Randy (Yah Walleth Book 2) K-1

Kabanata 1 – Si Devie

“Ba’t…?” agad na tanong sa isipan ni Randy nang makita ang loob ng tirahan ng kasintahang si Devie.

“Upo ka muna, magbibihis lang ako, ha.” anang katipan.

Inantay niya talagang lumabas ito sa pinapasukan at pinilit ang nobyang ihatid sa tinutuluyan.

“Okey, Love,” malumanay na sagot ng binatang nakapamulsa ang dalawang kamay.

Pagkatalikod ng dalaga’y muli niyang inilibot ang paningin.

Sa nakita niyang interior design at mga gamit ay maraming katanungan ang gumulo sa kanyang isipan.

Tanging may kaya sa buhay lamang ang maaaring tumira sa ganito kahit pa sabihing nangungupahan lang sa maliit na apartment na iyon.

Oo, maliit tignan sa labas, pero pagpasok ay pagkalaki-laki pala.
May kalakihan para sa nag-iisa lang na nakatira.

Napadako ang kanyang tingin sa isang family picture na nakapatong sa antique console table na nasa tabi ng dingding.

Nilapitan iyon ni Randy at nakilala niya ang kanyang kasintahan kahit na dalagita pa lang doon.

Hinding-hindi siya maaaring magkamali sa Ama nito.

Minsan na nilang naging bisita ang lalaki at ito ay kaibigan ng may ari at kasosyo ng Derek’s Cafe na nasa loob ng Hotel na kanyang pinapasukan.

“Anak mayaman si Devie?” isa uling tanong sa kanyang isipan. “paanong…”

“Magpapaliwanag ako.. love…” kinakabahang sabi ng katipan na nagpalingon sa binata.

Ang hinala kanina’y agad na napatunayan ni Randy na totoo at naging dahilan para siya mapatiim-bagang.

Naalala niya minsang napadaan siya sa isang lamesa habang bitbit ang tray na may lamang order ng customer na nasa lovebirds table.

Napilitan siyang huminto dahil may makakasalubong na mag-asawang lalabas na sa lugar na iyon.

Nadinig niya ang isang babaeng nakaupo doon na: “Basta pogi, proud ang mga iyan na makakabingwit ng mayaman. Kaya ako, sinasakyan ko, idinidisplay ko, tapos kapag hulog na sa akin ay binibitawan ko.”

Tawanan at: “Ganu’n din gawin mo, Devie,” sabi ng isa pang kasama nitong babae.

Mabilis na lumakad si Randy nang makalampas ang mag-asawa para ihatid na ang dalang pagkain.

Sa kanyang isip ay hinding-hindi siya iibig sa mayaman kahit na anong mangyari. Never na makararanas siya ng sakit gawa ng mga ugali ng mayayamang ito.

Tatango-tango na nagsalita ang binata: “Kaya pala! Kaya pala ang bilis mo akong sinagot!”

“Hindi ko alam ang sinasabi mo,” ang umiiyak na dalaga. “Mahal kita. Ikaw lang ang minahal ko,” pagpapatuloy nito.

Si Devie ang lumapit sa kanya noon.

Paparating pa lang ang dalaga ay naakit na agad siya sa magandang mukha nito at kasimplehan sa suot na school uniform.

“Hi, puwedeng magtanong?” sabi nito na ang mga mata ay tila masayang-masaya.

“Naku, naman, ano ba ‘yang assignment mo at ako pa naisip mong pagtanungan? Puro coffee at pagkain lang ang alam ko eh!” nakangiting sagot ni Randy.

Natawa ang dalaga: “You’re funny. I like you.”

“So, ang itatanong mo ba ay kung like din kita?” itinaas ng binata ang kanang kamay at: “Yessss! Yes na yesss!”

Naitakip ng dalaga ang kamay sa bibig para pigilin ang malakas na pagtawa.

Nasa entrance sila ng Derek’s Cafe kung saan ang binata ay ang Captain Waiter.

“Ang laki laki!” ang sabi ng kasama nitong babae.

Nabaling dito ang tingin ni Randy at: “Sino yun? May nagsasalita ah!” anitong kunwa’y ‘di nakikita ang kasama ng dalaga.

“Hoyyyyy! Kundi ka lang matangkad, sasabihin kong nang-iinsulto ka ba?” ang nakapamaywang na babaeng wala pa yatang 5 feet ang height.

Yumuko kunwa si Randy: “Ay, naku, sorry, hindi ko napansin ang kacutan mo. Na-love at first sight kasi agad ako dito sa kasama mo eh. Pero… Kung una kitang nakita, baka sa ‘yo ko naramdaman ‘yun,” sagot ng binata.

Nagpapadyak ang babae: “Ganun! Sayang namannnnnn! Forever na naging babu pa!” bago umarteng isang batang iiyak.

Napatawa ang binata.

“By the way, siya si Devie at ako naman si Edz.

Pinagmasdan ni Randy ang mukha ni Devie at: “Oo, gagawin kong Forever talaga itong kaibigan mo.”

Para namang biglang may dumagundong sa puso ni Devie sa tingin na iyon at sa sinabing iyon ng binata.

