Perfectly Imperfect (Part 5)

Photo Credit: Clipartof
Photo Credit: Clipartof
Photo Credit: Clipartof

Belle’s POV

“Problem solved. I made Xander quit,” kuwento ko kay Tiffany at Hazel. Lunch time na naman, kaya maingay dito sa cafeteria.

“Xander who?” halos sabay na tanong nila.

“Duh, ‘yung umaagaw ng spot ko!” sigaw ko sa kanila. Minsan, hindi nag-iisip ang dalawang ito.

“Oh, relax lang babe.” sabi ni Liam na umakbay sa akin.

“Oh babe, I am so stressed.”

“I know babe, that’s why mag-relax ka nga lang.”

I sighed. Oh gosh, dagdag problema pa kasi iyang Xander na iyan sa akin. And the principal is forcing me to form an editorial team. I can write well in English, but managing such with my studies is a big challenge. At isa pa, si Xander! Gusto talaga ng school na siya ang lumaban para sa Quiz Battle.

“Guys, do you know what?” napatingin silang lahat sa akin, nag-aabang ng mga sasabihin ko.

“Our school is still considering Xander to fight for the Quiz Battle, I can’t take it.”

“Eh ‘di ba, he quitted na already?” tanong ni Hazel habang hinihimas-himas ang bagsak niyang buhok.

“Yeah, oo nga, are they going to dump you?” tanong ni Tiffany, na iniikot-ikot sa mga daliri niya ang curls niya.

“Dump me? Try lang nila!” sagot ko. The worst things can happen when I am in control.

“Just relax babe, kaya mo ‘yan. Do you want me to take care of that Xander?” tanong ni Liam. I looked at him. The school’s captain of the basketball team is my boyfriend. Ang suwerte ko talaga. He’s so handsome, his face is perfectly shaped, so as his small nose. His lips are simply irresistible, but I haven’t kissed it yet. I hope to, soon.

“Take care of Xander? How?” tanong ko.

“Basta. How do you bully him?” tanong ni Liam. Nagpatuloy sa pagkain sila Hazel at Tiffany.

“I pour water into him, that’s all.”

“We can take it to the next level, baby.”

“No, don’t Liam. Wala na siyang ginagawa sa akin. Let him go.” sabi ko.

“Okay, but I’ll still do things on my way.” sabi niya.

Whatever, Liam.

I want to say that, but it will start a fight so I didn’t. After eating my lasagna, I went to Xander’s table.

“Hi queen bee. Ready na ba ang tubig na ibubuhos mo sa akin?” bati niya sa akin. Kunwari cheerful siya, pero alam kong mainit ang dugo niya. Nasasanay na rin akong Xander ang tawag sa kanya and not any other nicknames. Kasama niya ang mga kabarkada niya mula sa section two.

“Sumunod ka sa akin!” utos ko.

Nagkatinginan ang mga tao sa table nila bago tumayo si Xander. I walked past people walking in to the cafeteria and they automatically gave way to me. Nakasunod naman sa akin si Xander. I went to an empty classroom upstairs.

“You need to tutor me, Xander!” sabi ko.

“Ha? Ano?”

“Tutor me, in Math! ‘Di ba magaling ka doon?”

“Sh*t ka, bakit ako pa?”

“Basta ikaw! Eh, walang available na teachers dito sa school. I’m doing this for the Quiz Battle.”

Nagkamot siya ng ulo. Alam kong gusto na niyang lumabas ng classroom na ito.

“Please, do this. This is for our school.” I begged.

“For our school o para sa ‘yo?!”

Partly para sa akin, partly para sa school. I want to master Math, and I don’t want him to be the school’s representative.

“Matapos mo akong paalisin, ngayon magpapaturo ka sa akin?”

“Please, I’ll pay you. Please, just teach me.” sabi ko.

“I’ll pay you, just teach me.” ginaya ako ng loko.

“Please, Xander. Please,”

Lalabas na sana siya ng classroom pero hinila ko siya, kaya stuck kami sa pinto.

“’Wag, Xander! Xander!” pagpipigil ko sa kanya.

“Bakit hindi nalang ibang estudyante? Madaming magaling sa Math dito!” reklamo niya.

“Ikaw ang pinili ko, because I know you are the best. Please, do this.”

I sound like begging but whatever. After all, this is for the school.

“Sige, pero isang kondisyon.” sabi niya.

“Yeah, right, whatever!”

“Hindi mo na ako ibu-bully, at hahayaan mo akong pagtripan kita!” nakita ko ang saya sa mukha niya pagkasabi niya noon.

Oh gosh, no! Ako, pagti-tipan ni Xander? Never!

“Wow, nice try.”

“Ayaw mo? Eh ‘di ‘wag, hindi kita itu-tutor!” sabi niya, na palabas na talaga ng classroom.

“You won’t tutor me? I’ll tell my dad to cancel your scholarship.”

It’s my time to defend myself. Tumingin siya ng masama sa akin.

“Game, tuturuan kita, pero ‘wag kang bully. Ayusin mo ang trato mo sa akin.” sabi niya.

“Trato ko sa ‘yo? What’s wrong?”

“Tao ako, tratuhin mo ako bilang tao. Hindi basta scholar na kontrolado mo.”

I can hear bitterness in his voice. Am I that bad?

“Okay, fine! We will start tomorrow.” sabi ko. I took a post it from my bag and wrote my address.

“Go here after school tomorrow. Tsaka, don’t tell anyone about this. If someone knows this, you’ll be dead.” sabi ko pa.

“Try me.” sabi niya at ginaya pati ang boses ko.

“Tsaka, isa pa pala. Pantay tayo kapag tutor mo ako.” sabi ni Xander bago tuluyang lumabas ng classroom.

What does he mean? I can’t get this guy.

“Oo na! Sige na! Basta, you tutor me!” sabi ko. Sumunod na rin ako palabas.

Note: This is a work of fiction. Any resemblance to a story, places, name of a person living or dead is purely coincidental.

Part 1: http://definitelyfilipino.com/blog/2013/07/19/perfectly-imperfect-part-1/

Part 2: http://definitelyfilipino.com/blog/2013/08/25/perfectly-imperfect-part-2/

Part 3: http://definitelyfilipino.com/blog/2013/08/27/perfectly-imperfect-part-3/

Part 4: http://definitelyfilipino.com/blog/2013/08/28/perfectly-imperfect-part-4/

Thank you po sa pagbabasa 🙂 Mahaba po ito kaya maraming salamat po sa pag-aabang ^_^  🙂

Thank you po, sobra!

About ememalberts

Playing different personas all day, all night including being a Psych major and a writer. Self-published: My Firsts With Him. If you want a copy, here's the reservation form: https://docs.google.com/forms/d/11_6pQJJbzGUshrezvxyes4tEtvN413Y3PQvO1YNAniY/viewform Reach her thru: memealberts.wordpress.com and https://www.facebook.com/ememalberts
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!