Bosssss, ano’t nakasimangot ka na naman d’yan?” nakatawang sabi ni Randy kay Engineer Derek.

“Yang Amo mo. Sarap batuhin nitong yabe tubo eh,” sagot ng inhinyerong mahahaba ang ngipin at hawig sa komedyanteng si Apeng daldal.

“Hahahaha! Habambuhay na pagkabilanggo ang parusa ‘dun, saka limampung latigo kada biyernes, Boss.”

“Nakakaloko kasi. Gusto ba naman sa mga motor ay walang maririnig na ingay. Saan ka nakakita ng ganon?” reklamo ni Derek.

“Huwag ka nang mag alala, Boss. Kaya nga ko nandito ay para kuhanin ang susi nito. Me nakuhang kontraktor si Amo para isound proof itong water pump room,” pagbabalita ng binata.

“Susunod din pala sa suhestion ko. Pinahirapan pa kami dito.”

“Gusto lang ‘nun maka-discount. Alam mo naman ‘yun, mayamang switik,” ani Randy.

Nagpunas ng kamay ang lalaki; “Lugi na nga kami sa pasahod sa dami ng reklamo niya dito eh. Halos wala nang natira sa retention fee namin,” saad nito bago iniabot ang susi. “Bukas naman ‘yung kandado, ako na magpa-padlock.

“Sige, Boss, alis na po ako,” paalam ng binata.

_____________________

Pagbalik ng binata sa Villa ay umalis na agad si Kashile para maglakwatsa gawa ng wala si Hambal at nasa tatay niya.

Pagtapat niya sa gilid ng hagdan ay agad niyang inilabas ang Nokia 5110 at nagtext kay Pinky.

“Di k b babb? Mis n mis kta.”

Nakatingin siya sa screen at naghihintay ng reply nang biglang;

“Hi!” nakangiting bati ni Glenda na nakatayo sa hagdan habang ang kamay ay nakakapit sa barandilya.

Bagamat nagulat ay: “Hello,” sagot ng binata.

Matagal na niya itong kilala. Ang babae ang huling pinag-aabutan ng pagkain ni Madam at kagaya rin ng proseso ng pagbibigay ng pagkain kay Hambal.

Pero ngayon lang niya ito makakausap dahil ayon kay Roger ay halos tambak ang trabaho nito sa mini kitchen sa itaas kung saan dun na ginagawa ang mga salad at mga sandwich ng babaeng Amo. Nandoon din ang ice cream, cake at marami pang iba. Kasama na rin ang paglilinis ng kuwarto ng babaeng Amo kung saan nandoon din ang tatlong anak.

Kuwento pa ni Roger ay tinatawagan na lang ni Hambal o pinapupunta sa kuwarto ng huli kapag gustong makipag loving loving.

Dating masahista ni Hambal si Glenda pero mula nang tumakas si Alex ay ibinigay na ang una kay Madam.

Si Michael ay pinaturuan kay Joy kung paano magmasahe at siyang ipinalit kay Alex.

“Tama si Maricel. Ampogi mo at yummy,” prangkang anang babae na iniliyad ang dibdib.

“Tama si Gary, hawig ka nga ni Nanette Medved,” sagot ng binata.

Nangislap ang mata ng babae. “Nagkita pala kayo. Alam mo nililigawan niya ako,” kinikilig na anito.

“Sabi nga sa akin ay ilakad ko daw siya sa ‘yo,” pambobola ng binata.

Naalala ni Randy ang usapan nila ni Gary. Bago daw nagbakasyon sa Geneva sina Madam ay nagpunta daw ito sa ginagawang palasyo para bisitahin ang lady diwania function room. Nagkaroon ang kasama ng pagkakataong makilala at makausap si Glenda.

“Grabe, Tol. Kahit may idad na, nakaka el pa din. Ang lakas ng sex appeal. Kamukha ni Nanette! Ilakad mo ko, ha,” ani Gary.

“Eh, sumbungera daw ‘yun. Baka madisgrasya ako,” sagot ni Randy.

“Sige, kunin mo na lang ang cp #. Madalian ang pag-uusap namin nun eh. Takot kasi kami ke Madam. Sa text ko titirahin,” anang kasama.

“Hahahahaha! Titirahin talaga ha. Sige, tatanungin ko si Roger, siguradong alam ‘nun.”

“Eh kamusta naman ang lagay ni Gary sa ‘yo?” panghuhuli ni Randy kay Glenda.

“Sasagutin ko na mamayang gabi. Hihihi!” mahinang anang babae.

Pinigil ng binata ang sarili na matawa. “Talaga?” kunwa’y tanong na lang niya.

“Oo, ‘wag mong sabihin, ha,” pabulong na anang babae.

