Paano Ba Babawi Sa Pagkakamali?

 

Holding Hands
Holding Hands (Photo credit: JcOlivera.com)

Ang kuwentong ito is a reply fic to my one-shot fic, “Porque.” The original plan was supposed to be just a one-shot fic based on the woman’s POV. However, due to demands from my officemates, I made a follow-up fic for “Porque.”

This is Harvey’s POV.

****

“Bakit? Bakit?” tanong ko sa aking sarili.

Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Stephanie, pero ayaw na nya akong makita pa. Kaya umalis nalang ako. Pinaiyak ko siya, pero di ko alam na mahal nya pala ako… not until now…

 Ayaw niya akong kausapin, ayaw na niya akong makita. Hay, buhay nga naman. Kapag iniiwasan ka nga naman ng best friend mo, sing sakit din pala yun sa isang breakup.

Best friend ko nga lang ba si Stephanie? Or meron pang ibang namamagitan sa amin?

I knew Stephanie way back in first year sa college, pero di kami friends kasi doon sya sa mga loner types na barkada. Meanwhile, I was one of the popular guys, and girls even chased me in school. Yung iba nga, panay ang bigay ng mga gifts sa akin, pati mga baon nilang lunch, ibinibigay sa akin.

Nakausap ko lang si Steph on one occasion na nagka-allergy sya sa kung ano man ang nakain nya. I saw her scratching her nose and her eyes, at nakita kong bigla ang sarili ko sa kanya dahil ganoon din ako kapag merong allergies. For some reason, allergies aside, para siyang isang malaking salamin sa harap ko. I didn’t know what it was, but I did not mind either. Pinuntahan ko siya at binigyan ng gamot. Ayaw nga sana niyang tanggapin kasi nakakaantok daw ang mga gamot-allergy, pero sabi ko sa kanya na loratidine does not make her drowsy. So, she took one from me.

Naging kaklase ko uli si Steph noong second year of college kasi nahuli ako pag-enroll. Di ko tuloy nakakasama yung mga barkada ko, which was a bummer. Sila na nga lang yung barkada ko, ako pa ang naiwan. So damn that stupid late flight!

Si Steph na ang naging best friend ko simula noon. Nagkatabi kasi kami, and she engaged me in a conversation. Smart si Steph, maganda ang ngiti, and I had to admit, maganda siya. Bakit kaya wala pa ring nanliligaw sa kanya? If merong lalaking magkakagusto sa kanya, I am sure, swerte ang taong yon.

At dahil best friends kami ni Steph, lagi kaming magkakasama kahit saan, kahit weekends pa. Tuwing Saturdays kung kelan nagbabadminton ako, siya yung one-woman cheering squad ko. Wala akong kasing kwelang barkada kundi sya lang.

Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay, kahit sa pangarap na maging abogado. Alam ko rin kung kelan masama ang araw niya. She seldom eats ice cream, pero kung masama ang pakiramdam niya, she indulges on one. Even if she does not tell me anything, alam ko kung merong problema sa kanya.

I know, I know. I am a smart cheater in class, kaya nga di ako nahuhuli. Ako ang naging cheating buddy ni Stephanie, pero siya na rin ang nagtulak sa akin na huminto dahil sa masama ang nangongopya. And later, we found ourselves growing together, as if we make each other a better version of our own selves. Mahilig gumawa ng mga awit si Steph, and she practiced playing the guitar. Kung noon, ang tamad-tamad niya, ngayon, ang sipag-sipag naman niya. It inspired me to play badminton harder para makasali sa mga badminton competition overseas.

I don’t know what this is, pero comfortable ako kay Steph. Kahit anong sasabihin ko, masasabi ko sa kanya ng walang alinlangan. Unlike kina Mom at Dad, di ko magawa yun. Kahit nga yung nagka-girlfriend ako, syempre, pinaalam ko kay Steph. Best friend ko siya eh.

