Pilipinas: Takot nga ba sa Taiwan?

South China Sea

English: Map (rough) of South China Sea, own w...

Totoo nga bang takot ang Pilipinas sa Taiwan? Bakit kinailangan pa ni PNoy na mag “sorry” pagkatapos pagbantaan ng presidente ng Taiwan na ititigil na ang pagkuha ng mga Pilipinong manggagawa para magtrabaho sa kanilang mga pabrika at mag-alaga ng kanilang may sakit at matatandang mamayan? Takot nga ba si Presidente Noynoy Aquino sa magiging resulta ng kawalan ng trabaho ng ilang OFW’s  at tuluyang pagkasira ng relasyon ng dalawang bansa (kung meron man)? Sadya nga bang mahina ang ating bansa at takot tayo sa mga Taiwanese na suportado ng bansang China?

Ayon sa mga balita, “trespassing” ang ginawa ng 65-anyos na Taiwanese sa karagatan na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa South China Sea. Kung totoo man ang balitang ito, may karapatan ang Pilipinas na parusahan ang sinumang lumabag sa batas ng pagpasok sa ating teritoryo ng walang pahintulot. Sa isang banda, maari din namang hindi sinasadya ang nangyari at inosenteng napunta ang matandang Taiwanese sa ating teritoryo. Marahil nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan at nabaril ng Philippine Coast Guard ang mamayan ng Taiwan. Nakapagtataka lang na agad-agad humingi ng patawad ang pamahalan ng Pilipinas ngayong hindi pa tapos ang imbestigasyon at hindi pa napapatunayan kung sino talaga ang may sala.

Nakakalungkot isipin na wala tayong magawa bilang mga Pilipino para ipagtanggol ang ating bayan. Bakit nga ba hindi tayo makatayo sa sarili nating mga paa? Nasanay ba tayo sa proteksyon ng mga Amerikano at ngayon tayo ay walang kakayahang ipagtanggol ang ating mga sarili? Sadya nga bang huli na ang lahat para paigtingin ang ating sandatahang lakas?

Ito na siguro ang resulta ng maraming dekadang puro pansariling kapakanan lang ang inisip ng ating mga pinuno na namahala at namamahala sa ating bayan. Kung tutuusin, maliit na bansa lang ang Taiwan at kayang kaya natin itong sakupin dahil mas marami tayo sa kanila. Pero wala tayong teknolohiya at mga makabagong armas para ipagtanggol ang ating bayan kung magkakaroon man ng sigalot. Hinayaan kasi natin ang mga namamahala sa atin na waldasin ang kaban ng bayan sa kanilang mga magagarang kotse at mga malalaking mansyon. Iniisip din natin na palaging nandiyan ang Estados-Unidos para tulungan ang mga Pilipino. Sa kasamaang-palad ay marami din silang utang sa China at kung makikisangkot sila sa gulo, maaring magkaroon din sila ng hindi pagkaka-unawaan.

English: President-elect Benigno Simeon Cojuan...
President-elect Benigno Simeon Cojuangco Aquino (Photo credit: Wikipedia)

Ngayon natin siguro malalaman ang kahulugan ng salitang pagmamahal sa bayan. Kailangan ng mga Pilipino ng tunay na lider na magbibigay ng inspirasyon at hindi yung walang paninindigan tulad ng kasalukuyang presidente. Mananatili na lang ba tayong takot at  patuloy na magpapaapi dahil iyon ang mga napapanood natin sa mga Telenovela? Panahon na para harapin natin ang totoong buhay dahil ang kapalaran ng ating bansa ay hindi dapat itulad sa mga teleserye sa TV!

Enhanced by Zemanta

About InsearchofIthaca

Clouie loves travelling around the world, learning languages and cooking. After finishing his Master's Degree in International Business Economics and Management, he now aspires to follow his one ultimate dream of becoming a writer and an author.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!