Pag-Ibig, Pagmamahal at Pagkabigo…..Handa ka bang Masaktan?

Bleeding Heart (Photo Credit: Nargynargy.deviantart)
Bleeding Heart (Photo Credit: Nargynargy.deviantart)
Bleeding Heart     (Photo Credit:    Nargynargy.deviantart)
Bleeding Heart (Photo Credit: Nargynargy.deviantart)

“The greater your capacity to love, the greater your capacity to feel the pain.
~ Jennifer Aniston

Naranasan mo na ba ang paulit-ulit na pagkabigo at paulit-ulit na nasaktan? Dahil lamang sa ikaw ay nagmamahal nang lubusan?

Sa isang relasyon na halos ginagawa mo na ang lahat,upang ito’y maging maayos at magkaroon ng katuparan. Ang bawat pangarap na magkasama ninyong binuo; pangarap na umaasang  balang araw ito’y matutupad,  pagdating ng tamang panahon.  Sa pakikipagrelasyon sa larangan ng pag-ibig, kaakibat nito ang saya at kaligayahan. Sa bawat matatamis na mga ngiti ng labi ito’y masasalamin; mga wagas na pagmamahalan na akala mo ay wala ng katapusan.  Aminin man natin o hindi, meron kasabihan na “The more you love, the more you are prone to have pain”.  “Oo”. Dahil kung hindi ka masasaktan meaning hindi ka rin nagmamahal. “Vice versa”.  Ang bawat matatamis na ngiti; katumbas ay pait.

Ang bawat pagmahahalan ng isang magkareslasyon, hindi puwedeng mawala ang pagsubok.  Pagsubok sa kung saan ay  sinusukat ang bawat isa; sinusukat kung hanggang saan ang hangganan ng pagmamahalan sa bawat isa.  Sa ngalan ng pag-ibig, ika nga sabi nila ay “hahamakin ang lahat masunod ka lamang“. Pero ang tanong, hanggang saan ka nga ba?  Masakit ang masaktan dulot ng pagmamahalan.

Sa bawat tahimik na pagpatak ng bawat mga luha; ‘yong tipong halos mag collapse ka na dahil  hirap ka huminga.  Para ka na nga’ng ‘zombie’,  dahil nanlalalim na ang iyong mga mata; ikaw ba naman ang halos ‘di makakain at makatulog, ewan ko lang kung ‘yong pangarap mo na “diet” at “5lbs.” na gusto mo ma reach ay di mo pa makamit!  Andun iyong wala ka na sa iyong sarili,  na muntikan ng dahilan para ika’y masagasaan.  Tulala ka kasi eh!  Ewan ko kung saang universe ang utak mo nakarating hmmp!   Marami pa ang mga bagay na hindi magandang  nangyayari sa atin dahil sa ngalan ng pag-ibig o pagmamahal; kapag ikaw ay nasaktan o nakaranas ng kabiguan.

Naisip mo na din ba ang sumuko na? Iyong akala mo ay sinumpa ka na ng tadhana? Malamang ang sagot mo, “oo”, ayaw ko na!  Dumating ka sa point na “ano ba ang aking kasalanan?  may pagkukulang ba akong nagawa?”.  Of course wala! Eh, siempre sarili natin ang tinatanong natin eh (lalo na kung ma pride tayo hindi natin maamin sa ating sarili) Ganito lang iyon eh! “Hoy, Pachuchay! Huwag ka nga magdrama”. “Tandaan mo na kapag malas ka sa pag-ibig o mga lalaki, isipin mo na swerte ka pa rin!  Hmmp!…..’swerte?  Alam mo ba ang sinasabi mo?  Oo! Kasi kahit papano ay nakaranas ka magmahal at ang mahalin; samantalang ako menopause na, virgin pa din! Hahaha!…. oo nga ‘noh? Ano ba talaga ang problema? Wagas ka naman magmahal!  Ahh… siguro sadyang malas lang talaga pagdating sa larangan ng pag-ibig. Bitter ka dahil bakit ikaw pa na mabait ka naman at at walang inaagrabyadong tao, pero madalas ka pagkaitan ng panahon upang ika’y lubos na lumigaya.  Iyong pagiging loyal mo balewala na, naging royal true orange na!

