Pagbabalik (Unang Yugto)

Natigilan sa pagsasalita si Elaine ng mapagsino ang lalaking palapit sa kanyang grupo. Nasa parking space sila ng Arts Venue habang nag aantay na makapasok doon.

“Parang tulad lang din ng dati, actually hahanap na sana kami ng ibang mapupuntahan kaya lang nakita kita. Ganito rin dati di ba?”

 Gulat na napatingin si Erick, sa lalaking biglang nagsalita sa harap ni Elaine, nakuha rin nito ang atensyon ng iba pa nilang kagrupo at sabay sabay na tinitigan si Elaine, lahat ng mga mata’y nagtatanong.

Magsasalita pa sana si Adrian ng may sumenyas na napapasok na sa “Arts”, saka kinausap ang mga una nitong kasama at naki-grupo kina Elaine. Sa pagpasok nagpumilit ang lalaki na siya na ang magbayad ng entrance fee ng lahat, pero hindi pumayag ang dalawang kasamang lalaki ni Elaine. Nagagalit na tuloy ang iba pang mga nakapilang nais na ring pumasok kaya bandang huli’y  napapayag na silang dalawang babae ang malibre ni Adrian.

Sumasabog ang tawanan at palakpakan pati na ang hatawan sa pagsasayaw sa dance floor. Tumatabo ng atensyon ang kuwelang pag kanta ng banda. Nang una’y sumasabay si Elaine sa pulandit ng tawanan, pero natahimik siya ng mapansin na nasa parehong lamesa lang nila si Adrian, nakatingin sa kanya at nagtatanong ang mga tingin nito.

Natatandaan niya si Adrian. Para sa kanya ito ang unang tao na tumulong para madali niyang ma adopt ang trabaho niya bilang Audit Staff sa Electronics firm na pinasukan niya noon. Q.A. Engineer ito doon. Hindi niya akalain na magiging kakulitan niya ito, kasi karamihan sa mga tao sa production area nila ay ilag sa kanya. Bossy kasi. Istrikto pagdating sa trabaho. Marahil marami ring ilag dahil sobrang kagalang galang ang dating nito, mataas, maputi, makinis ang balat at laging malinis tignan lalo na sa suot nitong Q.A. Uniform.

Napakunot ang noo ni Elaine ng may tumapik sa kanang balikat niya. “ Sayaw tayo, Lei” si Adrian.

Gusto nyang tumanggi dahil ang inaasahan niyang mag – aaya sa kanyang sumayaw ay si Erick, di niya namalayan na napatingin siya dito, pero abala itong sinsabayan ng kanta ang musika ng banda.

“Please Lei.” Si Adrian ulit. Nang hawakan na nito ang palad niya di na siya tumanggi pa.

“Hindi mo naman siya boyfriend di ba?” nasa gitna sila ng dance floor waring inilalayo siya sa makakakitang kasama niya. ‘Everyday I Love You’ ang biglang pinagtugtog ng banda. Sweet ang sayaw kaya rinig na rinig niya ang sinabi ng lalaki kahit napakalakas ng musika dahil ang labi nito’y halos dumampi na sa kanyang kaliwang tenga.

“Sino?” gulat na tanong niya rito.

“Si Erick. Kasi parang gusto mo pang magpaalam kanina eh. Ang hilig mo sa Erick no? inilayo ni Elaine ang katawan sa kasayaw at tinitigan ito, habang nakangisi ang lalaki, waring nang-aasar, pero saglit lang nag shift agad sa tila nagmamakaawang mata ang mga titig nito sa kanya at naintindihan niya ang ibig sabihin nun – ang magsayaw sila ulit.

Ewan niya pero malakas ang kutob niya na mang aasar na naman si Adrian ng maupo sila habang pinapanood na lang sa pagsasayaw sina Erick at Nikka.

“Laine, wag mo ubusin agad yang beer natin, mamya pa tayo uuwi, saka magsalita ka naman dyan, panay tagay? No bayan?” pangungulit ni Ritchi na tila tipsy na.

