Pag-unlad

http://www.daciagroup.com/en/about-us/dacia-industrial-site/car-assembly-plant

Totoo at seryosong industriyalisasyon ang lubhang kailangan ng Pilipinas upang ang bansa ay magkaroon ng ngipin at kapangyarihan sa umiiral na globalisasyon. Lubhang dehado ang bayan ni Juan sa pandaigdigang kalakalan kung patuloy na walang sariling industriya sa larangan ng mga sopistikadong makinarya’t kagamitan (Heavy Industries, Computer software technology etc, etc.)panahon na upang pilitin natin magkaroon ng sariling gawang mga makinarya– ang’mag-mass production’ ng mga ito.

http://www.daciagroup.com/en/about-us/dacia-industrial-site/car-assembly-plant
http://www.daciagroup.com/en/about-us/dacia-industrial-site/car-assembly-plant

New-fuels-New-Models-for-HUMMER-widescreen-05

Maraming mga higanteng kompaya’t negosyo ang bansa– ang SM Tycoon Henry Sy, mga Holdings ni Lucio Tan, ng Ayala Group of companies, atpb atpb. SUBALIT mapapansin na halos lahat ng naglalakihang negosyo ng mga ito ay pawang mga pangkaraniwan lamang ang mga produkto (from Banking & Finance, Real Estate, retailing & Mall Ops., Foods & Beverages Manufacturing) maski nga mga consumer goods’ ay nasa kontrol ng mga “Multinational companies”.
Walang nangangahas na higanteng negosyanteng Pinoy o Chinoy man ang pumapasok sa “automobile or machinery manufacturing, heavy equipment, Ship building & other related ops., aeronautics–defense technology and other hi-tech gadgetry etc. etc.”

Sapagkat ang KAPANGYARIHAN at LAKAS ng isang bansa ay nakasalalay sa lakas ng halaga ng imprentang salapi nito., ang pagkakaroon naman ng halaga ng salapi ay nakasalalay sa PRODUKTO nito.

new images pictures of the Chinese J-15 Flying Shark naval fighter jet and Varyag Aircraft Carrier  takoff operational carrier landing missile sd-10 pl-12 pl-10 (2)

Kayat kung ang mga produkto ng isang bansa gaya ng sa Pilipinas ay pawang pangkaraniwan lamang i.e. saging, kamote, kawayan, mga pabahay(subdivisions, Condos, Bldgs., Giant Super Malls,) pagkain at mga inumin atpb na mga pangkaraniwang produkto lang naman na kung saan ang mga kagamitan na ginagamit sa ating mga ‘manufacturing’ at mga ‘construction equipment’ ay inaangkat (import) pa sa ibang mauunlad na bansa. KUMBAGA, mag-iimport ka ng makina galing ‘Japan,South Korea,China etc.’ pagkatapos mag-eexport ka lang naman ng halos kahalintulad ng kamote at saging papunta sa bansang ito–isipin na lamang kung gaano ka-dehado ang kalakalan o palitan ng kalakal ang mangyayari sa magkabilang panig, saan tayo sa globalisasyon o pandaigdigang kalakalan o ‘world trade’ nakalugar.

Hahayaan na lamang ba natin ang ganitong kalagayan at kalakaran.Ang ating mga kapatid na mayayamang negosyante, mga mayayamang namumuno sa ating pamahalaan, ay marahil hindi na hahangarin pa ang pagkakaroon ng tunay na industriyalisasyon… kuntento na sila sa tinatamasa nilang kasaganaan at karangyaan sa buhay, sa pagkakaroon ng mga sasakyang SUV’s (Toyota Sequia/Land Cruiser, Lexus, BMW etc. etc.).
Ang totoo at nararapat gawin, tayong mga pangkaraniwang tao ang kailangang kumilos at magsagawa ng mga pambihirang hakbang upang maiahon sa lugmok at tiwali na kalagayan ang ating bansa. Dahil maski anong gawin, wala at sadyang wala tayo maaasahan sa ating mga tinitingala na pinuno sa ating lipunan, SUBALIT kung hahangarin ng nakararaming Pilipino ang pambihira at halos imposibleng hangad na industriyalisasyon ay sigurado at tiyak may uusbong na ideya’t pamamaraan na kung saan manggagaling sa mga pangkaraniwang tao lang pala ang kalutasan at totoong kaunlaran na pinakamimithi ng bayan ni JUAN. HAWAK KAMAY na pagsulong at PAGKAKAISA ang kailangan.  ( visit our facebook page).

About awtomatik

An ordinary OFW struggling to write trying to share the thoughts that keeps boggling the mind seeking freedom from its cage. http://pilosopongpinoy.blogspot.com/ hakaco.blogspot.com
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!