Hindi niya maipaliwanag pero naramdaman niyang masayang-masaya siya sa oras na iyon.

“Itatanong lang namin kung saan ‘yung Tour Wonders? Doon kasi kami naka-assign mag-practicum,” ang nasabi ng dalaga.

“Ah. Tourism student ka pala,” nakangiting sabi ng binata. “Eh, siya?” baling nito kay Edz.

“Ganun din! At bakit, hindi ba pang-Tourism din ang ganda ko ha! Nakakadalawa ka na ha!” mataray na ani ng maliit na dalaga.

“Baka lang kako sinamahan mo lang ang pinsan mo. Magkasingganda kasi kayo eh!” pambobola ng binata.

Bumulong si Maricel sa kaibigan: “Puwede ba akin na lang siya. Ang lakas ng dating eh. Tingin ko walang dull moment kapag ito naging forever ko.”

Sumagot nang pabulong din ang kaibigan: “Ang totoo parang na-love at first sight din ako. Kaya sorry. Hihihi!”

“Ayyy!” sambit ng nagulat na dalaga dahil nadikit ang labi ng binata sa kanyang pisngi gawa ng pagbaling ng kanyang mukha ay nakadikit pala ang tenga ng binata na anyong nakikinig at:

“Nadinig ko yun. Hehehe!” nakangising sabi ni Randy. “So, tayo na, kasi the feelings is mutual plus na-1st kiss mo na rin ako eh!”

Napatingala ang dalaga: “Gosh, ano ito?”

“Ano pa, eh di in relationship ka na,” sagot ni Edz.

Natawa ang dalawa.

Patay malisyang hinawakan ni Randy ang kamay ng dalaga bago: “Lika na, Love, sasamahan ko na kayo sa Tour Wonders office.”

“Abah! Love na. Maibalita nga sa Pap…” si Edz pero hindi natapos nang panlakihan siya ng mata ng kaibigan.

Ikinapit pa ng dalaga ang isang kamay sa braso ng binata at: “Tayo na, Maricel. Baka doon ka naman makakita ng ganito,” masayang sabi nito sa kaibigan.

Pagkahatid sa dalawa ay nagpaalam muna ang binata na babalik sa trabaho.

“Sa amin na kayo mag-lunch, ha. Ako na ang bahala sa bayad.”

“Sige, love,” sagot ni Edz na nagpangiti nang husto sa binata.

Kinurot ni Devie ang kaibigan: “Taken na nga siya eh.”

“Hmpp! Kung naging mas mataas ako sa ‘yo, akin sana yan eh!” pagbibiro ng kaibigan.

“Sige na, Love, pupunta na lang kami ‘dun mamaya.”

Mabilis ang kilos ng binata at nagawang halikan sa pisngi si Devie at: “Bye muna. I love you.”

“Bye,” ang parang nawala sa sariling sagot ng dalaga.

“Hindi kaya si Superman ‘yan at naka-disguise lang?” si Edz.

“Ano ang ipapaliwanag mo? Bakit pa? Para paikutin ulit ako?” sa nakakalokong anang binata sa katipan.

“Hindi…” seryosong sagot ng dalaga.

Ngumiti si Randy: “Ganyan talaga kayong mayayaman eh! Basta may itsura, gagawin ang lahat para may mapaglaruan!”

Nangilid ang luha sa mga mata ng katipan: “Alam mong hindi ako ganun, ”di ba?”

Limang buwan na rin silang magkasintahan at labis-labis ang kabaitan at pagmamahal na ipinakita sa kanya ng dalaga.

“Yan ang pagkakaalam ko noon, hindi na ngayon!” sagot ng binata sabay kabig sa dalaga: “Ikaw ang ilalaglag ko!” kasunod ay mapusok na halik.

Naging mapangahas ang mga kamay ni Randy sa katawan ng katipang bagama’t hindi tumututol ay umaagos naman ang mga luha.

Kahit na galit ang nasa kanyang dibdib habang inaangkin ang minamahal na nobya ay hindi nakaligtas kanyang isip ang kainosentihan nito sa bagay na iyon.

Tila binuhusan siya ng malamig nang matuklasang siya ang unang lalaking umangkin kay Devie.

Tahimik na umiiyak ang dalaga pagkatapos ng lahat habang si Randy ay sising-sisi sa kanyang ginawa.

Itinakip ni Devie ang kumot sa katawan bago tumayo at nagpunta sa bathroom.

Nag-alala ang binata nang magtagal ito doon kaya naisipan niyang sundan.

Nakita niyang naglalaba sa lababo ng kanyang pang-ibabang saplot ang dalaga habang umiiyak.

Lumapit siya dito at niyakap ang katipan.

“May dugo huhuhu!” umiiyak na sabi nitong nakatingin sa nilalabhan.

“Pakakasalan kita,” seryosong ani Randy.

“Huwag na, uuwi na lang ako sa amin. Huhuhu!”

Hindi malaman ni Randy ang gagawin.

Nagtatalo ang kanyang isipan at puso.

Itutuloy…

About mr clown

Hindi po ako writer. Trying hard lang po. Naglilibang lang at baka sakaling sa paglilibang ko ay malibang din kayo. Oh, e di everybody happy. Hek! Hek! ~ mr clown c")