Pork Barrel Syndrome – Highest Form of Disenteng Pagnanakaw

Magnanakaw

Tahimik akong nagmamasid  sa kaganapan sa ating bayan. Ang asawa ko na umuusok ang bumbunan habang patuloy na nagshashare ng mga nababasa sa FB tungkol sa “In” na topic. Ang mga kaibigan ko na walang habas ang batikos sa mga pangyayari. Banat doon, banat dito, puna rito, mura roon.

Grabe, masakit na ang bungo ko sa mga naririnig at napapanood. Lahat ay tungkol sa pork barrel. Nagpipiyesta ang mga mga makakaliwa, makakanan, ang mga pula, ang mga dilaw. Lahat ay tinatamaan; si Napoles, mga Senador, mga Congressmen, pati si Mar Roxas at si Pnoy ay ‘di rin nakaligtas. Wala na raw tiwala ang bayan sa Gobyerno, kasi lahat e magnanakaw. Mga magnanakaw silang lahat.

Boom!

Teka, awat muna. Kaunting hinahon muna, baka tayo atakihin sa puso. ‘Di pa naman siguro tayo handang mamatay ngayon dahil sa kunsumi. Halina at ating himayin kung sino ba ang mga Pilipino sa usaping ito.

Noong bata pa ako, kasikatan  pa ng grupong Asin noon. Eto yong panahon na haling na haling ako sa grupo na ito, na pati buhay ko ay umikot sa kanilang mga kanta. Magsabi ka ng kanta nila at kakantahin ko sa yo ng walang kodigo.  Hay. Meron silang kanta noon na ang pamagat ay “Magnanakaw”. Ayon sa kanta na ‘to, ang Pilipino raw ay may lahing magnanakaw. Iba ibang klaseng pagnanakaw, or magnanakaw. Masakit isiping ganito tayo, maaaring ganito rin ang tingin ng mga dayuhan sa atin. Sasabihing nating hindi naman lahat, pero the fact na marami ang gumagawa nito kaya pati yong mga matitino ay nadadamay na rin. Mayroong nagsasabi na arimuhan din o sayang naman, pero whatever it is, pag kinuha mo ang hindi sa yo, pagnanakaw pa rin yon.

Mahaba-haba na rin ang pag-aabroad ko at marami na ring akong bansang narating. Pero sa Pilipinas lang ako nadukutan ng phones nang dalawang beses. Ang mabigat pa nito, nasa loob ako ng SM Mall. Sobrang kampante ba kasi hindi ko akalain na titiryahin ako sa loob ng mall. Ha ha ha. Tanga ko no. Ang  laki ko kaya, tapos nasalihan nang ganun-ganun na lang?

Second time e nagtanda na ako. Inilagay ko ang cellphone ko sa harapang pocket ng pantalong maong together with another cellphone. Sabi ng mandurukot, hello kahit saan mo ilagay ‘yan, kukunin namin yan. Nawala nga sa loob ng LRT. Grabe. Ang bangis no. ‘Di ko lubos-maisip kung paano nagawa. Kaya ngayon pag nasa Pinas ako, hindi lang dobleng ingat ako ngayon. Halos ayaw ko nang lumayo sa paligid ng lugar namin kasi baka mayari na naman ang machong tangang katulad ko. Believe me, laki ng katawan ko at black belter pa sa karate. Grrr.

Pero small time lang ang dinidiscuss ko kanina. Mayroong mas matindi. Tinatawag silang “Honorable”. At hindi barya ang ninanakaw nila. Kaban ng Bayan ang hawak nila. Binigyan natin sila ng karapatan nang iboto natin sila. ‘Yung iba, hindi raw sila ganoon.   Ganun? Bakit ka tumakbo sa puwesto, kung ang target mo lang e buwanang suweldo. Gumastos ka ng mas mahigit pa sa 1000% ng iyong suweldo sa nakaraang eleksyon.

Ang tanong, paano mo babawiin ‘yan kung sa suweldo lang?  Diyan pumasok ang usaping Pork Barrel. Nakalulula sa laki ng halaga. Kung papaano kikita ang mga Pulitiko, ‘yan ang expertise ni Janet Napoles. 70% para sa mg Pulitiko at 30 % ke Napoles.  Mahirap kuwentahin sa laki, nahihirapan nga ang calculator ko eh. Tinry ko na lang sa Microsoft Excel. Nahilo ako sa dami ng zero, kailangang kong gamitin ang comma para makita ko kung million, billion or trillion na.

Para mas maliwanag, nagsearch ako ke Google kung magkano ang 2014 Budget natin and sinearch ko rin ang population natin ngayon. Ang 2014 Budget e mahigit 2.6 trillion, then ang population natin ngayon e mahigit na 98 million. Idivide mo ang budget sa population and roughly, you will get PHP23k per year per Filipino. Sabihin na natin na mga PHP2k per month para sa bawat isang Pilipino. Malaking halaga na rin po para sa mga naghihirap na Pilipino.  Hmmmm. ‘Di ko naman po sinasabi na ipamigay na lang ang budget sa bawat Pilipino, nag-aanalyze po lamang. He he he. Comp and Bens expert po ako. Yihahhh!

Ngayong nahuli na si Napoles. Sisimulan na ang isang Batalya. Nakatutok daw ang buong bayan. Mayroon kayang mananagot o patatagalin lang hanggang mawala na parang bula ulit. Puwedeng mag-create ng bagong usapin gaya ng pambobomba sa mga siyudad natin. Bahala na kung sino ang tamaan. Gising na raw ang taong bayan; ‘di naman kaya sila antukin ulit?

Ako, bilang Pilipino, I’m just crossing my fingers. Susubaybay ako sa kaganapan. Masarap isipin na balang araw e kapag tinawag kang Pilipino e liyad-dibdib kang tatayo at sasabihin mong, “Ako ay Pilipino; ako ay galing sa marangal na lahi.”

Ngayon, kaya mo bang sabihin ‘yan sa buong mundo???

Pasintabi po.

Randy sa likod ng mga letra

Enhanced by Zemanta

About Randy

Photoshooter, Aikidista, Singer & Music Lover, RC Enthusiast, Fashionista, Collector, Poet, Essay Writer, Elex Fanatic, Lagalag, Madaldal Pag May Kausap, Tahimik Pag Walang Kausap, Computer Craze,Mabait na Kapatid, Anak at Ama at Great Lover ni Mrs. Isa sa milyong Pilipinong nangarap ng kaginhawahan sa buhay. Nagpipilit abutin ang kaluwalhatian at ng magising sa katotohanan na ang buhay ay isa palang palabas at ako ay isa lamang sa mga extrang gumaganap.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!