Pag narating ko ang Baguio…

baguioMadalas kong sinasabi, pag narating ko na ang Baguio, puwede na kong mamatay. Hindi ko alam kung ano ang meron sa lugar na yun, bakit ganoon na lang ang madalas kong sinasabi.

28 na ako nang marating ko ang Baguio.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, oo, ngayon ko lang narating ang Baguio.

Sept22 noon. May lalaking nagdala sa akin sa paraisong ito. Walang plano, biglaan lang. Hindi nangako gaya ng iba, pero dinala niya ako doon. Nasabi ko na lang sa sarili ko “sa dinami-dami ng nangako sa akin na dadalin ako sa Baguio, bakit siya pa? Na kahit kailan walang pangakong binitawan”.

Worth the wait naman ang mahabang byahe, at ang mahabang paghihintay ko marating lang ito. At hindi ako nagkamali. Napakaganda ng lugar sa gabi. At napakalamig. Hindi man kami nakapaglibot nang sobra, pero isa pa rin itong mgandang experience. Ang nakatutuwa dun, hindi lang niya ako dinala nang isang beses, oo, dalawang beses niya akong dinala sa lugar na ‘yon.

Gusto ko na ngang tumira dun.. nang kasama siya.. Napakasaya…

Pero hindi ko alam, dito pala mag-uumpisa ang lahat.

Masayang-masaya kami nang mga panahong yon. Kaming dalawa, laban sa mundo na tila wala na kaming pakialam sa madadatnan namin sa Manila. Puno kami ng plano. Masaya kami nang mga panahong ‘yun. Mas higit naming nakilala ang isa’t isa… Pero sa pangalawang balik namin sa Baguio… Dun natapos ang lahat… Kailangan na naming maghiwalay. Kailangan naming tuldukan ang nasimulan naming dalawa… Dahil sa mga komplikadong dahilan…

Napakabilis ng araw, ng takbo ng bawat oras.

Kung may pagkakataon pa sana? Gusto ko pang bumalik ng Baguio… Pero sana… Siya pa rin ang kasama ko… At siya pa rin ang taong magdadala muli sa akin sa lugar na ‘yun.

Angelo, salamat sa iyo. Pero hanggang kailan ba tayo magiging ganito? Bakit kailangan nating isuko ang “tayong dalawa”, kung alam naman natin sa mga sarili natin na magiging masaya tayo sa piling ng isa’t isa? Kung sana mas tatagan pa natin ang pagkapit sa isa’t isa para harapin ang lahat ng problema.

About OohLaLa27

a scorpion girl. a romantic, passionate, adventurous girl. Loves to cook. A simple yet deep kind of person. i can be a travel buddy. I made poems, qoutes and letters, depends on my mood. When im inlove i do crazy things, ive made poems and phrases to tell how i really feel. When im hurt emotionally? I do things to reverse it. Yes, i hurt myself physically, just yo feel the pain. I hot tattoo. "feel the pain, till it hurts nomore." If people dont like me, i dont care, i love being me. i do what i want. Just tHat simple...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!