Para sa mga bashers ng Aldub at mga fans ng Eat Bulaga at GMA

Isa akong Fan ng Aldub, at isa din ako dun sa mahilig mag-pa-trend tuwing may goal sila sa twitter. Kasiyahan na namin na mapa-trend sila at makita sila araw-araw sa Kalyeserye at makita na unti-unti na silang nakikilala.

Alam ko na madaming naiinis at nagsasabi na salbahe ang mga Aldub fans. Karamihan naman sa mga nagsasabi ng gano’n ay yung kalaban ng Aldub. Pero hindi ko naman ikakaila na may ilang pasaway pero sa maniwala kayo at sa hindi mababait ang mga Aldub fans, isa yun sa mga bagay na proud kami bilang fans. Kung hindi naman nila pagsalitaan ng hindi maganda ang Aldub hindi naman kami lalaban. Natural lang sa isang fan na ipagtanggol yung Idol nila pag feeling nila bina-bash yung iniidolo nila, halos lahat naman ng fans ganyan. Kahit mga fans ng KathNiel, LizQuen at Jadine..sila-sila nga nag-aaway-away diba? Natural na yun para sa isang fan.

Noon sinisikap namin na maging friendly kahit sa love teams ng kabilang station, tumutulong kami noon sa Jadines para ipa-trend ang OTWOL (kahit itanong nyo pa yan sa mga fans ng Jadine na lagi nasa twitter) at hindi rin kami nahihya na ipakita ang support namin kahit sa LQ, KN ang masasabi ko na kalaban ng Aldub fans. Pero ang friendly Rivalry na yun nawala at nasira. Simula nang pumasok ang matinding competion.. ang dapat sana “Eat Bulaga vs It’s Showtime” naging “ABS-CBN vs Aldub”

Gaya ng karamihan sa mga fans ng Aldub, ang Kalyeserye sinubaybayan at nakilala namin hindi dahil sa lagi naming pinapanood ang EB, aksidente lang din ang pagkakatuklas (Dahil kung lahat ng fans ng Aldub ay solid Eat Bulaga or GMA fans sana hindi na sila nahirapan noon, hindi ba?)Karamihan sa mga fans ng Aldub ay Kapamilya at mas madalas talagang pinapanood ang mga shows ng ABS-CBN pero dahil medyo nagsawa o na-bored sa mga segments ng “It’s Showtime” kaya ayun palit-lipat ng TV Stations hanggang sa may nakitang kakaiba o nakakatawa kaya unti-unti sumisilip hanggang sa naadik.

Kaya lang simula ng sumikat ang Aldub, ang mga fans ng Eat Bulaga at GMA nagsimula nang maging mayabang, nagsimula na silang mang-asar at ipamukha na nananalo na sila. Minsan dumadayo pa sila sa thread ng It’s Showtime or sa mga Facebook fan pages ng ABS-CBN para lang mang-asar at ipagmayabang na nananalo na sila. Noon pa man, bago pa dumating ang ALdub gawain na nila ang pumunta sa Fan Pages ng ABS-CBN para mang-asar, pero nung simikat ang aldub lalo silang lumala. Halos wala na silang tigil sa pang-aasar sa mga kapamilya para ipagyabang na sikat na ang Aldub. Dahil don nagsimulang masira ang pangalan ng mga Aldub fans at madaming ng naasar sa amin at iniisip na “war freaks” ang mga fans ng Aldub at binansagan pa kaming “Aldogs”. Pero hindi po totoo yun, may iilan na pasaway pero hindi kami war freak.

Sa totoo lang kahit fans ng ALdub inaaway din ng mga Solid EB and GMA fans. Dahil Aldub fans kami, concern kami para sa Aldub at Kalyeserye. Kaya kapag may nakikita kaming parang hindi magada sa Eat Bulaga pinupuna namin at nag-sa-suggest, dahil kung ano man ang mangyari sa EB damay doon ang kalyserye at ang Aldub at gaya nga ng sinabi ko karamihan sa mga fans ng Aldub ay dating kapamilya o casual viewers lang na mas pinanood/pinapanood ang kapamilya shows kaya alam namin kung ano ang pwedeng maging reaction ng mga hindi solid fans. Kasi nga naranasan na din namin yan.

Pero para sa mga fans ng Eat Bulaga ayaw nila na may mapupuna ka na kahit na ano sa Eat Bulaga, feeling siguro nila kahit wala ang fans ng Aldub o kahit na anong gawin ngayon sa kalyeserye at Eat Bulaga, hindi na sila matatalo dahil katwiran nila mataas ang ratings at wala pang nagsasawa. Hindi nila napapansin na madami na din ang hindi na sumubaybay sa kalyeserye at tumigil nang sumoporta sa Aldub kahit na sa pagpapa-trend.

Dahil nga mismong fans ng Eat Bulaga nang-ba-bashed sa mga fans ng Aldub, kapag may napuna kami. Dahil nga feeling nila “The best” ang Eat Bulaga at ang mga writers nito. Nalimutan yata nila na kung walang Aldub at wala ang Aldub Nation wala din sila, na hanggang ngayon malamang hindi pa rin sila mananalo sa mga shows ng katapat nilang station. Nalimutan yata nila na “Aldub fans” kami at hindi solid Eat Bulaga o Solid GMA fans at hindi lahat ng Aldub fans puro GMA shows na lang ang pinapanood at hindi na nanonood ng kapamilya shows.

Kaya kung para sa kanila, nakakainis kaming mga Aldub fans dahil feeling nila demanding kami dahil sa mga concerns namin, nagkakamali sila. Sana maisip nila na hindi kami “Solid fans” ng EB at GMA kaya alam na alam namin ang feelings ng mga Kalyeserye fanatics, pero hindi Aldub fans na kapag nagsawa sa kalyeserye, pag pumangit ang kalyeserye, pwede ulit mag-lipat ng TV Station.

Kaya sa mga bashers ng Aldub fans gusto ko lang sabihin na hindi kami war freak, kung hindi naman ninyo titirahin ang Aldub hindi naman namin kayo papatulan. Kung sinusuntok mo ang isang tao, tapos itinulak ka ng tao na yun.. sasabihin mo ba “Sobrang sama mo! asal kalye ka! war freak ka!” dahil lang nilaban ka nya? Ganun kami, kung hindi nyo titirahin ang Aldub hindi naman namin kayo lalabanan. Kaya kung nilabanan namin kayo wag nyo naman isipin na kayo na ng api at kami ang salbahe.

Sa mga fans naman ng Eat Bulaga at GMA, wag naman sanang sobrang lumaki ang ulo nyo. Kung may galit kayo sa ABS-CBN wag nyo gamitin ang Aldub para makaganti, at mailabas yung kayabangang matagal nyo ng kinikimkim. Alalahanin nyo na walang forever, wag kayo masyado mayabang at sana wag din ninyo gamitin ang Aldub, dahil ang mga fans ang napapasama. Baka dahil sa inyo bumagsak kaagad ang Aldub at pag nangyari yun, kayo din ang nakakahiya dahil sa mga pinag-gagagawa nyo at pinagsasasabi nyo ngayon.

Kaming mga fans ng Aldub, alam namin na hindi forever ang Kalyeserye at darating ang araw na matatapos din yun. Kaya sana i-enjoy n’yo na lang ang Aldub at ang Kalyeserye.

About ADFgirl

I'd rather remain anonymous