“Please Be Careful With Your Post”

Simpsons_social_mediaMeron akong ilang ‘friend’ sa FB na in-unfollow ko. Hindi kami magkaaway, ayoko lang nakikita sa newsfeed ang hinaing at hinanakit niya sa buhay. Kun’di man personal na issue, away-kapitbahay. Walang palya yun, laging ganun. Bad vibes sa newsfeed. Nung una medyo nato-tolerate ko pa. Kaso nung tumagal, ibang level na yung rants sa buhay-buhay. Para bang araw-araw siyang ina-unfriend. Laging galit sa mundo. No choice, kesa naman mabawasan ang 300+ kong friendlist, in-unfollow ko na lang.

Minsan gusto ko tuloy isiping wala sa pananamit o trip na telenobela ang maturity ng isang tao. Nagre-reflect na sila ngayon sa kung ano-anong klaseng status, sa lahat ng social media sites. Tulad ng isang pamangkin kong 1st year high school pa lang. Puro tungkol sa galaxy at alien ang trip, samantalang yung ka-batch ko noon sa college e puro away nila ng dyowa niya ang buong puso niyang bino-broadcast. Take note, kadalasan naka-upper case lahat ng character at hindi bababa sa tatlo ang exclamation point. Intense.

Oo, wala naman talagang pakelamanan pagdating sa trip sa buhay. Kanya-kanya yan. Kumbaga e, praktis ng ‘freedom of speech’, o whatever. Pero ngayong nauuso ang pagiging sensitibo ng netizens, malabo na ang freedom sa pagkakalat ng kahit anong speech lalo pa kung medyo foul at imoral.

Tanong: meron ba talaga tayong freedom of speech?

Wala. As in wala. Speech for freedom baka meron. Dahil kung totoong merong freedom pagdating sa pagsabog ng sariling speech, e di sana walang naglulutangang instant bashers. Isa pang take note, lalong lumalaki ang members ng pagiging bashers, depende sa tatamaang ego at subconscious mind.

Kaliwa’t kanan na nga ang pagtuligsa sa ilang netizens na kung makapag-post ng status e parang nakulangan ata ng IQ pagkasilang. Nagkasunod-sunod ang isyu ng pamba-bash sa mga personalidad na imbes umani ng papuri, flood-like at shares, kalaboso at kahihiyan ang inabot. Ayoko na magbanggit kung sino sila. Sumikat naman na sila kaya malamang kilala mo na sila. Basta, walang clue.

May posibilidad na ang pagyayabang o pagpapapansin sa mundo ng cyberspace ay makatawag-pansin sa ilang utak na naghahanap ng entertainment at temporary good vibes. Pero dahil iba-ibang klase ang utak ng tao, may mga bagay na…

(Click here to continue reading…)

About Juan Mandaraya

Dating gitarista ng iba-ibang banda. Nagdo-drawing kapag bagot sa trabaho at walang internet. Nagbabasa ng libro para antukin at para masabing nagbabasa din. Sabik sa tulog, adik sa kape at fried chicken. Nagsusulat dahil...hindi niya rin alam. Triip lang.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!