Paghanga sa dalagang-Pilipina (kay Yaya Dub)

(Photo Credit: GMANews.TV)

Kabubukas ko lang Twitter account ko at gaya ng inaasahan ng karamihan, trending na naman ang #AlDub, to be specific it is #AlDub17thWeeksary. Grabi! Wala akong tama o saktong salita na makapagpapahayag sa gaano kasikat itong sina Alden Richards at Maine Mendoza. They deserved it. Magagaling sila at mga propesyunal on screen. Kung makakaharap ko lamang sila’y hindi ko palalampasin ang pagkakataon na hindi sila makilala. Magtatanong ako about sa kanilang mga personal na buhay. Haha. Kung pwede lang sana kahit sa panaginip man lamang.

Sa AlDub, si Nicomaine Dei Mendoza (aka Yaya Dub) ang palagiang kumukuha ng atensyon ko.. Grabi! ang ganda nya promise! she’s a nice girl, a crazy one and lovable kung papansining maigi. Hihi. I don’t know her personally but sa kaunting panahon ng panonood sa kanya on screeen, there is something na napansin kong kaiba sa kanya. Napakasimple kung ihahambing sa ibang mga celebrity sa ngayon, ang kasimplehang siyang nagpapalitaw ng kanyang tunay at natural na ganda, kagandahang hindi nababase sa kapal ng make-up at ng kung anu-ano pang mga nilalagay sa mukha just to look pretty in front of the public.

Dito tayo sa way kung paano nya dalhin ang pagiging tunay na dalagang-Pilipina. Bukod sa pagiging maingat at simpleng manamit at sa pisikal na mga katangian ay marami pa itong maipagmamalaki sa sarili. Kasama na rito ang pagkakaroon ng malakas na karisma, pagiging mahinhin, mapagmahal, mapagkumbaba at marami pang iba  na siyang naturalisa ng pagiging isang Pinay. Maganda na sa labas at lalong lalo na sa loob.

Masasabi kong napakaswerte ng sinumang makakapangasawa ng isang Pilipina na gaya ni Yaya Dub. Maamo siyang tingnan at family-oriented na bata (inuulit ko, hindi ko siya kilala personal at ang ilan sa mga sinasabi ko ay pawang paghinuha ko lamang). Kung paano nya alagaan si Lola Nidora ay simpleng bagay na sumasalamin sa pagiging maalaga nito. Kilala natin siya on screen but if you would go deeper sa pagkilala sa kanya ay ibang Maine Mendoza ang makikilala mo, ang simpleng babaeng tatangkaing pangarapin upang makuha ng sinumang magiting na lalaking makakakilala sa kanya ng lubusan.

About Jiro Magiting

I'm one of a kind of a person who is simple and weird.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!