Pagkahumaling ni Juan de la Cruz sa Baketbol: Bartholomew’s PACIFIC RIMS

Pacific Rims (Photo Credit: Borders)
Pacific Rims (Photo Credit: Borders)
Pacific Rims  (Photo Credit:    Borders)
Pacific Rims (Photo Credit: Borders)

Marami na akong librong nabasa. Buti na lang ang library ang bahay namin (salamat sa kapatid ko) na tuwing uuwi sa bahay ay may bagong dalang mga libro. Lahat ng binibili niyang libro ay maingat na nababalutan ng plastic cover at inilalagay sa bookshelf namin. Minsan naghahanap ako ng bagong mababasa. Naningin ako sa bookshelves at nakapukaw ng pansin ang hard bound book na may jacket cover na kulay orange.

PACIFIC RIMS: Beermen Ballin’ in Flip-Flops and the Philippines’ Unlikely Love Affair with Basketball  Rafe Bartholomew.

Sinuri ko ito, tiningnan ang larawan (cover), nakapukaw ng aking atensyon ang kayumangging lalaki na naka-dunk sa rim. Naka tsinelas lang siya at pati ang mga kalaro nito. Sa isang tipikal na probinsya na may rim at may mga naglalarong kabataan ng basketbol. Binuksan ko binasa ang talaan ng nilalaman. Astig! Kaya agad kong binasa ang unang kabanata hanggang sa nagustuhan ko na itong basahin.

Nagpakilala si Rafe Bartholomew bilang isang  Fulbright American scholar and journalist na nagpunta sa Pilipinas upang malaman ang Urban Legend na Ang mga Pinoy ay nahuhumaling sa larong basketbol. Nanirahan siya sa Pilipinas upang malaman ang kasagutan dito.  Pinag-aralan niya ang kasayasayan, wika at kultura ng mga Pilipino.

Big Game, Small World by Alexander Wolff ito ang librong nagmulat at nagpaisip kay Rafe. Inilahad ni Wolff sa isang kabanata ng kanyang libro ang naging paglalakbay nito sa Manila kung saan ang basketbol ang nangungunang isport at hindi masyadong sikat ang footbol at basebol. Nagpaisip si Rafe dahil sa librong ito. How do we get so crazy about a sport Where height is might? Ito ang naging palaisipan kay Rafe Bartholomew at siyang naging pinakasinasabi ng kanyang librong Pacific Rims.

“Watching the Philippine national character reveal itself through sport” sinabi niya ito sapagkat nakisalamuha siya sa Alaska Aces. Dahil dito naunawaan niya kung paano dumugin ng mga “Filipino fans” ang mga players, ang pakikisama ng bawat manlalaro, paggalang sa mga tagahanga nila at iba pang mga kaugaliang Pinoy. Lahat ng ito ay kanyang inilahad. Ikinuwento nya na inaral niyang mabuti ang Tagalog, nakipaglaro sa mga liga sa probinsya at pagkatapos ng laro ay makitagay sa mga ito. Isinalaysay niya rin ang kanyang obserbasyon kung kahit saan man sulok ng Pilipinas ay mayroong Rim. Ikinwento niya rin ang kanyang matyagang pananaliksik tungkol sa kasaysayan ng Philippine Basketball. Kaya bigla kong naalala sina “Jaworski”, “Abarientos” “Patrimono” at iba pang mga naging sikat na MVPs.

Sa kanyang paglalahad ng kanyang naging karanasan masasabi ko na ako mismo na nagbabasa ng libro ay naging proud sa ating kulturang Pinoy. Hindi kasi matatawaran ito. Ang nakakatuwa pa nga na isang banyaga na gaya ni Rafe ang hiyang at matatas sa Filipino. Inaral niya ang wikang Filipino upang mabigyang kulay at lalim ang pag-aaral ng kasaysayan, lipunan at kulturang Pinoy.

Ngayon alam ko na kung bakit ako kumuha ng Basketball na P.E. noong freshman ako sa UST. Alam ko na rin kung bakit ako mahilig manood noon ng UAAP live man o sa TV lang noong kolehiyala ako. Dahil nasa kultura natin. Ang Pacific Rim ay libro na isinulat ng isang banyagang nakakaunawa sa passion ng mga Pilipino sa larong basketbol!

author:  maningning

p.e./mj

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!