Paano? Bakit? Saan? at Kailan?

moving on photo
Photo by kevin dooley

“Ang heart break normal lang yan. Aabot lang yan hanggang anim na buwan pero pag lumagpas na sya dyan iba na yan.”

Hirap talaga makalimot o yung tinatawag nilang “move on” lalo na kong sa bawat kilos mo siya parin ang nakikita at naaalala mo. May mga dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi ganoon kadali sayo na talikuran o kalimutan sya kahit gustong gusto mo na.

1. Nasaktan ka

Mahirap makalimot kong ikaw ang nasaktan, Dahil marami kang tanong na di mo na makukuha pa ang kasagutan dahil minsan takot ka ring malaman ang katotohanan. Hindi mo na makukuha ang sagot dahil ang taong sasagot sa katanungan mo ay ang taong nanakit sayo. Hindi mo na makausap kasi umiiwas ka na malaman ang sagot na ikaw lang din naman ang nakakaalam.

2. Denial

Iyong haharap ka sa maraming tao at isisigaw mo na masaya ka at ipapakitang “ok” lang ang lahat, pero pag nagiisa ka na lang doon mo maalala at masasabi na hindi ka pala ok. Kailangan mo lang pala ng mga makakausap para kahit sa panandaliang oras ay hindi mo sya maalala. Iikot ang mundo mo sa apat na sulok ng kwarto at sa bawat pag lingon mo sya ang makikita mo, na masaya at parang walang nangyaring hindi maganda.

3. Praning ka

Akala mo kasi na di sya nasaktan nang maghiwalay kayo. Akala mo kasi ikaw lang ang nahihirapan o nahirapan. Pero hindi mo lang alam mas nahirapan sya lalo na kung pinapakita mo sa iba na ok ka kahit hindi pa pala. Yung tipong akala mo meron ng syang iba pero akala mo lang pala iyon kasi ganun ka nya kadaling iniwan.

4. Emo ka kasi

Iyong nagpapaawa epek ka pa sa kanya at dinadaan mo na lang sa FB post ang bawat salitang nararamdaman mo. OK Lang yan pero siguraduhin mo na nababasa parin nya. Check mo baka na block ka na nya. Iyong sa tuwing maririnig mo ang paborito nyang kanta o iyong may narinig ka na kanta nyo sya agad ang unang pumapasok sa isip mo. Kasi nga sasabihin mo na mahal mo parin sya kahit ang alam mo ay di kana nya mahal.

5. Exclusive

Nag date kayo pero hindi naging kayo. Pwede syang makipagdate sa iba ganun ka rin naman pero anong ginagawa mo umaasa ka na maging kayo pero anong nangyari hindi naman naging kayo hanggang sa gumising na lang ang isa sa inyo na hindi na kayo nagmamahalan. Masasaktan ka kasi nagsayang ka ng oras sa wala. Masasaktan ka kasi marami kang tanong kung bakit hindi kayo nagkatuluyan. Iisipin mo ngayon kung sino ang may pagkukulang at isisisi mo sa sarili mo na bakit sya pa nag nakilala mo sa dinami dami ng nagkakagusto sayo ( Yun naman Pala Eh).

6. Tayo pero hindi tayo?

Ito talaga ang mahirap o pinakamahirap sa pag momove on. Kasi kung tutuusin bakit ka mag momove on eh hindi naman kayo. Bat ka masasaktan eh hindi ka naman nya niloko. Ang mali lang kasi pareho kayong nag invest ng emosyon. Pareho kayong nagmahal pero hindi nyo magawang makipag commit sa isang bagay dahil alam nyo na hindi pala talaga kayo sa isat isa. Nasasaktan ka ng umayaw sya kasi nga marami kang tanong. Bakit ganto? Bakit ganun? Hirap ka sa pag move on kasi hindi naging kayo. Hirap ka kasi nasasaktan ka sa mga nangyari. Hirap ka kasi sya yung taong inakala mo. Hirap ka kasi umasa ka sa pagpapaasa nya. Hirap ka kasi akala mo kayo na pero di pa pala.

7. Memories

Nahihirapan ka kasi naalala mo ang mga bagay bagay na masaya nyong ginagawa noong kayo pa. Hirap ka kasi hindi dahil sa sakit na naaalala mo kundi sa mga karanasan nyo na ginawa  habang kayo pa. Hirap ka kasi namimiss mo ang lahat sa kanya at hanggang ngayon di mo parin magawang kalimutan sya. Nahihirapan ka kasi hindi mo iniisip ang mali na nagawa nya (Minahal mo eh) ang naiisip mo ang kabutihan at puro paglalambing na naganawa nya sayo. Nahihirapan ka kasi hanggang ngayon ay umaasa ka na magiging kayo pa (Move On na).

8. Closure

Mahirap talaga kung walang pinatunguhan ang lahat. Nahihirapan kang kalimutan sya dahil bigla na lang nawala na hindi man lang pinaintindi sayo kung bakit. Nahihirapan ka kasi bigla ka na lang iniwan sa kawalan ng walang kadahilanan kong bakit. Hindi man lang kayo nakapag usap ng maayos at hindi nyo napagusapan ng maayos.

Hirap noh?? Madami talagang dahilan kung bakit? Nasa atin naman iyon kung gusto ba talaga nating mag move on o hahayaan na lang natin na pasakitan tayo ng mga bagay bagay na hindi naman talaga dapat. Kagustuhan parin natin kung kailan tayo pwedeng maging masaya. Walang magdidikta na ngayon o bukas ok ka na at masaya ka na, parang walang nangyari na akala natin ay ganun kadali ang makalimot na akala ng iba na ang dali dali ng lahat dahil pinapakita mo sa kanila na OK ka at hindi ka nasaktan.

questions photo

About jay

freelance blogger, HIV/ AIDS advocate. HIV/AIDS Counselor, . 100 percent Pinoy. follow me @ kapitanpinoy.net or for more question Email me @ [email protected]
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!