Pagbabalik (Ikalawang Yugto)

Three- thirty na ng umaga nang iwanan niya sina Elaine sa disco, dahil nagyaya na ang pinsang  si Martin, mag–aabay pa ito sa kasalan kinabukasan. Ang kasalan ding iyon ang dahilan kaya nakauwi  rin siya agad agad galing Japan. Importante sa kanya ang kasalang iyon dahil siya ang maghahatid sa kapatid niyang bunso sa altar. Mag-aala sais na ng umaga ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Alam niya, hindi ang kasalan ang dahilan ng excitement na nararamdaman niya.

Natatandaan niya pa ang noon, siya ang personal na pumili kay Elaine para makasama sa yearly Training Program ng kanilang kumpanya na ginanap sa sister company nila sa Cebu. Lima silang galing sa ibat-ibang departamento ang naipadala para sa tatlong araw na Leadership Training Course. Doon niya lubos na nakilala si Elaine at naging dahilan ng kanyang labis na paghanga dito.

“Bakit di ka sumama sa kanila, Elaine?” tinutukoy niya ang mga kasamahang namasyal matapos ang unang araw ng kanilang lecture.

“Magi-guilty lang ako pagsumama ako sa kanila.” Si Elaine habang binubuklat ang brochure na ipinamigay sa kanila.

“Magi-guilty? Bakit Elaine di ka ba masaya na napasama ka dito?”

Magi-guilty rin ako kung hindi ako nakasama sa kabila ng recommendation mo. I know that it’s a break for me para sa lahat ng pagod sa araw- araw  and a break for a better position in the company.

“Then why? Sadness is in your eyes, everybody is excited to be here, ikaw lang ata ang hindi.”

Ang tagal na tahimik ni Elaine, tinigilan na rin ang paulit-ulit na pagbubuklat ng brochure. Pinaglalaruan na lang ito, pinapaikot na lang sa lamesa, kumikilos na tila wala sa sarili at tila wala siya doon. Malalim ang iniisip at sobrang lungkot ang mga mata.

Finally, on their way home from Cebu, naikuwento ni Elaine ang ikinalulungkot nito. November 27 ang unang araw ng kanilang training at ang petsa ding iyun ay kanilang 3rd year anniversary ng kanyang nobyong si Jerickson. Nakapangako daw siya dito na sasama sana siya sa probinsya nito sa araw na yun para maka attend sa kasal ng kapatid na panganay ng nobyo at para makilala na rin ang mga kaanak ng binata. Usapan na nila noon pa at siya daw ang gagawin niyang sorpresa para sa ama na kadarating lang mula Saudi. Pero dahil nga sa Training sa Cebu hindi na natuloy ang plano, ayaw niya tanggihan ang Training Course kaya kinausap niya ang nobyo na di siya makakasama  sa pagpunta ng probinsya. Hindi ito tumutol sa halip sinabihan pa siya na malaki ang matutulong ng pagpunta sa Cebu para sa kanyang working career. Pero alam niya deep inside masakit sa nobyo ang pangyayari.

“Mahal mo siya talaga?” tanong niya sa dalaga.

“Yeah sa kanya ko lang naramdaman yun magic, kahit apat na taon ang tanda ko sa kanya he’s far better than my exboyfriends.”

“It sounds like madami silang nabihag mo before.”

“Kaya nga na compare ko siya eh.” Saka sabay silang nagtawanan dalawa.

Nakangiting inaalala ni Adrian ang nakaraan nang mapansin ang kapatid sa bungad ng pinto.

“Kuya, really I am glad you are here right now, I am so excited on my big day!” si Alma ang kanyang bunsong kapatid na ikakasal.

“To tell you the truth, I am not excited, kasi dapat ako ang maunang ikasal,”

“Hayst, Kuya kasi naman bakit ba ala kang siniryoso sa mga ex-girlfriends mo? Ang gaganda naman? Are you still looking for that girl? Do you want me to help you to do some detective jobs for that?

“ Excuse me, they were not my ex-girlfriends, dahil hindi ko mga sinagot ang mga yun, okey?”

“Wow, parang gusto ng magbago isip ko kung sino maghahatid sakin sa altar, baka kasi liparin ako sa sobrang hangin.” Binato ng unan ni Adrian ang kapatid at sabay na nagtawanan.

“Alam mo, I think I still love her.” Ang hirap nyang kalimutan, she deserves like me na magmamahal sa kanya until the end.”

“Then nasaan na ba siya ngayun? If you still love her find ways to be with her, just for now Kuya give yourself a chance stop worrying about me, be worried about your future.”

“I will find her Alma and will tell her that I really love her, kahit di ko alam kung ano nasa puso niya ngayun atleast nasabi ko. Kapag nakita ko siya ulit, I will not let time pass by without letting her know what I feel for her.” Makikita pa kaya ulit  ni Adrian ang taong sinasabi niyang mahal pa rin niya. Bakit hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na sabihin ito noon?

Nang Umalis ang kapatid sa kanyang silid, tila tulalang nag-iisip si Adrian. Paano pa niya sasabihin at saan niya hahanapin ang babaing sobra niyang minahal noon?

About Emode

I write if I am emotionally sad, I write if am deeply happy. I think my emotion is my motivation why I can compose articles because I write what’s on my mind, what I feel and what I dreamed for…
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!