PNOY at ang PINOY (SONA)

Mula siguro ng magkamalay ako at matutong magbasa at magsulat, lahat halos ng mga naabutan kung namuno sa bansa natin ay may mga batikos o pag kundina ng nagagawa kahit pa siguro ito ay magaling o matapat na pinuno.

Batikos dito, puna doon. Yan ang mga madalas kung nadidinig o nababasa sa mga pahayagang nailimbag ang kanilang mga nagawa o klase ng pamumuno. Natural na siguro sa lipunan natin ang humusga o punahin ang kahit maliit na bagay na nagawa ng ating mga lider. Pero meron ba niisa sa atin ang pumuna o pumuri sa maliit na kabutihang nagawa nito. Meron na ba sa atin ang tumayo upang ilagay ang perpektong presidente ng ating Bansa. Kahit na si Cory Aquino na busilak ang hangarin sa ating bansa ay pinukol din ng batikos at makailang tangkang kudeta. Sino at ano nga ba ang hinahanap nating lider? Eto ba ay perpekto at aayon na lang sa kagustuhan ng mga mapagsamantalang tao sa lipunan? Ito ba ay isang lider na lulunukin na lang ang mga hamon ng ng sambayanang uhaw sa pagnanasang makahanap ng perpektong pangulo?.

Itong nakaraang mga taon may isang lider na isinilang sa likod ng pangalan ng kanyang mga dakilang magulang. Isang aksidenting politiko na naupo sa pinakamataas na posisyon sa ating bansa. Hinarap nya ang kaliwa’t kanang problema ng ating lipunan. Sinalo nya ang naghihikahos na pangalan ng ating bansa. Madami ang nagsabi na sya nga! Madami ang pumuna at inihantulad ang kanyang pamamahala sa kanyang mga dakilang magulang, madami ang bumatikos dahil sa kanyang mga iniloklok na kaibigan.

Si NoyNOY isa sa pinakabatang nalagay sa mataas na pwesto sa gobyerno, hinamon ang kapalaran, na pamahalaan o pamunuan
ang bansang akala natin ay magtutuloy tuloy na sa kawalan. Sa kanyang unang mga taon sa panunungkulan ay tinambakan na agad sya ng mga kontrobersya, binato na agad ng mga problema. Madami ang nadismaya, madami rin ang nagalit, ngunit may iilan din na pumupuri sa kanyang unti unting nagagawa sa ating bansa.

Ngayon hinamon na naman sya ng Tadhana. Nalugmok ang bansa natin at dumausdos baba ng dahil sa mga kalamidad na tumama sa ating bayan. Walang sino man sa atin ang handa walang sino man sa atin ang nakakaalam ng kapangyarihan at bagsik ng kalikasan, kahit isa pa sya sa mga tinitingalang lider ng mundo.

Ngayon umiikot sa mundo ng teknolohiya ang pambabatikos sa kanyang pamamahala, dahil sa mabagal na tugon ng pangangailangan ng ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo. Pinupukol sya nang samot saring batikos at pamumuna na nang gagaling sa mga taong nagdudunong dunungan sa batas, mga taong minsan binigyan ng karapatan na pumili ng pinuno pero hindi kumilos para magluklok ng pinuno na nais nila. Mga taong pantas na hindi tinuruan ang mga kulang sa kaalaman na maghalal ng nais nilang mamahala sa ating bayan.

Si NOYNOY presidente ng PILIPINAS, lider ng bansang aking sinilangan. Humaharap sa mga batikos ng mga taong Nagtatalino talinuhan sa pamamahala. Hindi madaling maging lider ng isang bansa na ang karamihan ng mga tao ay utak talangka, na kahit anong mabuti ang itanim mo hihilain ka parin pababa. Mahirap maging lider ng isang bansa kung ang pamumunuan mo ay ang mga taong nagpapanggap ng pagmamahal sa kanilang sinilangan. Hindi masama ang punahin ang kamalian nang isa pero hindi rin masama ang unawain ang kalagayan nya.

Kung ako ang presidente ngayon o ngayong araw na ito, di ko siguro kakayanin na harapin ang sakuna ng buong tapang, hindi ko siguro kayang humarap sa mga kababayan ko na tumatangis sa gutom, hindi ko kaya sigurong makipagusap sa ibang bansa upang tayo ay tulungan.

Kung ikaw ang Presidente ngayon maliligawan mo ba ang bansang ngayon ay tumutulong sa atin. Makukumbinsi mo ba ang mga bansa na maglaan ng malaking pera para sa isang bayan na walang alam kundi ang manghusga at maghugas ng kanilang mga pagkakamali.  malamang hindi.

Si NoyNoy sa kabila ng batikos ay ginagawa parin nya ang mga tungkulin na iniatang sa kanya. Isang pangako na pinanghahawakan nya Xat patuloy nyang panghahawakan. Minsan pinuna ko narin sya dahil sa mga nakapaligid sa kanya. Pero bilang MAMAMAYAN ng bansang ito kailangan ko rin syang suportahan dahil ang kahinaan nya at kakulangan ay kahinaan at kakulangan ko din. Bilang mamayan responsibilidad ko na tumalima sa responsibilidad na nakaatang sa akin.

Si NoyNoy na kahit kailan ay hindi nag negatibo ang tiwala ng mga PILIPINO. tulungan natin sya Bilang isang lider na kumakatawan sa ating lahat. Iisang tabi muna natin ang sisihan. Wag natin kalimutan na sa kanya nagsimula ang unti unting pagmulat ng ating mata sa kurapsyon sa pamahalaan. Sya ang nagbangon at unti unting nagbangon sa ekonomiya ng bansa natin na sinasabi ng ilan na hindi nila maramdaman. Hwag sana nating kalimutan na sa pamumuno nya ay unti unti nating nakukuha ang dangal at respeto ng ibang bansa.

Ngayon sino ang magaling upang palitan sya sa pagkakalugmok. Sinong matuwid upang mamahala sa ating bansa. Ikaw bilang PILIPINO kaya mo bang maging lider ng ating bansa ngayon, kaya mo bang harapin  ang mga batikos ng mga matatalinong tao na walang nagawa kundi ang magingay ng magingay upang mapansin at mahalal sa susunod na halalan.

Hindi kailanman magkakaroon ng perpektong lider ang ating bansa, hanggat may mga latang patuloy na gumugulong at nagiingay, hanggat may PILIPINO na hindi sumusunod kahit sa pinaka simpleng batas ng ating bansa. Alam naman natin na ang BATAS ay hindi perpekto dahil ang mga taong gumawa at nagpapatupad nito ay hindi rin PERPEKTO.

Nawa’y pagpalain tayong lahat. GOD bless Philippines. Bangon Pilipinas.

Posted last NOVEMBER 16, 2013 Kapitanpinoy.net

About jay

freelance blogger, HIV/ AIDS advocate. HIV/AIDS Counselor, . 100 percent Pinoy. follow me @ kapitanpinoy.net or for more question Email me @ [email protected]
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!