Pangit Ang Girlfriend Ko…I Do

(Photo credit: facebook)

 

(Photo credit: facebook)
(Photo credit: facebook)

Walang babae na ‘di nangarap na makahanap ng lalaking magmamahal sa kanya.  Walang sino man ang nangarap na masaktan sa taong mahal n’ya. Walang Eba na ‘di nangarap na sana bago lumagpas ang kalendaryo ng taon ay makasama na sana n’ya ang lalaking nakatadhana para sa kanya.

Ako si Nove, isang OFW dito sa Egypt; libangan na ang dotdotan sa social media. Pampalipas oras sa magdamagan na trabaho at pangungulila sa pamilya.

July 23, 2011 habang kausap ko ang matalik kong kaibigan, bigla na lang itong nangulit na may ipakilala sa akin. Sumang-ayon ako; wala namang masama dahil dalaga naman ako. Pina-add n’ya ako, at nang makita ko s’ya sa camera kung saan kami nag-usap sa ym ko. Puso ko ay biglang kumaba dahil na LOVE AT FIRST ako sa kanya. Kinilig ang puso ko at damdaming ‘di maipaliwanag habang pinagmamasdan ko mukha n’ya sa screen.

July 23, 2011 naging FB friend kami, chat sa inbox biruan at tawanan hanggang sa niligawan n’ya ako! Sabi nga ng ilan pag gusto mo daw ay huwag nang patagalin kaya sinagot ko! Kaya, July 25, 2011 nang maging kami! Isang LDR na pagmamahalan sa social media, puso ko ay sobrang saya at hindi ko makalilimutan ang oras na 10:00 pm nang maging kami!

Isang bagong relasyon, mga kilig moments sa tuwing kausap ko s’ya! Naku naman, ganito pala talaga ang in love! Kahit sa mga chat at tawag eh talaga namang sapol ako sa pana ni Kupido.

Pero, ang panandaliang kiligan namin ay napalitan ng isang lungkot! Dahil saktong pagbukas ko sa Facebook ko ay bumungad sa akin ang isang napakasakit na komento mula sa taong minamahal ko!

” Naku, ‘tol, ‘di ako seryoso sa kanya!  Ang pangit pa!  Girlfriend na pangit!”

Ang sikip ng dibdib ko nang sandaling iyon, hindi ko lubos-maisip kung ano ang mali ko at bakit kailangan akong bastusin nang ganun! Agad akong nakipaghiwalay dahil sa sakit na naramdaman! Isang buwan na walang tawag o text sa pagitan namin! Hanggang sa tumawag ito at umiyak at humingi ng tawad sa akin! Na ituwid n’ya lahat ng pagkakamali n’ya.

Naging maayos na sana ang lahat, ngunit isa na namang katotohanan ang aking nalaman, saktong buksan ko ang inbox. Isang mensahe naman ang nabasa ko, at ang linya na kung tanggap ko ba ang anak n’ya! Ang sakit ng malaman ko, pero andun na yun, nauna ang bata kaysa sa akin, kaya tanggap ko ang anak nila ng ka-live in n’ya dati! At dahil mahal ko talaga siya, tinanggap ko lahat! Mahal ko siya kaya gagawin ko ‘yun; huwag lang masayang ang pagmamahalan namin.

Simula noon wala nang mga lihim, naging maayos na ang takbo ng relasyon naming dalawa.  Bumuo na ng mga plano sa buhay! Akala ko ang relasyon namin ay hindi tatagal pero, dininig ng Panginoon ang aking dasal.

November 18, 2012, isa ako sa libo-libong OFW na masayang umuwi!  Magkahalong emosyon ang aking naramdaman, kaba at sobrang excitement dahil sabay kaming umuwing dalawa!  Sa isang taon at apat na buwang relasyon namin sa social media ay eto, sa kauna-unahang pagkataon ay pagtataggpuin na ang aming landas!

November 19, 2012 isang oras mula sa aking pagdating ay ang paglapag din ng eroplanong sinakyan n’ya.  Damdamin ay ‘di mawari habang hinihintay ko siya sa arrival exit ng airport. Malayo pa lang siya ay kilala ko na ang tindig ng lalaking minahal ko, at ito ang unang pagkikita namin nang personal.  Ang lalaking oras-oras, araw-araw kong kausap sa Facebook at YM ay narito na at isang mainit na halik ang iginawad n’ya sa akin. At sabay kaming umuwi ng Davao para sa pormal na pamamanhikan.

November 26, 2012 isa ako sa pinakamasayang babae sa mundo!  Habang pinagmasdan ang engagement ring ay isang kasiyahan na itong naghihintay sa buwan para ganap na akong MISIS ng lalaking tinupad ang pangako n’ya.

December 8, 2012 kasabay ng isang napakagandang awitin, habang binabaybay ko ang pasilyo ng simbahan… Luha ay nagsipatakan dahil may isang lalaki na naghihintay sa kanyang babaeng minamahal, na sinuotan n’ya ng singsing at dinamitan ng isang eleganteng trahe de boda! Ang babaeng minsan ay tinawag niyang PANGIT, ay   isa nang magandang babae na humarap sa kanya at sabay naming binigkas ang” I DO”…

Ngayon eto na kami, isang bagong mag-asawa na OFW sa dalawang magkaibang bansa, Egypt at UAE.  Malayo man kami sa isa’t isa, ang tiwala ang susi namin sa aming pagsasama. Kaya walang araw na hindi kami nag-uusap dahil naniniwala ako na mahalaga sa mga taong nagmamahalan ang COMMUNICATION.

Sa lahat na mga taong nagmamahalan,  huwag bibitiw o susuko sa isang pagsubok sa relasyon.

Note: “Maraming salamat, Nove, sa pagbabahagi ng iyong buhay pag-ibig; isang karangalan sa akin na maisulat ko it. Best Wishes!”

About jovelyn

Im not a good writer but i love to 🙂 Masaya din, Malungkot din (Karanasan ng OFW) this is my first book under my name as a writer and Sindi Ng Lampara OFW stories book with Raquel D. Padilla and DFBI writers, columnist in Pilipino Star Ngayon Middle East Edition...[email protected] Super kulit at kalog..proud bisdak at tamad na masipag na yaya:)
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!