Paano Kung?

(Photo Credit: Dlanyerzone)

(Photo Credit:   Dlanyerzone)
(Photo Credit: Dlanyerzone)

Puwede kang magtanong kahit alam mo ang sagot. Pero bakit mo pa nga ba itatanong kung alam mo na nga? Paano kung wala ka nang ibang masabi? Paano kung tanong na lang talaga ang natira sa ’yo?  Paano ka magtatanong kung hindi mo alam ang itatanong mo?  Paano kung ganito ang tanong mo? Paano kung ganito ang itanong sa ’yo?

Paano kung kaibigan mo lang siya, pero mahal mo na pala?

Paano kung kaibigan mo lang, pero mahal ka na pala niya?

Paano kung kaibigan lang talaga turing niya sa ’yo?

Paano kung mahal mo na rin pala siya?

Paano kung sabihin niyang “kalimutan mo nang mahal mo ako”?

Paano kung sabihin niyang “kalimutan mo nang mahal kita”?

Paano kung may mahal ka rin palang iba?

Paano kung may mahal siyang iba?

Paano kung hindi niya kayang pakawalan yung isang mahal niya?

Paano kung may nagmamahal din pala sa kanyang iba?

Paano kung mahal ka nga talaga niya?

Paano kung mahal mo nga talaga siya?

Paano kung ayaw mong makasakit ng iba?

Paano kung nakasakit ka na pala?

Paano kung nasaktan ka na?

Paano kung masakit na nga talaga?

Paano kung gusto mong hayaan na lang, pero hindi mo pala kaya?

Paano kung pati yung friendship mawala?

Paano kung aalis na siya?

Paano kung maiiwan ka na lang?

Paano kung mang-iiwan ka pala?

Paano kung hindi mo na kaya?

Paano kung… paano kung?

Paano nga kaya?

Malamang tanong mo rin ang isa dyan o kaya ay naitanong na sa ’yo o kaya alam mo ang sagot o kaya hindi mo rin masagot.

Buti pa ang test questions may answer key. Buti pa sa exams may time limit. Para pag pagod ka na, puwede mong ipasa nalang at umalis na. Para kahit hindi ka sigurado sa sagot o kahit mali, at least, tapos na. Puwedeng i-check na lang yung papel, pagkatapos matututo ka ulit. Puwede ka ring umasang may susunod na lesson at dun na lang bumawi.

May mga tanong na ikaw at panahon lang ang makaaalam kung tama o mali. Puwedeng kahit yung tama mismo ang masakit. Puwedeng kahit kailan hindi mo malaman kung alin ang mali. Minsan pa nga kahit alam mong mali, yun ang pipiliin mo dahil gusto mo, dahil yun ang makapagpapasaya sa ’yo.

About julie simaurio

"bata" ang madalas nilang itawag sa akin, kung bakit, well, sekreto yun pero tingin ko alam mo na. kung sino man ako, depende yun sa sitwasyun ...at sa mood ko kaya siguro ikaw na bahala. . . generally, i sleep. i walk. i eat. i laugh. i go to school. i cry. i smile. i got lots of moods a day. i talk. i value my friends. i'm lazy. i love to read. i love to write. i'm a good listener. i love music and books and movies and having fun I'M A COACH. I'M A PLAYER. i am who i am. i'd like to know you. i still think i'm normal but i have ABNORMALITY ATTACKS:))