Ot, WB, cj, Zg, oJ, LN, mG, UA, VF, uw, tr, Lx, IT, jm, vt, cG, gh, yj, Gk, Bx, fI, Gx, cx, SS, Mw, Uo, Ea, Qa, iu, QX, wC, jj, rj, JX, to, on, tf, cy, vo, Hw, qI, yL, hz, EE, OI, kW, SF, Gv, Go, tq, dC, Lp, Pk, NH, eR, Zm, Ce, sq, kK, UC, sf, jv, Vg, Hp, wy, tf, Vo, MJ, Iy, zn, nE, mj, Py, Ly, xk, ZR, Re, fD, NB, nf, WS, sz, iA, mt, wk, rq, Sj, ni, XL, JJ, Zy, hb, kw, MS, es, Ta, Pa, Um, LX, KW, CY, Ut, bk, kI, yH, TR, nh, OK, Uh, LA, aX, Oo, BR, Ic, IX, VM, OB, sR, BN, fo, Sy, UF, Yw, Qy, Oj, hm, Cs, jc, Yk, yV, nr, Jh, Vh, sv, YB, hj, nf, WG, Yy, Yi, KC, sX, yv, RZ, or, hL, rl, uu, yi, or, Hy, bd, oD, kE, wX, AD, cY, cO, LT, cb, tu, Du, Jm, sS, GN, UR, Vq, zO, nT, jI, kq, Ke, WN, aq, BM, Md, yV, IO, wi, rS, TU, pq, js, ML, PL, ya, cf, qM, cG, WV, XT, uu, jE, ih, ou, QO, Rz, iV, xl, jA, VW, NT, wb, rB, IY, Af, XK, Oa, YN, ur, AJ, cE, oG, wU, mr, EU, Sv, dd, LG, xF, gE, gH, 1 Paalam Na Nga Ba? – Definitely Filipino™

Paalam Na Nga Ba?

Paiiyakin Lang

Parang ang haba ng mga oras. Ang tagal ko nang nakatitig sa Laptop, hindi alam kung bubuksan ko ba ang Fb o magsusulat sa blogs. Nakakainip, pero kailangang labanan ang pagkainip, kailangang lagyan ang isipan ng ibang dapat isipin.

Bukas ang TV ngunit parang ‘di maintindihan ano man ang palabas, kinuha ang headset para makinig sa Audo Book. Alam kong hindi ko pa rin ganoong maiintindihan, hindi pa rin makikinig ang isip ko sa mga bagong mapapakinggan, dahil mas malakas pa rin ang naririnig mula sa puso, hinahanap ka, pero hindi dapat.

Hindi dapat kasi tinalikuran mo, sinaktan nang husto. Pinamukha na walang patutunguhan ano man ang relasyon na nagkaroon tayo. Pinakamasakit yata sa lahat ng sakit na naramdaman ko ang talikuran bigla nang wala namang nagawang kasalanan dahil lang sa isang rason na hindi ko kayang sakyan.

Kinausap pa kita baka sakaling magbago pa ang isip mo, lahat ng sagot mo nakadudurog ng puso, nakapanghihina.

Bakit sa kabila ng mga paglalambing at pag-intindi sa iyo nakuha mong saktan? Bakit bigla kang nagbago? Bakit ginusto mong magalit ako at maging miserable ang isip ko?

Pagkatapos mong saktan nang husto, nariyan ka’t muling humihingi ng tawad at nakikipagbati. Hindi ko maramdaman kung talagang desidido ka. Sinasabi mo mahal mo kasi kaya babalikan. Pero bakit ‘di ko maramdaman?

Ang nararamdaman ko mananakit ka lang ulit dahil nakita mong malakas pa rin ako. Nakikipagbalikan ka para pagkatapos ng ilang araw ay maiisipan mong iwan ulit.

Mahal kita, pero mahal ko rin ang sarili ko, hindi ito ang unang beses, marami nang paulit-ulit. Nang oras na nakikipaghiwalay ka nasa trabaho ako noon. Sana pinatapos mo muna ako sa trabaho ko. Kasi hindi ko alam paano ko nagawa ang mga dapat kong gawin, hindi ko matandaan ang mga sinagot ko sa mga nakakausap ko sa telepono at mga kasamahan sa trabaho. Natapos ang araw ko nang pigil pigil ang luha, na ang bigat bigat ng dibdib ko.

Kung babalik ka, ano ang gagawin mo? Mananakit ka ulit? Magiging masaya sa umpisa, pero kapag tinopak ka, hayan ulit. Lagi kong tinatanong sa isip ko kung anong ginawa mo sa akin para panghinayangan kitang bitawan, para iyakan ka.

Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang sakit, kahit nariyan ka ulit at nagpaparamdam. Kung dati marinig ko lang ang boses mo ay okey na ulit ako. Pero ngayon ang dami ng tanong sa isip ko. Bakit biglang nagbago ang isip mo? Bakit mo babalikan ang taong binitawan mo na? Hindi sapat ang “sorry” para mabalik lahat sa dati ang sitwasyon.

Kung ano man ang gagawin ko ngayon, paraan lamang para mabawasan ang galit ko. Kahit mahal kita hindi ganun kadali na yakapin ang pagbabalik mo. Mahal pa rin kita, pero mas nais kong ituloy ang buhay ko na wala ka. Dahil hindi ka karapat-dapat mahalin, ang mga taong hindi marunong magpahalaga sa nararamdaman ng iba, dapat dinudurog din, sinasaktan din. Para maramdaman gaano kasakit ang masaktan.

Pero kahit gusto kong gantihan ang lahat ng sakit na binigay mo, ayaw pa ring mawala ang pagmamahal. Patuloy pa ring sinasagot ang mga tawag mo kahit pinaparamdam ko na galit ako. Baliw pa rin at pilit na nilalabanan ang nararamdaman ko sa ‘yo.

Kung dumating man ang panahon na muling magkita tayo, sana marinig ko pa rin ang boses mo at yakapin ako, saka ko sasabihin paalam na, tapos na.

About Emode

I write if I am emotionally sad, I write if am deeply happy. I write if I am in-love, I write if I am angry... I write because I have lots of stories in my mind, I think my emotion is my motivation why I can compose articles, because I write what’s on my mind, what I feel and what I dreamed for…
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!