

Nagiging abala na siya sa mga preparasyon ng kanilang kasal at dahil sa laging hindi mahagilap si Paul ay ako ang madalas niyang nakakasama. Simula sa pagpili ng invitation card, sa pakikipasap sa hotel at pagkaing pipiliin hanggang sa pagsusukat ng kaniyang damit at pagpili ng mga give aways ay nandoon ako. Madalas nga kaming pagkamalan na kami ang magkasintahan, pero sinasagot lamang niya na kami ay magkamag-anak.
May hiniling siya sa akin sa aming madalas na pagsasama; na kung maaari raw na ang una niyang magiging anak ay magmumula sa akin bilang pabaon ko sa kanya. Sabi ko na mahirap yun dahil baka mahalata at sinagot lamang niyang hindi raw dahil may sinusulatan siyang maliit na kalendaryo kung kaya alam niya kung sino ang magiging ama noong isisilang niya. At dahil sa labis na raw na pagmamahal sa akin ay iyon ang bubuhay sa kaniyang alaala.
Nagdadalawang-isip ako dahil parang mabigat ang kaniyang hiling nang sinabi ko na lamang na bakit hindi na lang niya iwanan ang lalaki at sumama sa akin. Ang sagot niya ay imposibleng mangyari yun dahil ang kanyang ama ay may mabigat na karamdaman at kung hindi matutuloy ang kasal ay baka ito pa ang kanyang ikamatay habang si Inay niya ay kilalang alagad sa simbahan nila at isang malaking kahihiyan ang mangyayari kapag nagkaganoon.
Tinanong ko siya kung mahal niya ang lalaki, sinagot niyang minahal niya si Paul noon, pero nang ako ay kaniyang makasama ay nalaman niyang ang buong puso niya ay nasa akin, pero kailangang matuloy ang kanyang kasal. Tinignan ko ang kaniyang mga mata at nakita kong walang ningning sa lumalabas doon, nararamdaman ko na habang nalalapit ang kaniyang kasal ay lalo siyang nahihirapan.
Maraming gabi kaming magkasama at lalong dumarami ang pagsasalo ng aming pagmamahalan at nang dumating ang bisperas ng kaniyang kasal ay buong araw kaming nagkulong sa isang silid. Ipinadarama namin ang init sa isa’t isa at nangako siyang tatapusin lamang niya ang kasal at tatakas siya doon sa lalaki at siya ay sasama sa akin. Sinabi niya ang kaniyang plano na makatapos ng isang linggo ay aawayin niya ang asawa niya sa walang kuwentang bagay at hihiwalayan niya at susunod na siya sa akin at lalayo kami sa lugar na iyon.
Lingid sa kaniyang kaalaman, ako ay kumuha na ng ticket papalayo sa bansa pagkatapos ng kaniyang kasal. Oo mahal ko siya, pero ayokong makasira ng isang sagradong bagay na tulad ng kasal. Niyaya ko siya na kami ay tumakas bago ang kasal, pero mas nais niyang patapusin na lamang ang seremonyas bago sasama sa akin.
Alam kong liligaya kami sa piling ng isa’t isa, pero ayokong isipin ang makasariling bagay at lilimutin ang aking pagtitiwala sa Panginoon masunod laman ang aking gusto. Mahal ko siya, pero kailangan kong bumitaw at yun ang dapat.
Kaya paalaman na, Laila at sana ay mapatawad mo ako sa aking ginawa. Kung makahahanap pa ako ng isang katulad mo ay ayoko nang isipin dahil para sa akin, ikaw lang ang babaeng minahal ko nang higit pa sa aking buhay.
Wakas

- Bukas na Liham para sa iyo, Ging, sa ika-30 Anibersaryo ng pag-iisang Dibdib natin - December 4, 2017
- Araw ng Kalayaan sa Pananaw ng Isang OFW - June 10, 2017
- Balak Mong Manligaw sa Anak KO? P’wes, Kaya Mo ba Ito? - June 10, 2017
- Ang Kabilang Mukha ng Nag-aabroad sa Middle East - June 10, 2017
- Isang Kahon ng Pagmamahal [An OFW Story] - June 9, 2017
- Kung Bakit HINDI Nagloloko ang (ibang) mga Lalaki - June 8, 2017
- Kaibigang Putik, Kaibigang Plastik - August 17, 2016
- Ang Balikbayan Box ng Bagong Bayani - August 25, 2015
- Toni Gonzaga at Paul Soriano – Isang wagas na pagmamahalan - February 2, 2015
- SONA AT ANG ATING BANSA : Part 6 Ano na, kapwa ko mamamayan? - August 1, 2014