  Pero dahil tao ka lang, at gusto mo makaranas ng wagas at totoong pagmamahal; ang gawing makulay ang napakalungkot mong buhay, ito ka ngayon at sumubok na naman na magmahal ulit.  Nakakapagod din ‘di ba? Pero lagi mong iniisip na baka sya na nga, iyong tao na sagot sa panalangin mo.  At in return ay mamahalin ka din ng taos puso at hindi  ka sasaktan.  Ang pag-ibig ay isang sugal. Kailangan natin ang sumugal, ang buksan ang ating isip;  sa mga bagay na puede makatulong upang mapaunlad ang isang relasyon.  Ang sugal ay meron pagkatalo at meron din panalo, malay natin at tayo ay nanalo pala sa labang iyon. Kapag naman natalo,  ito ka at iiyak na lang sa isang tabi.  Mag iisip at babangon ulit para buuin naman ang sarili na minsan na naman winasak ng dahil sa pag-ibig.

Madalas, dahil sa kagustuhan natin na ayusin ang lahat; dahil sa pagmamahal at mga pangarap.  Ito ka at lagi umuunawa, at umaasa.  Umaasa na malampasan lahat ng pagsubok.  Nang dahil sa pagmamahal,  halos kainin mo na ang sarilimg pride, pero hindi katangahan iyon (take note).  Gagawin mo ang mga bagay na akala mo hindi mo kayang gawin, pero nagawa mo alang-alang sa ngalan ng pag-ibig sa taong mahal mo.  Pero, dumadating ka din ba sa point na halos natatakot ka na? Sa mga ginagawa mo at sa mga nangyayari?. Natatakot ka na baka isang araw,  magising ka na naman ulit at magtataka ka; at meron ka na naman kakaibang nararamdaman. Pakiramdam na parang wala na iyong “pain” at parang balewala na lang lahat.  Dahil sa sobrang sakit, na iyong nararamdaman na sa t’wina meron hindi pagkakaunawaan.  Halos na immune ka na, at sasagi na naman sa iyong isip ang mga nakalipas na mga pangyayari.  Kung paano ka exactly na fall out of love.  Kasabihan nga na hindi sa lahat ng oras,  hawak natin ang ating mga puso, sila ay may sariling isip na puede magdikta sa atin thru our emotion.

Hindi ba puwede na puro na lang pagmamahal, ang dapat na pairali? Nang sa gayon ay walang nasasaktan na damdamin?  Hindi puwede! Dahil kapag hindi ka marunong magmahal hindi ka rin masasaktan.  At hindi ba puwede pagtagpuin kapwa, iyong mga taong hindi kayang manakit ng damdamin? Nang taong mahal niya? Nang sa ganun pareho nilang iingatan ang pagmamahalan nilang dalawa?  Iyong parehong merong malawak na pang-unawa sa ngalan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon? Iyong parehong nakakaunawa, sa bawat  pagkukulang at pagkakamali ng isa’t-isa?  Pero, siguro nga hindi puwede ang ganun. Dahil kailangang maranasan ng bawat relasyon, ang sakit para makamtan nila ang tunay na ligaya; at kahalagahan ng bawat isa.  Iyong kaligayahan at na dulot ng wagas na pagmamahalan, na hinubog na ng panahon; at hindi na kayang buwagin, ng kahit na anong unos pa dumating. dahil meron na itong ugat na malalim, na nagpapatibay sa lahat. Pagdating ng araw…… sa pagdating ng tamang panahon.

author:   dhors

p.e./mj

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!