“ Chay naman ikaw nga itong ngayun lang nagsalita ah.” Hay buti na lang nasa kabilang lamesa si Adrian kakuwentuhan ang mga unang kasama nito. Ayaw niyang tumingin sa puwesto ng lalaki baka kasi pag nahuli nito na tumingin siya ay mangulit pa. Laking pasalamat niya ng mag-aya si Ritchie ng sayaw at nalibang siya, mahusay sumayaw ang lalaki at napapagaya siya sa mga dance step nito.

Pabalik na sila sa kanilang lamesa ng pamansing masinsinang nag-uusap si Adrian at Erick parang interesadong intersado ang mga mata ng huli sa makikinig sa kausap.

“Pre, kala ko ikaw si Jerickson, un BF ni Lei kahawig mo eh, Erick din kasi minsan nickname nun.”

“Kahawig ko? Di naman niya sinasabi, sabi nya lang may kapangalan  akong friend nya noon.”

“ Alam mo Pre, yang si Lei dami niyang binasted na manliligaw noon, lahat iniiwasan kaya la masyado friend yan dun sa dati naming pinasukan, di makaporma, ako lang di iniwasan nyan, kasi di ko siya niligawan.” Sabay tawang sabi ni Adrian.

“Adrian please stop it! Kung anu-anong sinasabi mo mamya maniwala sayo yan ipagkalat pa sa opisina.” Waring nag-aasar na sabi ni Elaine.

“Am I like that to you Elaine.” Nagtatanong ang matang tanong ni Erick sa kaibigan. Ngiti lang ang sagot nito sa kanya.

“Alam nyo mga pare, etong kaibigan natin na to, stick to one pag na-inlove.  Basta mahal niya kahit di niya nakikita stick to one pa rin, di nya pagpapalit sa iba.” Umakbay na si Adrian kay Elaine ng sinasabi ito at tiningin niya medyo lasing narin.

“Alam namin yan, loyal na loyal nga yan kay Warren. Ngayun lang naman sumama samin si Elaine eh nakulitan lang siya samin eh. Kahit naman pinapayagan siya ng asawa nya, di agad yan nasama sa mga lakad namin.” Paliwanag ni Nikka habang pinapapak ang malamig na fried chicken.

“Warren?” Gulat na sambit ni Adrian habang dahan dahang inaalis ang pagkakaakap kay Elaine. Oo nga pala sa pag-isip isip niya medyo matagal na rin ala siyang balita kay Elaine at di niya alam na nag asawa na pala ito. Ngunit bakit Warren ang pangalan, hindi Jerickson. Pero bakit nagulat siya nang malaman na nag- asawa na pala ito?

“Kaya lang nakasama namin si Elaine eh nasa Hongkong ngayun si Warren at sinabihan kami na alalayan ang kanyang mahal na asawa para mag enjoy din paminsan minsan.”  Si Nikka ulit. Habang nakatawang nagsasalita.

Naglalakad siya papuntang ladies room nang may humatak sa kamay niya. Si Adrian.

“ I told you to stop telling all those things of the past!” singhal nito sa lalaki.

“Nag-asawa ka na? Kailan pa?” Waring may halong pagtataka ang mga tanong nito. “Kala ko ba si Jerick?

“May anak na rin. 3 years na kami. Hindi ako natutuwa sa mga pinagsasabi mo kanina, so now will you please excuse me.” Sinadya niyang magtagal sa c.r. para mawala ang galit niya sa lalaki.

“Peace offering ko, kakakuha ko lang sa sasakyan, tagal mo ah.” Waring nagtataka habang inaabot ni Adrian sa kanyang kamay ang isang maliit na plastic.

“ Actually kadarating ko lang galing Japan, sa electronics pa rin ako, yun mga kasama ko kanina, sila mga sumundo sakin sa Airport, di pa ko naka-uwi ng bahay nang mag-aya ako dito. Sabi ko sa sarili ko itong supot na’to ibibigay ko sa kahit sinong kakilala, but it happens na hindi ka lang kahit sino, we were friends at sana maging magkaibigan tayo ulit for old times sake. Smile please.”

“Just promise me di ka na magsasalita sa mga kasama ko, sabagay nasabi mo na ata lahat eh.” Sabay tampal sa mukha ng kausap at habang sabay din silang nagtawanan.

About Emode

I write if I am emotionally sad, I write if am deeply happy. I think my emotion is my motivation why I can compose articles because I write what’s on my mind, what I feel and what I dreamed for…
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!