Private Jane #002

Private Jane
"Natapos ang lahat kasabay ng pagsisimula ng tag-ulan."

Manipis na bath robe lamang ang tanging saplot ng kanyang katawan paglabas ng banyo, nagsindi ng yosi, at humarap sa bintana. Mababanaag mula sa liwanag ng bukang-liwayway ang ganda ng hubog ng kanyang katawan na lalong kumokorte sa satin na suot.

-“Mag-uumaga na, sana nakatulog nang maayos si Janela.”, bulong ni Jane sa sarili.

Lumakad ito papunta sa gilid ng kama at pinatay ang sigarilyo sa ashtray na nakapatong sa side-table. Dinampot ang nagkalat niyang underwear sa paligid ng kama. Nagkalat ito matapos ihagis ng customer niya habang isa-isang inaalis mula sa kanyang katawan kasabay ang sobrang laking mga ngiti dulot ng matinding pagnanasa.

Medyo pilyo ang naging parokyano niya, palibhasa ay pamangkin ng politiko, nasa early 30’s, mayaman, at may kahanginan, hindi nalalayo ang edad nila.

-“Marahil galing sila kagabi sa isang sosyal na private party”, naiisip niya; dahil nakapusturang damit nito na animo’y a-attend ng js prom, naisip ng tiyuhin nilang buwaya na patikimin ng konting laman ang mga pamangkin, dahil nga sa suki na ang kanilang bugaw na si Pancho ng poltikong yun kaya sila yung nadali.

Bagsak pa rin sa kama ang lalaki. Humupa na din siguro ang karga nitong items kaya ayun, comatose ang gago. Nasa sasakyan pa lamang sila papunta sa motel ay panay na ang himas sa iba’t-ibang parte ng katawan niya, iba talaga ang tama pag naka-ecstasy.

Tag-init.

Laging bilin sa kanila ni Pancho na huwag munang aalis o iiwanan kapag tulog o wala pang pahintulot ang parokyano nila. Katwiran nito, hindi basta-basta ang negosyo niya. Kahit sa kalye lamang naka-display ang kanyang mga alaga, malalaking pangalan sa iba’t-ibang industriya at politiko ang mga normal na kliyente niya.

Limang taon pa lamang ang kanyang anak na si Janela nang makilala niya si Pancho dahil sa isang pinsan nagngangalang Linda. Matipuno ito, astang siga, animo’y may hepatatis dahil nanlilimahid sa mga gintong alahas ang katawan, may-ari ng isang maliit na pub sa may Agham malapit sa dating inuupahang bahay ni Jane kaya madalas madami itong bodyguard na GRO.

Istrikto sa mga alagang babae si Pancho, pero propesyonal ito pagdating sa pangbu-bugaw. Hindi niya ginagalaw ang mga babaeng kanyang hawak, lalo na kapag birhen. Mas gusto niya kasi ang kikitain na salapi kesa punan ang kasabikan ng laman. Isa pa marami naman siyang naka-reserbang babae na puwede niyang angkinin ano mang oras.

Nais na sanang gisingin ni Jane ang lalaki, nananaig na sa kanyang isipan ang kasabikang makauwi at makasama ang anak, kaarawanan pa naman nito ngayon. Pangako niya nang nagdaang gabi sa anak na uuwi siya nang maaga bago pa man ito magising para siya ang unang babati dito. Pero hanggang sa mga oras na ito ay ibang tao ang hinhintay niyang magising mula sa mahimbing ng pagkakatulog.

Segundo, minuto, oras, ang lumipas bago dumating ang pinkahihintay niya. Bumangon mula sa pagkakahimbing ang lalaking kanina niya pa hinhintay magkabuhay ulit.

“Sa wakas makakauwi na din ako,” naisip niya.

-“O bakit nakabihis ka na?” usisa ng lalaki habang pinupunasan ang mga muta sa mata.

-“Tapos na ang oras natin at malapit nang pumutok ang liwanag.” maikling sagot niya.

Basa ni Jane sa mga mata ng lalaki na gusto pa nitong umisa, pero inunahan niya ito sa pagkilos na akmang siya ay paalis na at hinihintay niya na lang talaga na magising ang lalaki.

-“Pero bitin pa ko..” tila batang usal ng lalaki,

-“Hindi na maaari ang iniisip mo, kung gusto mo ibibigay ko sa ‘yo ang number ko at ikaw na ang bahalang umayos sa susunod nating pagkikita.” malalanding salitang binitawan ni Jane habang hinihimas ang lalaki sa ulo. Napasunod niya naman ito at kinuha ang cellphone upang i-save ang numero ni Jane.

Kinuha din ni Jane ang kanyang cellphone at binuksan ito. Ugali na niya kasing patayin ito kapag mayroon siyang customer, upang walang sagabal at minsan ay ‘di ito kaaya-aya sa mga guest. Mabuti nang maging off the grid sa ganitong uri ng trabaho.

Matapos makipagpalitan ng number ay inabot na ng lalaki ang bayad kay Jane sabay himas sa bandang dibdib nito na tila ayaw paawat. Natigil lamang ito nang pumasok na ang lalaki sa banyo upang mag-shower. Nagpaalam na si Jane habang nasa loob ang lalaki, ngunit bago tuluyang lumabas ng kuwarto ay may ilang bagay mula sa side-table ang kinuha si Jane at isinilid sa isang plastic container sa loob ng kanyang maliit na shoulder bag.

———————————-

Halata mula sa nagkalat na upos ng sigarilyo sa gilid ng isang itim na sasakyan na kanina pa ito nakaparada doon. Matiyagang naghihintay mula sa loob ang isang lalaking kahit sa hindi pa ganoon kaliwanag ay nakasuot na ng shades. Bawat sandali ay nagsisindi ito ng sigarilyo pang-palipas oras habang may specific na taong hinihintay na lumabas mula sa pulang gusali.

Sumulyap sa relo, menos-diyes bago mag ika-anim ng umaga.

-“Mukhang napalaban ah,” sambit niya sa sarili habang hinihimas ang mga patubong balbas.

Magsisindi pa sana siya ng sigarilyo nang biglang may babaeng lumabas mula sa gusali. Mabilis ngunit tiyak ang mga kilos nito na tila kabisado ang bawat hakbang na gagawin.

-“Hay salamat!” bulong ng lalaki sa sarili.

Ibinaba ng lalaki ang bintana at nilabas ang kamay hawak ang isang maliit na sobre. Mabilis ang naging pangyayari, maya-maya pa ay hawak na ng lalaki sa loob ng sasakyan ang plastic container na naglalaman ng isang shot glass at ilang pirasong upos ng sigarilyo.

Pag lagpas sa itim na sasakyan sa ‘di kalayuan ay binibilang ni Jane ang laman ng sobre, “Mukhang magiging engrande ang ika-sampung kaarawan ng anak ko.” napapangtiting sambit nito sa sarili.

Itutuloy…

About markcism

Sa isang madilim na dako ng gunita ako'y nagmula, lipon ng mga salita ay pilit kong tinutugma, sayaw ng dahon sa hangin ang tanging inspirasyon, alaala ng kahapon ang tanging edukasyon, kasabay ng paglutang ng ulap ang aking imahinasyon, subalit iyong mapagtatanto, kapag ang pluma at papel ay nagtagpo. for more stories go to this site: http://markcismhw.wix.com/markcism