POGI na si Juan!

On lending and borrowing money (Photo credit: eloansdirect)
On lending and borrowing money (Photo credit: eloansdirect)
On lending and borrowing money (Photo credit: eloansdirect)
On lending and borrowing money (Photo credit: eloansdirect)

Matagal na panahon ding lugmok sa kahirapan si Juan – baon sa utang at alipin ng ibang bayan. Ngunit kahit papano’y umahon na si Juan. Bayad na ang mga  utang at ang madungis n’yang pangalan ay unti-unti nang nalilinisan.

Ang dating umuutang, siya na ngayon ang nagpapautang. Maaring asensado ka na ngayon sa paningin ng iba ngunit ang sariling mong bayan ay gaya pa din ng dati. Sadlak pa rin sa kahirapan, salat sa edukasyon at salat sa marami pang pangangailangan. Nagpautang ka kamo sa iba para makatulong samantalang ang iyong mga kapatid ay nakikipagsapalaran pa din sa ibang bayan upang ang pangangailangan ng sarili mong bayan ay matustusan.  Hindi ba maaring lingunin mo muna ang pangangailangan ng sarili mong bansa bago ang pangangailangan ng iba? Charity begins at home, ika nga nila!

Isang bilyong dolyar ang muli mong pangakong ipapautang para sa ibang bayan. Naaawa ka sa mga bansang lugmok sa kahirapan at hindi ka ngdalawang isip na sila’y tulungan. Paano naman ang iyong bayan? Lugmok pa rin kami sa kahirapan. Wala pa ring kasiguraduhan ang aming kaligtasan sa ano mang panganib na dala ni Inang Kalikasan. Bakit hindi kami ang iyong tulungan? Salat sa amin ang karamihan, kumakayod ngunit sapat lamang sa pang-araw-araw na pangangailangan.  Masakit isipin na ikaw mismo ang aabanduna sa amin. Ikaw na inaasahan namin na tutulong para sa kapakanan namin.  Willing naman kaming magtrabaho para sa ikauunlad ng ating bayan, bigyan mo lang kami ng trabaho. Masaya ka ba na nakikita kaming namamasura at nagpapaalipin sa ibang bansa para lang kumita? Bakit hindi mo gamitin ang isang bilyong dolyar mo para sa pag-aaral ng mga kabataan na sabi mo’y sila ang pag-asa ng bayan? Bakit hindi mo ilaan ang isang bilyong dolyar mo para sa kalusugan ng mamamayan? Bakit hindi mo gamitin ang isang bilyong dolyar para sa paghahanda sa panganib na dala ni Inang Kalikasan? Saka ka lamang ba magbibigay pag ilang pamilya na ang lumuha o ilang buhay na ang nawala? Bakit hindi mo gamitin ang isang bilyong dolyar mo para magkaroon kami ng trabaho? Para sabay-sabay tayong umasenso.

Alam naming ginagawa mo ‘yan para magpapogi sa iba, pero worth it ba? Hindi ako sang-ayon dyan. Dahil habang papogi ka ng pa pogi ay balot pa rin sa putik ang Perlas ng Silanganan.

Malayo na sana ang mararating ng Pilipinas sa isang bilyong dolyar na ipauutang ng gobyerno sa International Monetary Fund. Oo, maaring makikinabang ang iba nating kababayan sa pondong iyan, ngunit mas kailangan iyan ng Pilipinas. Oo, naghihirap ang mundo, hindi ba kasama dyan ang Pilipinas?

Juan, bakit hindi mo unahin ang sarili mong bayan bago ang pangangailangan ng iyong karatig bayan? Sana naisip mong paunlarin muna ang lupang iyong inaapakan bago ang lupa ng dayuhan.

author: iamfrozenfire

p.e./kf

About iamfrozenfire

hindi naman talaga ako mahilig magsulat, magbasa pwede pa! pero naisip ko hindi kaya ng memory ko ang pagiisip at pag alala sa lahat ng pangyayari sa buhay ko, buhay mo at buhay natin kaya bakit hindi ko na lang isulat kung ano sa tingin ko ang angkop sa buhay mo, buhay ko at buhay natin... palibhasa babae kaya madalas masaktan, ewan ko b sa mga yan!! bait ko naman 😀
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!