Pag-asa

I chooseNaranasan mo na bang maramdaman ang biglang mawalan ka ng inpirasyon sa kalagitnaan mo ng pagtupad sa iyong mga pangarap?

‘Yung pakiramdam ng parang saranggola na biglang nabitawan sa kawalan at hinayaan kung saan dalhin ng ihip ng hangin?

Naubusan na nga ako ng boses, hindi sa kasisigaw kundi sa pagpigil sa mga hagulgol na gustong kumawala bawat pagkakataong makaaalala. Kahit paulit-ulit na nasasabing “lilipas din ‘to”, “lilipas din ’to”, hindi ko pa rin maiwasan ang mawalan ng pasensya at magalit sa mundo.

Marahil ay naguguluhan na din ang mundo sa akin at hindi na rin malaman kung ano talaga ang kanyang gagawin para mapasaya ako. Pero ganun pa man, bukas pa naman ang aking isipan sa magandang kapalaran na darating. Nakakakita pa rin naman ako ng pag-asa sa bawat umaga at nagpapasalamat pa rin naman ako sa mga mumunting regalong nabibigay sa bawat araw ng pagpatuloy ng paglalakbay.

Masaya naman minsan ang isang buong araw, sa gabi na lamang ng pag–iisa nakakaramdam ng kirot at lungkot. Naiisip ang mga nawala; ang mga kinakaharap at ang kung anuman ang pwedeng mangyari sa kinabukasan. Napatingala minsan sa madilim na kalangitan, na tila ba naghahanap ng mga kasagutan, at minsan pag nakakakita ng munting liwanag ay napapangiti na lang. Sa gitna man ng kadiliman, nalalaman kong may pag asa, kahit mumunti na liwanag, ito ay nasisilayan. At kapag nararamdaman ang malamig na ihip ng hangin, para bang nagsisilbi na itong yakap na nagbibigay ng pahinga para makapaghanda ulit sa panibagong laban ng buhay. Nakatingin ako sa salamin at hindi ko akalain na ang nakikita ko ay isang matapang na babae na nakayang pagdaanan ang mga pagsubok na mag isa.

Nagpakawala ako ng ngiti, kahit may lungkot pa rin sa mga mata…may kaunting sigla pa rin akong nadarama. Ang hindi ko akalain na pagsagupa sa mga bagyo sa buhay, na tila tutumba sa akin noon, pero heto ako ngayon, mata sa mata pa ring nakatitig at umaasa pa rin na makakamit na din ang natatanging pangarap.

Isang malalim na buntong-hininga ang hindi inaasahang kumawala. Naisip ko na marami pa rin akong dapat ipagpasalamat sa buhay. Ang simpleng pagmulat ng aking mga mata sa umaga, ang pagkakaroon ng pagkakataon na tumingin sa salamin at ang madami pang kaya kong gawin na nagsisilbi na ding biyaya para sa akin at sa bawat tao na nakakasalamuha ko. Ang sabi nga pala sa nabasa ko, hwag akong magdepende sa mga bagay o sa kaninuman ang aking kasiyahan; kasi pag nawala ito, hindi na din ako masaya.

Tama nga naman. Pero ang pagiging tao ay tama lang na makadama ako ng kalungkutan paminsan-minsan. Abnormal nga talaga ang buhay, pero parang sayaw man ito sa isang saliw banyaga…sunod na lang sa kumpas at padyak ng mga paa. Pasasaan ba’t mapapalitan din ng malumanay na tugtog; ng kapayapaan at pagmamahal at ng pagtupad sa minimithing simpleng pangarap.

About ignorantia legis

"I am young and my spirit is free. And like any young spirit, I want to touch beauty. I feel that if I am to fulfill myself, I must seek beauty. I must pursue truth. I must find God." i am a traveler on this earth who seeks new horizons to explore. i love to be with nature and experience its elegance as it reveals itself in an extraordinary way. i am an artist in my own simple way who searches beauty in every experience i encounter; who loves to be loved and cared for unconditionally."
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!