As I walked back to the prom hall, di ko maiwasang mapaluha, lalo na kung maaalala ko ang mga oras na andyan sya para sa akin para makinig sa mga problema namin ni Leilanie. Selosa si Leilanie, pero pinagtyagaan ko siya. Mahal ko sya eh. Di naman nagbabanta si Leilanie ng breakup, pero mahal ko pa rin sya kahit na itinatakwil nya ako. Sa mga panahon na mahapdi yung puso ko, kay Steph ko sinasabi yung lahat ng problem ko.

At that night ko lang nalaman na mahal pala ako ni Steph. Was that the reason kung bakit ayaw niyang sumama sa mga outings namin ni Lei? Kung bakit mahigpit yung yakap nya sa akin two days pagkatapos ng Pasko? Kung bakit umawit siya  ng “Porque” sa akin? Kung bakit hinandugan niya ako ng awit na puno ng luha at pighati?

Yep, I hurt her. A lot. I hurt my best friend. And although alam ko kung ano si Leilanie, nagpakatanga ako at nakipagbalikan pa rin ako sa kanya. Katangahan nga naman!

I let a moment pass me by. I let pass the time I spent with a best friend who had always been there for me.

I had forsaken the times I saw the mirror in her eyes. And I realized it too late nang umawit sya sa akin kanina sa hall.

And Leilanie was not any help either. Nang nakita niya ako, nagdabog ito, sabay tanong saan daw ako nanggaling. Tanong ko kung bakit, and she said she needed assistance kasi nag-run yung stockings niya.

At doon ko na namalayan na sakal na sakal pala ako. Without any hesitation, I broke up with Leilanie. Yep, I broke up with her. Siya itong nakipaghiwalay sa mga ex niya dati. She also broke up with me last December. But not now. Ako na ang nakipaghiwalay sa kanya without giving  her any time to explain. Scandal na kung scandal, pero inilahad ko sa kanya ang kanyang mga kasalanan na humantong sa breakup. Sakal  na sakal na ako, sobra siyang selosa, sobra siyang manipulative. Pinagseselosan niya rin si Stephanie kahit ang bait-bait niya in front of Steph. I felt naman her insincerity, pero nabulag ako sa pagmamahal. Mas pinili ko pa rin si Leilanie kesa sa pagkakaibigan namin ni Steph. All the people in the hall had been shocked kasi nga naman, kami ni Leilanie and tinaguriang perfect couple, the “it” couple na kinaiinggitan ng marami. I had to leave her. I just had to.

As I speak, dala-dala ko ang guitara ko. I have to do something para mapatawad ako ni Steph.

I realized she is more than just a friend to me. Siya ang other half ng kaluluwa ko. She is my soulmate, at yan ang sabi ko sa kanya. Pero di sya naniniwala. She said she does not believe in one, but I know it was just lie to cover up the hurt. Sabi ko diba? I know kung kelan masama ang loob niya. Pero bakit di ko napansin na she was hurting over me?

Nope, this is not harana. I will not croon a love song to Steph. Hihingi lang ako ng kapatawaran sa kanya. Gusto ko lang na babalik ang lahat sa dati, yung masaya pa kaming dalawa. Two weeks from now, I will be enrolling for law school, and I guess she will too. Law school is hard and hectic, at baka wala na akong pagkakataong sabihin sa kanya ang nais kong sabihin.

It’s now or never.

Dyahe! Di sintunado yung gitara ko! Anyway, andito na ako sa harap ng bintana ng room niya. At least, yung mommy at stepdad niya, mabait pa rin sa akin at kinakausap pa rin ako. They said Steph had been greatly depressed since two days ago, after our prom. Ayaw kumain, ayaw magpabilad sa araw, ayaw lumabas ng silid. They knew what happened kasi nagsalita daw si Steph, and they encouranged me to talk it out with her.

No matter how many times I called her, diverted lagi yung tawag ko. Kahit sa cellphone ng mommy niya, or sa landline nila, ayaw talaga akong kausapin. Ilang piso na rin ang naubos ko just to send her text messages.

Sandali, unli pala ang load ko…

Anyway, I did all I can just to get to her, but she would not let me. The next desperate thing I think I will do is to sing to her.

