Paalam, Pepe Pimentel

(Photo Credit: aliwanavenue.files.wordpress)
(Photo Credit:     aliwanavenue.files.wordpress)
(Photo Credit: aliwanavenue.files.wordpress)

Veteran host Pepe Pimentel, pumanaw na!  

Napakinggan ko ito kaninang tanghali.  Diumano,  isa nang malamig na bangkay nang makita sa loob ng comfort room (CR) ng kanilang bahay sa Barangay Laging Handa, Quezon City ang beteranong host na si Pepe Pimentel, edad 83, kaninang umaga.  Namumuhay si Mang  Pepe kasama ang kanyang asawa, apong si james at ilang kasambahay.

Batay sa doctor ni Pimentel, wala na itong pulso nang matagpuang nakabulagta sa palikuran.  Ayon sa isang impormante na barangay official, “It looks like inatake siya while inside the bathroom, nabagok ang ulo niya.”

Ayon sa kanyang pamangkin na si Ramon Pimentel, si Mang Pepe ay iki-cremate agad, ayon na rin sa habilin ng kaniyang yumaong tiyuhin nang nabubuhay pa ito.  Ang kanyang mga abo ay ilalagak sa  Pinaglabanan Church sa San Juan City para doon sa mga magsisipunta upang magbigay ng kanilang huling paggalang sa kanya.

Matatandaang si Mang Pepe Pimentel ang nag-host ng ilang sikat na noontime game shows noon tulad ng Kuwarta O Kahon (1962-2000 sa RPN 9)at Student Canteen (1970s)

Bukod sa pagho-host, napabilang rin sa ilang pelikula si Mang Pepe gaya ng:

  1. I Won, I Won: Ang s’werte nga naman (1985)
  2. Dos por dos (1968)
  3. The Jukebox Queen (1966)
  4. Hamon sa kampeon (1965)
  5. Dear Eddie (1963)
  6. Carioca (1963)
  7. Fil-American Girl (1963)
  8. Ang babaeng Isputnik (1963)

Siya ay naglingkod din bilang Barangay Captain sa Barangay Laging Handa, Quezon City.

Maraming pinasaya at pinatawa si Kuya Pepe nang kanyang kapanahunan sa showbiz.  Ang Kuwarte o Kahon ay naging malaking hit din sa mga kababayan natin.  Ngunit ang nag-iwan talaga ng tatak Pepe sa isip ng masa ay ang kanyang pagpapasikat sa comedy gags na ang gimik ay lagi siyang galit sa kanyang biyenan.

Biyenan jokes?  ^_^   Kay Pepe yan!

Nakikiramay po ang Definitely Filipino at sambayanan sa mga kapamilya ni Kuya Pepe Pimentel.

Source:

http://www.pep.ph/news/37207/kwarta-o-kahon-host-pepe-pimentel-found-dead-inside-his-house

http://www.pep.ph/news/37207/kwarta-o-kahon-host-pepe-pimentel-found-dead-inside-his-house

http://www.eforu.com/Celebrity/P/Pepe_Pimentel.html

About Mommyjoyce

Isang simpleng nanay na adik magbasa, adik magsulat at adik sa anak! Idol ko si Mother Theresa, kaboses ako dati ni Ate Shawie Cuneta (joke); maawain sa mga madudungis, siga sa mga taong nang-aapi, at lifecoach sa mga kabataan at mga magulang na walang ibang makausap, Ang simpleng motto ko in life: Cherish everyday (not just because it could be my last); kundi kasi, bukas iba na naman ang flavor ng buhay! Kaya namnaming maigi!
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!