“Siyempre naman. Baka sa halip matuwa ‘yun sa akin, magalit pa,” ganting pabulong ng binata.

“Ha? Bakit?”

“Nasabi niya sa aking galit daw siya sa mga sumbungero’t sumbungera eh.”

Natahimik si Glenda at pagkuwa’y “Sige, akyat na ‘ko, baka hanapin ako ni Madam,” anito bago patakbong umakyat.

Naiwang tumatawa si Randy.

“‘Wag k magkwen2 kay Glenda,” message ni Pinky pagtingin n’ya sa kanyang cellphone.

Bababa daw sana ang dalaga pero nakita nitong kausap niya si Glenda.

“wla nman me cinabi s knya. Kilala ko un,” reply ng binata.

“Bihira n tau magkkita. Si Joy n ang maglalaba s mdaling araw,” message ng dalaga. “aq magpplantsa.”

“minsan magvolunteer ka kay joy n ikaw maglalaba?”

“d ppyag un.”

“Bkit?” tanong ng binata. “ok nga un ah. Mkktipid sya ng pagod.”

“sila kc ni Michael,” reply ng dalagang ikinagulat ng binata.

“nhuli q cla s laundry nagse6” sunod na text nito na lalo niyang ikinabigla.

“Buti p cla,” biro ni Randy.

“Ayaw q ng gnun. May bf n aq.”

“Akla q b tau?”

“Hindi”

“Ba’t pumapyag kng mkipaghlikan s akin?”

“naglilibang lng me. Gya mo. May gf k din di b?”

“Mahal kta.”

“d 22o yan. S dmi ng beses n hinahalikan m q di mo nsabi yan. Now lang. Wag m lokohin srili mo.”

Natigilan si Randy.

“Aus lng skin. Special friends tau. Kung may chance n magkis tau ulit, ok lang bsta hanggang dun lng. nagpromis k d ba?” message ni Pinky.

Tahimik ang binata. Hindi malaman ang isasagot.

“cge h. Tawag aq ni Madam.”

“ingat k lagi. I mis u,” reply ng binata.

Sa loob ng kuwarto ay pumatak ang mga luha ni Pinky.

“Hindi kita mahal, hindi. Alam ko, panakip butas mo lang ako dahil kamukha ko ang gf mo,” bulong ng dalaga. “Pareho lang tayo. Kamukha mo ang bf ko.”

Naupong lulugo-lugo si Randy sa living room at inisip ang sinabi ng dalaga.

Bakit nga ba hindi niya nasabi ang ‘I love you’ sa daming beses na hinalikan niya ito?

Bakit nadarama niyang mahal siya ni Pinky?

Naisuklay niya ang daliri sa buhok. “Tama ba ang ginagawa ko?” bulong niya sa sarili.

Tumayo ang binata at nagpunta sa kanyang kuwarto.

Binuksan niya ang kanyang cabinet at mula sa bag ay inilabas ang pitaka’t tinitigan ang perang pinigil niyang ipadala kay Devie gawa ng nararamdaman niya kay Pinky.

Nanumbalik sa kanyang isipan ang sinabi kay Devie.

“Hanggat nagkakalaman ang ATM na ‘yan ay tanda ‘yun na mahal kita.”

“mag iisang taon nang ‘di ako naghulog kahit isa,” sa kanyang isipan.

Itutuloy…

Kabanata  10 –  http://definitelyfilipino.com/blog/randy-yah-walleth-book-2-k-10/

Kabanata 9 –  http://definitelyfilipino.com/blog/randy-yah-walleth-book-2-k-9/

Kabanata 8http://definitelyfilipino.com/blog/randy-yah-walleth-book-2-k-8/

Kabanata 7 –  http://definitelyfilipino.com/blog/randy-yah-walleth-book-2-k-7/

Kabanata 6 –  http://definitelyfilipino.com/blog/randy-yah-walleth-book-2-k-6/

Kabanata 5 —  http://definitelyfilipino.com/blog/randy-yah-walleth-book-2-k-5/

Kabanata 4 —  definitelyfilipino.com/blog/randy-yah-walleth-book-2-k4/

Kabanata 3http://definitelyfilipino.com/blog/randy-yah-walleth-book-2-k-3/

Kabanata 2  —  http://definitelyfilipino.com/blog/randy-yah-walleth-book-2-k-2/

Kabanata 1  –  http://definitelyfilipino.com/blog/randy-yah-walleth-book-2-k-1/

About mr clown

Hindi po ako writer. Trying hard lang po. Naglilibang lang at baka sakaling sa paglilibang ko ay malibang din kayo. Oh, e di everybody happy. Hek! Hek! ~ mr clown c")