Kaya, tinawag ko siya, at sa inis siguro niya, binuksan niya yung bintana niya. Hay, sa wakas, nakita ko na rin siya. Di naman siguro ako palalayasin ng parents niya kasi sila naman ang nag-encourage sa akin.

Pero, teka… mukhang palalayasin ata ako…ni Steph.

“Anong kelangan mo?” tanong niya sa akin, totally pissed off.

“Steph, you may not want to talk to me…” sabi ko, pero kasabay din yun sa pagsara ng bintana niya. “Steph!”

Lumabas ng bahay sina Tito at Tita, pero hinayaan nila ako. Buti naman. Nang nakita nila ang hawak kong gitara, natawa silang dalawa. Kinilig ata. Nahiya tuloy ako.

“Magandang gabi po,” bati ko sa kanila.

“Magandang gabi naman, Hijo,” sabi ni Tita.

“Sige lang, Hijo, ipagpatuloy mo,” sabi ni Tito. With matching “fighting” fist pa! Encouragement much?

I nodded at them, at sinabi ni Tita na they will leave me alone para di ako madisturbo. Pumasok silang dalawa sa bahay na parang kinilig. Manghihingi lang po ako ng sorry, di po ako manghaharana.

“Steph, I know you are hurting because of me, but why did you not tell me?” I shouted over to her window. “Kung nagparamdam lang tayo sa isa’t isa, kung nabasa ko lang yung body language mo, baka naging tayo.”

Binuksan uli ni Steph yung bintana ng room niya, sabay dungaw. Nakita ko na nakasimangot pa rin ito, at kahit malayo yung bintana niya, obvious na namamaga yung mga mata niya sa kaiiyak.

“Steph, I’m sorry,” sabi ko.

I began to manipulate my guitar and started to strum, pero sinara niya uli yung bintana niya. I sang to Top Suzara’s “Sabihin Mo Na,” kasi parang angkop yung awit sa nais kong sabihin sa kanya. Kung ayaw pa rin niya akong kausapin, susumbatan ko na talaga siya. And in chavacano pa para di niya maintindihan.

Gusto kong magpaliwanag sa iyo
Ngunit ‘di kinakausap
Di ko inasahang diringgin mo
Nakatingala sa ulap

Alam kong nasaktan na naman kita
Ngunit ‘di ko naman sinasadya
Hinding-hindi na mauulit sinta
Sana’y maniwala ka

Habang inawit ko ito kasabay ng chorus, di ko mapigilan ang umiyak. How many times have I hurt her without me knowing it? She should have told me! She’s my best friend! My damn best friend!

 

Ilang araw mo ng hindi pinapansin
Ilang araw pang lilipas
Nakatanga sa harapan ng salamin
Naghihintay ng bawat bukas

Lahat naman tayo’y nagkakamali
Sinong ‘di magsasala?
Ngunit papaano babawi sa pagkakamali
Yun ang mahalaga

 

After I sang the stanzas after the chorus, binuksan niya yung bintana niya. Huwag na huwag mong isara uli yung bintana mo! Please! Utang na loob!

At nananatiling nakabukas yung bintana niya. At dumungaw uli siya, still wiping her eyes.

“Steph, sorry,” sabay sabi ko. “Please? Mag-usap naman tayo o….”

Bigla siyang umalis. Na naman????

Pero in a minute, lumabas na ng bahay si Steph and she came up to me.

“Kahit sasampalin mo ako, okey lang. Matatanggap ko yun,” sabi ko sa kanya.

At bigla syang umiyak.

“Sorry din,” sabi niya. “Di ko naman sinasadyang mahalin ka. Di mo naman kasalanan na karapdapat kang mahalin… Sadyang di lang napigilan yung damdamin ko the first time I saw you…”

And she cupped her hands, na para bang may lihim siyang pilit na itinatago pero nabuking niya yung sarili niya.

“Since the first time… You mean, first year?” sabi ko. “Totoo ba, Steph?”

“Oo… I thought it was just a crush. I thought it would lead to nothing. I…”

Yung gitara ko, nilagay ko sa balcony at nilapitan ko sya uli. At niyakap ko siya.

