Pizza mula sa Poblacion Ardiente! (Magdalena, Laguna)

Sa unang tingin parang pangkaraniwang pizza lamang, hindi perpekto ang hugis, walang magandang packaging na kagaya ng mga pizza na nabibili natin sa mga sikat na pizza restaurants dito sa ating bansa. Pero kagaya nga ng kasabihang “don’t judge a book by its cover”, hindi sa anyo ng pizza na susukat ang tunay na lasa dahil ang pizza na ito ay hindi basta-basta, once na iyong matikman ay talaga namang garantisadong iyong uulit-ulitin dahil napakasarap. Anong sikreto? Ang freshly baked dough nito!

Kamakailan lamang ay aking binisita at tinikman ang maipagmamalaking pizza sa bayan ng Magdalena, Laguna (na kung saan nagaganap ang shooting ng Wildflower TV series ng ABS-CBN).

Noong una, hindi ko inakala na may isang pizzeria sa Magdalena, Laguna na nagluluto ng pizza na tunay na maikukumpara ang lasa sa mga pizza ng Shakeys, Pizza hut at S&R. Hindi lang lasa ng pizza ang nakapukaw sa aking atensyon kundi pati na rin ang presyo nito dahil sobrang affordable. Bilang isang indibidiwal na may layuning i-promote ang lokal na food industry sa Laguna aking inusisa ang man behind the scene, si Kuya Noel, ang may-ari ng Miynandre’ Pizzeria.

“Bakit po ang mura ng presyo ng pizza ninyo?” tanong ko sa owner ng pizzeria.

“Ang intension ko talaga dito sa paggawa ng pizza ay ma-share sa mga kababayan ko ang lasa ng tunay na pizza. Especially sa mga kababayan ko na kapos sa buhay. I want them na ma-experience din nila iyong na-eexperience ng may kaya sa buhay. Iyon bang matikman din nila ang iba’t ibang flavor ng pizza sa murang halaga. May mga nakikita kasi ako na bumibili ng pizza dito, iyon bang tinapay na nilagyan ng hotdog at catsup pagkatapos ay halos isandaang piso rin ang sisingilin sa kanila. Naisip ko na, why not share the true taste? Gusto ko na in my small deeds, mapasaya ko ang mga tao by offering delicious pizza to our customers at a great price, and made with great passion.” Ito ang sagot ni Kuya Noel. “Layunin ko ring makilala ang aming bayan sa pamamagitan ng paggawa ng pizza na abot kaya ang halaga ngunit world class naman ang kalidad!”

Sa halagang PhP 140-180, maaari mo nang matikman ang iba’t ibang pizza flavors kagaya ng Pepperoni, Margherita, Cheezy garlic, Veggie, Spicy veggie, Triple chiz at Meat-feast. Heto ang ilang larawan ng pizza na aking natikman nitong nakaraang Feb. 3, 2018. 

  1. Triple Chiz Pizza

 Ang pinaka-favorite ko ay ang Triple Chiz pizza. Ito ay mayroong double doze ng cheddar cheese, cream cheese at mozzarella cheese. Ang isang box (8 slices) ay nagkakahalaga ng PhP 160.

  1. Cheesy Garlic

Features a creamy garlic Parmesan. Made of fresh garlic! Mozzarella! Olive oil! Freshly baked dough for only PhP 140 (8 slices).

  1. Veggie

The best vegan pizza topped with fresh green pepper, onion, mushroom and black olives for only PhP 150 (8 slices).

  1. Margherita

Made with tomato sauce, mozzarella, fresh basil and extra virgin olive oil for only PhP 140 (8 slices).

  1. Combo Nation

Combines two choices of pizza in one for only PhP 180!

Tunay nga namang napakasarap ng kanilang pizza!

Kaya mga kaibigan! Pizza lovers! Kung mapapadaan kayo sa Magdalena, muli ko kayong hinihiyakat na muli nating suportahan ang lokal na food industry sa bayan ng Magdalena!

Thank you, Kuya Noel, for allowing me to taste your one of a kind pizza! 

 

 

Here’s their menu for additional information!

FYI

-Ang Miynandre’ Pizzeria ay nagsimula sa pizza party na lingguhang ginagawa ni Kuya Noel at ng kanyang batchmates in school. Isang kaibigan ang nag-udyok sa kanya na gawing small business ang paggawa nila ng pizza.

-Ang Miynandre’ ay pangalan ng kanyang bunsong anak. Their small business officially started on July 25, 2017.

-Lahat ng kanyang skills when it comes to making pizza ay sariling aral lamang mula sa videos on Youtube. Ang flavors naman o ang paggawa ng sauce ay natutunan niya sa kanyang kaibigan na Chef sa barko.

-Si Kuya Noel ay graduate ng Fine arts sa UST, kaya bilang isang artist, passion niya talaga ang mag-share ng kakaibang experience sa mga tao. Pabiro pa niyang sinabi sa akin na ang kanyang pizza ay artisan pizza!

-Sa kasalukuyan, ang pizzeria ay for delivery and pick-up only. No dine in yet! Kaya kung nais niyong matikman ang kanilang pizza, dumayo ka na dito sa bayan ng Magdalena! For additional details, kindly visit their Facebook page: https://www.facebook.com/miynandrepizzeria/

  

How to get there:


Private vehicle:

Take the National Highway from Sta. Cruz and turn right to San Luis Road/Pagsanjan-Magdalena Road (Sambat)

Public Transport: 

Ride a bus from Cubao(HM or DLTB Bus Terminal) or Buendia-Taft (DLTB Co/Greenstar/Jac Liner Terminal) going to Sta. Cruz, Laguna and then take the jeepney to Magdalena.

Fare: Cubao to Sta.Cruz is PhP 140/head
Sta.Cruz to Magdalena is PhP18/head

About santy03

Santy: Agriculturist by profession but now a full time scholar student; sometimes loner, adventure lover, frustrated photographer and writer but continuously seeking her passion in writing. Writing helps her to express emotions. She loves to travel and explore new things in different places. She loves nature and everything under the sun. She loves to be connected in the indigenous people and reach the marginalized countrymen. Follow my blogs and wait for my exciting adventures. It's more fun in the Philippines! follow me on twitter #isanggatang03 or my Facebook page: https://www.facebook.com/biyahenisanty03 You can also visit my blogs at: duantheexplorer.blogspot.com biyahenisanty03.blogspot.com
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!