Positive Reinforcements!

positiveAng sosyal pakinggan ng title ko no?PWES!  Mainggit ka! charot!

Alam kong alam mo kung ano yan. Galing sa Theory ni Skinner na Operant Conditioning. teka, tama nga ba? (oh imba! Hindi ko kasi nakuha sa exam yan kanina. Naalala ko lang kasi the moment na naipadapa ko na yung test paper ko kasama ng ibang test papers ng mga tapos na. Kaya ang sagot ko sa question “reward and punishment” churva. Oh di ba? may sarili akong title ng Theory? oh yeah!).

Any way, natapos kasi kaming magobserve sa mga bata sa isang sosyal na child care center na nakalaan lang para sa mga privileged (tama ba spelling ko?) na anak ng employees ng university na pinapasukan ko.

IBA NGA TALAGA SIGURO ANG CHARM NG BATA.

Kahit simpleng pagsama, pagoobserve at pag aalaga sa kanila for a couple of days, nakakamiss ang kakulitan, at kakulitan pati na rin kakulitan nila. Sama mo rin yung sweetness at kahit minsan katarayan at tantrums nila lalo na ang kakulitan nila. Mga bata nga naman.

Wag kang mag-alala naging ganun ka rin naman minsan sa buhay mo. Yung tipong kaya kang patawarin ng mga magulang mo mula sa mga kasalanan mo basta ngitian mo lang sila (mga batang maghilig mang-uto ng magulang!).

special mention ang dramang to?

“Nakakamiss maging bata. Yung mga panahong si mama lang ang bestfriend mo at si papa lang tanging lalaki sa buhay mo. Kung kelan ang bawat iyak ay kayang tumbasan ng kendi at ang bawat sakit ay kayang pawiin ng sorry. . “

talaga lang teh?itawid mo yan! pero gusto ko yan!

example of familiar scenes?

ate/kuya, [(*turo sa toy) paabot?],[pakuha?],[pahingi?]etc

 >what’s the magic word?

please?

> with a smile?

please?^_______^ 

eto pa.

(pag may nanghingi ito ang dakilang motto na maririnig mo saan mang dako)

-di ba sharing is good?

(pag binigay na)

>what will you say?

thank you

> ikaw what will you say?

you’re welcome ^_____^

eto din

(pag may umiyak)

-sorry:((

meron pa

(pag nagaagawan)

-sharing is good

Hindi ba nakakatuwa na sa murang edad nila alam nilang mag sorry, mag thankyou, mag you’re welcome, mag please at  magshare? Hindi ba’t tinuro rin sa atin yan nung nasa edad nila tayo? Ngayon kaya? Nagagawa o nasasabi ba natin ang mga to?

(I don’t think so-t.liza)

(sa mga batang cute na sadyang masarap panggigilan! Mag artista na kayo pag laki niyo, okay lang meron na kaming hug at kiss mula sa inyo. Kami na rin ang nagpalit ng diaper niyo. At kahit wala ng autograph, kami naman ang kasama at nakawitness sa mga doodles nyo sa mga panahong hindi niyo pa alam magsulat.)

Importante sa mga batang to ang positive reinforcements. Ibig sabihin sa bawat gagawin nila may kalakip na “very good” o kaya “ang galing”! at ang bawat pagkakamali at kasalanan may katumbas ding pagpapaliwanag. Para malaman nila na ang bawat actions my consequences, pag may cause may effect. Pag may nagawa sila may susunod na mangyayari.

Siguro rin tinuro sa atin yun nuon. Sana nagagamit natin ngayon.

Mamimiss ko ang mga batang to. Kahit hindi nila ako maalala pero tulad ng sabi nga ng sabi ni t.M. alam nila na minsan sa buhay nila may nakasalamuha silang ate o kuya na nagtyaga sa kanila. Siguro pwede nang maging reference yun sa buhay nila.

Nakakainggit nga lang.

Sila kasi ang pinakamabigat na problema nila ay kung sakaling may nang agaw ng laruan nila. Na ang pagtulog at pagkain ay ipinipilit pa sa kanila. At ang buhay sa mundo ay kasing simple ng paglalaro.

Ienjoy niyo lang yan ngayon!

Ako kasi hindi naging prepared na mawawala pala sa akin ang mga yun. Pagdating ng panahon maiintindihan niyo kung gaano kahalaga ang tulog at pagkain. At kahit ang paglalaro ng buhay ay hindi kailan man simple.

Ang saya siguro bumalik sa mga panahong nakakatakbo pa ako ng mabilis at walang pakialam kung saan ako nanggaling o kung saan pupunta. Ngayon kasi mas mahirap na. Pero siguro ang importante sa bawat hakbang may natututunan.

P.S.  Salamat sa pagkakataong makasama ang mga batang ito(see you around!) Dahil dun nalaman ko ang kumpletong lyrics ng santa clause is coming to town at ng Rudolph the red nose reindeer sama mo pa ang we wish you a merry christmas at jingle bells. oh di ba? plus, ang modern rock version ng twinkle, twinkle little stars. yeah!

At sino ang makalilimot sa:

Rain, rain go away! Come again another day, little Gerry, little Bragee, little Timmy, little Vreni, little Marianne, little Coleen, little Yna, little Yappi, little Yvonne, little Stella, little Tania, little Julie wants to PLAY!:))

PPS. salamat din sa chocolates ni father Pres at ma’am T.

To the children we’ve handled: Grow up, live life, be happy!

Don’t worry about making mistakes, just learn your lessons.

End the day

-with a smile? ^_____^

ngiti:))

About julie simaurio

"bata" ang madalas nilang itawag sa akin, kung bakit, well, sekreto yun pero tingin ko alam mo na. kung sino man ako, depende yun sa sitwasyun ...at sa mood ko kaya siguro ikaw na bahala. . . generally, i sleep. i walk. i eat. i laugh. i go to school. i cry. i smile. i got lots of moods a day. i talk. i value my friends. i'm lazy. i love to read. i love to write. i'm a good listener. i love music and books and movies and having fun I'M A COACH. I'M A PLAYER. i am who i am. i'd like to know you. i still think i'm normal but i have ABNORMALITY ATTACKS:))
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!