Paano mo ba gustong tumanda? ^_^

Minsa’y nagsama-sama ang limang magkakaibigan.

Sa edad na singkwenta’y singko ay nagkabidahan.

Kanya-kanyang buhay kanilang isinalaysay,

at siyempre pa’y sari-sari ang kanilang naranasan.

 

Nandiyang magkaiyakan, minsan ay may hagalpakan,

Iba-ibang landas man ang tinahak, pagkakaibiga’y ‘di nalimutan.

Busy man sa pinagdaanan, nagkikita nang taunan,

sa hapag kainan, may masayang balitaan.

 

Ngayong tayo’y patungo na sa ating dapithapon,

pagtandang ‘di maiwasan ang siyang ating pinupulong.

Ano nga ba ang sa ati’y naghihintay na kapalaran?

May ngiti kaya tayo sa ranggong ‘Senior citizen’ na, ‘day?

 

Malamang sa alamang, tayo ay mapapanatag.

Pagkat ating pagtanda ay ating napaghandaan.

May pensyon na parating, may naitabi pa sa libreta,

kalakip pa riyan ang PhilHealth at may SSS benefits pa.

 

Sa ‘ting pagharap sa buhay, tayo’y kumapit sa May-Likha.

Kaya’t mga anak na tinaguyod, lumaking kahanga-hanga.

Bahay ay pinagsikapang ipundar nung kabataan,

kaya’t ngayon tayo’y panatag, walang rentang pinoproblema.

 

Siguro nga’y ‘di  pa tapos, pakikipaglaban natin sa buhay.

Mayroon pa ring pagsubok na sa atin ay daratal.

Ngunit ang mahalaga tayo ay naging malawak,

at patuloy na matututo ng mga bagay na mahalaga.

 

Nagbago man ating estado, at buhok ay pumuti,

tiyakin na sa bawat araw may ngiti sa ating labi.

‘Di lahat ay pinapalad marating ganitong edad,

kaya bawat kaarawan, i-celebrate natin nang bongga!

 

[Ito’y isang paalala sa mga medyo bata pa. Paghandaan ang kinabukasan upang buhay ay mas mapayapa, mas may seguridad at mas may kaligayahan —  hanggang sa panahon ng ating pagtanda!  ^_^]

 

#PinoysOfPinas     #DFBloggersIntl      #DFBI

 

senior teenager poster

 

About Mommyjoyce

Isang simpleng nanay na adik magbasa, adik magsulat at adik sa anak! Idol ko si Mother Theresa, kaboses ako dati ni Ate Shawie Cuneta (joke); maawain sa mga madudungis, siga sa mga taong nang-aapi, at lifecoach sa mga kabataan at mga magulang na walang ibang makausap, Ang simpleng motto ko in life: Cherish everyday (not just because it could be my last); kundi kasi, bukas iba na naman ang flavor ng buhay! Kaya namnaming maigi!
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!