Para sa Taong Sawi sa Pag ibig

Paano mo masasbing may Forever kung ikaw mismo ay di naniniwala dito. Walang mali kung nagmahal ka. Ang pagkakamali mo lang hindi pinili ang taong magmamahal sa iyo at ang taong may karapatang manakit sa iyo.

” Walang Forever sa taong bitter.” nakakatawa na karamihan ng mga nasaktan ay sinasabi na walang forever. May mga nagsasabi naman na may Forever. Forever alone, forever single, Forever Hoping, Forever BITTER, at kung ano ano pang FOREVER kahit Forever Bilena or Forever 21. Ang magmahal ay sadyang kay sarap, parang melodiya sa isang kanta na kahit di maganda ang Liriko ay sasabayan mo talaga at uulit ulitin mong kantahin kahit mali mali na ang tono at ang sinasabi mo. Masakit nga ang magmahal sa taong di ka mahal. Masakit nga ang maloko ng taong pinag laanan mo ng panahon. Ganun talaga di mo kasi naiisip na nagawa mo rin ang manakit noon. At ngayon habang nagpapakatanga ka sa taong mahal mo ay may mga tao naman na nagpapakatanga na mahalin ka. PATAS LANG.

Naniniwala ako sa salitang FOREVER, Yun nga lang di ko alam kung sino ang taong di bibitaw sa pinaniniwalaan kong salita.  “forever is not Enough” sabi ni ate SARAH G.  Pag nasaktan ka talaga namang sobrang guguho ang mundo mo. Umiyak ka “OK” lang yan, umi-iyak ka hindi dahil sa sakit na nararamdaman mo kundi sa mga masasayang pangyayari na naalala mo habang kayo pa. Diba nga ngayon halos lahat ng kanta sa radyo o saan man kahit masaya na s’ya at kahit napapasayaw na ang iba eh iiyak ka pa din kasi akala mo lahat ng lyrics ng kanta ay panama sa iyo. Dati rati di mo pinapansin ang mga lyrics pero ANYAREEEEEEE!! kahit OH OH OH lang sa kanta humahagulgol ka na. Yung totoo? baliw lang?  ganoon talaga di kita masisi dyan. di mo ito papansinin kasi akala mo may forever. OK lang yan umiyak ka pero sana naman H’wag mong ibaon ang sarili mo sa kalungkutan na nararamdaman mo.  Kung gusto mong sumigaw sige lang sigaw ka lang hanggang sa marinig ng taong minamahal mo na nagpakatanga ka ng mahalin mo s’ya.

Di naman mali ang magmahal at kahit kailan di naging mali, hindi lang sya ang tao sa mundo at hindi lang din naman ikaw ang nasasaktan. Masakit din naman sa kanya na iwan ka dahil masakit mawalan ng ginto. nakahanap nga s’ya, na tanso naman s’ya. LOL ( feeling masaya ) ( di ako bitter huh).

Ilang araw na rin naman akong malungkot  na kahit anong pilit kung tumawa eh naalala ko sya. ( shit na malagkit sino ba kasi sya??). ilang linggo na rin trending sa FB news FEED ko ang salitang ” Ang PAg Ibig Ay parang………”  Pucha kahit ata tae ng aso ay magagawan mo ng ganito…. ANG PAGIBIG AY PARANG TAE NG ASO, HINDI MO KAYANG KAININ. ( shit i connect nyo yan. )

Any way highway. We need to be happy and strong, no matter what. Na-realize ko nga ang dami kung kaibigan pero yun lang di ko alam kung sino ang totoo at nakikitsismis lang. Masakit magmahal, OO pero hindi iyan ang dahilan para pasakitan mo ng husto ang sarili mo. Magalit ka, sumigaw ka, OK lang yan wag na wag ka lang tatalon sa tulay ng GUADALUPE . Dahil bukod sa hindi ka marunong lumangoy , Naku baka walang bangkay na makita ang EX mo, dahil baka isang buwan ka hanapin sa maruming ilog pasig, saka isa pa di ka mamatay sa pagkalunod baka mamatay ka sa mga BAKTERYA o anu pa man meron dun.. tsk tsk di magiging maganda ang ala-ala sayo ng mga tao pag ganun. hahaha nagpaka-tanga ka na nga sa pag ibig pati ba naman sa pagpapakamatay nag paka-tanga ka pa din LOL.

Tandaan may FOREVER naman, iyon ay kung papaano mo hahawakan ang salitang FOREVER. H’wag kang matakot Magmahal, Hwag kang matakot masaktan. Pero sana naman ay matuto tayong pahalagahan ang sarili natin, dahil mawawala ang salitang Forever pero ang Salitang “self worth” dapat hindi mawala. Sana lagi tayong may natutunan sa bawat ginagawa natin. IYAK LANG KASAMA YAN. pero MOVE ON MOVE ON din tapos na eh..

Pag humingi s’ya nang SPACE  ibigay mo, kahit kumuha ka pa ng Bed space room sa recto para maramdaman nya na kaya mong wala sya. O kaya pag sinabi nyang kailangan nya ng ORAS, POTA ibigay mo ang orasan ng Manila City Hall, Bukod sa malaki na at least damang dama nya. Pag sinabi nya naman na gusto nyang mapag isa, POTA maghukay ka at ibaon mo sya para malaman nyang mahirap ang magisa at masakit na mawala ka.

Kaya tandaan ang pag ibig ay nariyan lang. Huwag magmadali dahil lahat tayo ay may nakalaang kapareha.

About jay

freelance blogger, HIV/ AIDS advocate. HIV/AIDS Counselor, . 100 percent Pinoy. follow me @ kapitanpinoy.net or for more question Email me @ [email protected]
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!