“When I first saw you during your allergic attack, I did not mind it, but I immediately saw me in you… like you are my female version… And when you sang to me sa prom, doon ko na narealize na ikaw pala yung soul mate ko.”

“Sorry I told you I don’t believe in soul mates,” sabi ni Steph. “Kasi sa totoo, I have been living my life believing in their existence. I had wanted so much to have a soul mates more than wishing for a boyfriend. And the first time I saw you, I knew it was you.”

“Steph, I may not love you like the way you love me, kasi di ko alam kung papaano kita mamahalin,” sabi ko. “But you have always been special to me.”

Tumingin siya sa akin.

“Paano si Leilanie?”

“Nakipagbreak ako sa kanya,” sabi ko kay Steph. “But now, it did not hurt as much as when we first broke up.”

Niyakap ako nang mahigpit ni Steph. I don’t know if pwede ko siyang jowa-in, but the feeling of her hugging me felt good. I just want to be with her, kahit hindi magiging kami.

Perhaps you remember the movie “So Happy Together.” I like that movie. Although walang romantic links sa mga characters nina Kris Aquino and Eric Quizon doon sa movie, but that is what I call friendship na bounded by something very special, na tumagal hanggang sa tumanda talaga silang dalawa. Gusto ko rin na ganoon kami ni Steph, magkatuluyan man kami o hindi.

Being soul mates does not always mean having a happy ending. It just means that there is a time in your life na nagkita kayo and created some memories together in a way na hindi gaya ng ordinary friends lang. Ewan ko. Is that the way to explain it?

Having a soul mate is nice.

And this I know. Di ko man siya mahal gaya ng pagmamahal ko kay Leilanie dati, pero mahal na mahal na mahal ko si Steph na di ko maipaliwanag. Na yung pagmamahal ko sa kanya encompasses more than just romantic love that we see in the movies. Mahal na mahal ko siya to the point na gusto ko siyang makasama for a long time.

And it is nice having Stephanie around me. It felt nice feeling her hug.

“Steph, I’m sorry na I cannot reciprocate your feelings now. Maybe in the future, I can. But eto lang ang masasabi ko. Masaya ako kapag kasama kita,” sabi ko sa kanya.

“I told you diba na I prefer the notion of a soul mate over a boyfriend, diba?” sabi niya nang pabiro sa akin. “If you cannot love me the way I do, okey lang. Maghihintay ako. Pero masaya ako kasi kasama uli kita.”

I looked into her eyes, those very same eyes that reflected my own life… my mirror. I smiled at her as I wiped her tears. Ang ganda-ganda ni Steph tonight. And I leaned forward to kiss her forehead.

“Mahal kita, Steph,” bulong ko sa kanya as I leaned to her ear.

And I knew na nagblush siya kasi uminit yung cheek niya. Ang cute…

“BFF pa rin tayo ha?” sabi niya sa akin. “Mag-aabogasya tayo. Sabay tayong mag-bar exam.”

“Oo ba!” bulong ko. “Kung gusto mo, sabay tayong magtatrabaho sa isang law firm. Tapos, magiging judges tayo, and in the future, ako ang magiging Chief Justice ng Pilipinas, at isa ka sa mga associate justices ko.”

“Labo naman o,” sabi niya while punching my chest.

“Aray!” I screamed.

And she hugged me tight again.

If mayroon lang talagang time-stop, I wish to stop time. I just want to have a memory of me and Steph hugging under the stars that night. I wish it would never end.

And I wish all soul mates will have happy endings…

Gaya namin ni Steph.

****

Salamat sa MetroLyrics for Top Suzara’s “Sabihin Mo Na.”

 

Haaayyyy… yung officemates ko, naghahangad ng Part 3….

 

Link to Porque (A One Shot Fic)   (http://definitelyfilipino.com/blog/2013/05/04/porque-a-one-shot-fic/)

 

Enhanced by Zemanta

About mitchiness

A blogger who tried to fit in / But who realized that / She was not meant to be / Standing along with the crowd. / A different way of thinking / She has. / A different path to take / She walks. / A destiny different from her friends, / And maybe still, / She was born to stand out, / Destined to be different.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!