Pinakadakilang Pagmamahal Na Higit Pa Sa Buhay Ko (Pangatlong bahagi)

(Photo Credit: Worldofcyberlovers)

loversSa aming pag-iisa ay naikuwento na niya sa akin ang tungkol sa kanilang dalawa. Nalaman ko na matagal na silang dalawa at may mga pagkakataon na doon na natutulog ang lalaki sa kwarto niya. Alam ng mga magulang niya at nababahala sila dahil nga na babae ang anak nila. Sinagot lamang niya na siya naman ang kaniyang pakakasalan at doon rin naman hahantong ang lahat kaya wala dapat silang ipag-alala. At hindi pala si Paul ang kanyang unang kasintahan meron pang nauna na buong pagkatao niya ay kaniyang ipinagkatiwala.

At dahil nga dito ay naging sunuran siya kay Paul dahil nga sa tinanggap siya sa ganoong sitwasyon kaya kahit anong mangyari ay sa gagawin niya ang lahat para lamang hindi bumitaw si Paul. Akala raw niya ay okey na ang kanilang sitwasyon pero kapag sila ay nagtatalo ay sinisumbat sa kanya ang kanyang pagkabirhen at ipinagmumukha na siya lamang ang maaring tumanggap ng ganoon. At kung hindi masusunod ang mga gusto ni Paul ay iiwanan na lamang siya nito.

Dahil na rin sa kahihiyan sa magulang kung kaya pumayag siya sa lahat ng naisin ni Paul. Kadalasan ay binabale wala siya at malambing lamang si Paul kapag gusto  siyang sipingan. Kapag inaaya niya na lumabas sila ay papaya lamang kung walang trabaho o dili kaya walang lakad ang barkada.

Ganoon ang pagtitiis niya sa kanilang relasyon na akala ng karamihan nilang kakilala ay lubhang perpekto pero naisawalat niya sa akin at napansin ko lamang na umiiyak na siya. Ang ginawa ko ay inakbayan para aluin siya. Hindi namin namamalayan na magkayakap na pala kami ng mahigpit hanggang magsalubong ang aming mga labi at nauwi sa hinding inaasahang pangyayari. At naganap ang lahat sa isang silid na malapit doon.

Pagkatapos ng pangyayari ay tahimik kaming dalawa at ako na lamang ang bumasag noon upang humingi ng dispensa. Sabi niya na mali raw iyon at huwag ko raw sisihin ang sarili ko dahil pati siya ay nadarang sa pangyayari. Sagot ko lamang sa kaniya na hindi ako nagsisisi sa nangyari dahil para sa akin ay dapat siyang mahalin ng tapat at tunay at kung ako ay kanyang pahihintulutan ay hayaan lamang niyang mahalin ko siya

Ayaw niya sa una dahil wala daw akong maasahan at wala siyang maibibigay na kapalit sa aking pagmamahal. Sinabi ko na lamang na karangalan kong ipadama sa kanya ang ibigin siya at hindi ako humihingi ng kapalit. “Bahala ka” ang sagot niya sa akin.

Naging madalas na ang aming pagsasama at sa paglabas ay halos araw-araw dahil nga sa walang panahon si Paul sa kanya at kung dumalaw naman sa kanya ay tumatawag sa akin para kami ay magtagpo kapag umalis na ang bisita niya.

Hindi naglaon ay nahulog na rin ang loob niya sa akin at nahalata kong mahal na rin niya ako pero sinabi niyang hindi siya pwedeng sumira sa usapang kasal dahil na rin sa kahihiyaan niya sa kanyang magulang. Maraming pagkakataon din na kami ay nagsasalo ng kaligayahan at dalawa kaming kahati sa puso niya.

Hanggang nalaman ko na nalalapit na pala ang kanilang kasal.

Tatapusin….

About da_professor

Masasabi kong ako ay jack of all trades, master of nothing. Simula noong bata ako ay marami na akong nasalihan at nainvolved na activities..choir, theater, cubs scout, boys scout; senior scout. Karate, taekwando, arnis. Sali sa legion of Mary, block rosary , youth organization, sumasali sa mga tournament ng basketball, volleyball, bowling, tennis, chess, pingpong at kung ano ano pa. Hanggang ako ay nagkatrabaho, nagkapamilya ay nawala na ang mga aktibidades ko. Ang hindi lang nawala sa akin ay ang hilig ko sa pagsusulat. Siguro bunsod na rin ito ng hilig ko magbasa at magobserba ng mga bagay bagay kung kaya ang aking creative juices ay buhay na buhay pa. Sa kasalukuyan ay nasa gitnang silangan ako na araw araw ay nakikihalubilo sa mga manggagawa dito para siguraduhin ang kanilang kapakanan (human resource) Biniyayaan ako ng limang anak at isa na lang ang nagaaral sa kolehiyo.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!